HASHMIN POV: Asan na kaya ang pamangkin niya. Mukhang lumalangoy na naman ito sa dagat. Kahit noong bata pa ay mahilig na talaga itong lumangoy kahit sa portable pool lang na binili noon ng bayaw niya. Siya rin naman ay mahilig na lumangoy, nung bata pa sila nang ate niya, nung nasa probinsiya pa sa Bicol ay mahilig silang tumakas sa Nanay nila para lang maligo sa ilog. Pag naaalala niya yung experience na yun ay talagang nalulungkot siya. Kasi doon sa time na yun, masayang masaya sila, puno ng tawanan, biruan at puro kalokohan ang mga ginagawa nilang magkapatid tapos ang mama nila nun ay hinahabol pa sila ng walis tambo dahil sa mga kapilyahan namin. Pero kahit ganun kami ay sobrang mahal kami ni Nanay at Tatay. Yun nga lang hindi tumagal ang buhay nila, at maaga rin silang iginupo ng s

