Walang pagsidlan ang tuwa nila ni Nyxara. Nauna na etong umuwi dahil sinundo ng kapatid. Mabuti na yun at pahirapan ang pagsakay sa jeep dahil rush hour, malapit lang naman ang bahay nila Nyxara sa kompanya. Siguro mga 5 minutes lang ang biyahe mula sa bahay nito at dito sa company. Siya ay magbibiyahe pa talaga ng 15 minutes kung hindi traffic. Kaya lang lagi namang traffic kaya pahirapan sa pag uwi at pagpasok sa trabaho. Kaya aagahan na lang niya ang pagpasok sa trabaho simula sa lunes.
Ayaw niyang malate. Kailangan makapasok siya ng maaga para very good ang performance niya sa trabaho. Executive Secretary siya ng COO ng kompanya. O di ba bongga. Sana lang mabait ang magiging boss niya. Sa lunes pa niya makikilala ang boss niya, dahil ioorient pa siya.
Excited na siya na umuwi, ikukwento pa niya sa best friend at tiyahin ang pagka tanggap sa trabaho at tiyak na ikakatuwa din eto nga mga mahal niya sa buhay. Grabe pa naman ang suporta ng dalawa sakin. Kaya mahal na mahal ko ang mga yun.
Sumakay na siya sa jeep. Mangilan ngilan lang naman ang pasahero dahil alas dos pa lang ng hapon. Maalinsangan din ang panahon ngayon, hindi pa naman siya nakapagdala ng pamaypay. Ubos na rin ang dala niya kaninang tubig. Nakalimutan niya palang bumili bago sumakay. Sana lang maging mabilis lang ang biyahe nila at walang maging problema. Pinapaypay na lang niya ang folder na dala sa sarili dahil sumasakit na ang ulo niya sa init na nararamdaman. Mabuti nang maaga na siyang nakasakay kahit papano para hindi na hassle. Kung alas singko na yan sigurado na pahirapan ang pagsakay at punuan ang mga jeep, dahil sa rush hour at uwian na ng nga estudyante at mga empleyado. At kapag rush hour sigurado na sasamantalahin nang mga snatcher at mga gagawa ng masama sa iba.
At buti na lang talaga at maaga natapos ang lakad niya. Akala nga niya alas singko pa matatapos ang exam at interview. Magaling rin talaga ang proseso ng kompanya sa pagpili nang mga bagong empleyado nila. Smooth lang at mabilis ang pasunod sunod na steps nang pag hire nila. Mga bihasa talaga sa kahit anong aspeto ng pangangalakad ng kompanya. Nakaka bilib talaga.
Habang bumibiyahe na ang jeep, ay umidlip lang muna siya dahil nakaramdam na siya ng antok at sakit ng ulo. Baka maalis lang naman ang nararamdaman niya. Nakapasak din sa dalawang tainga niya ang headset niya at nakikinig ng tugtog.
Mababaw lang naman ang tulog niya pag ganitong nasa biyahe. Naramdaman na niya ang pagod sa maagang pag gising kanina. Kahapon naman ay gumala sila ni Drya. Pinuntahan nila yung isang kabarkada nila sa Batangas dahil nag ninang sila sa bunsong anak nito. Maaga silang bumiyahe papunta roon, at nag commute lang. Nakarating kami sa Batangas nang alas diyes ng umaga. Buti na lang at nakaabot pa kami sa simbahan. Pahirapan pa ang paghanap sa lugar kasi hindi naman kami pamilyar doon. Nagtanong tanong nalang kami ni Drya kung asan ang simbahan, mabuti na lang at may magagandang loob na tumulong sa amin.
Sumabay na kami sa kaibigan namin pauwi sa bahay nila. Naghanda daw kasi ang mga ito. Grabe na ang gutom na naramdaman namin ni Drya pagkarating namin sa bahay ng mga ito. Namangha kami sa ginawang paghahanda nang mga to dahil bongga talaga. Ang daming pagkain. May kaldereta, adobo, salad, graham at marami lang iba, at syempre hindi mawawala ang lechon. Busog na busog kaming dalawa nang matapos kumain. Sulit na sulit na nakapunta kami roon. Alas tres nang hapon ay nagpa alam na kami na uuwi na. Magbibiyahe pa kasi kami nang malayo layo. At maaabutan pa ng traffic sa daan. Nakarating na ko ng bahay nang alas- diyes ng gabi. May dala naman akong litson para kay Tita, padala sa kanya ng kaibigan ko. Pagkataposna maglinis ng katawan ay agad agad na kong natulog dahil sa maaga pang gigising kinabukasan.
Napamulat ako ng mata nang mauga ang jeep na sinasakyan. Napakapit na lang ako sa metal na hawakan. Lalo atang sumakit ang ulo ko sa biglaang galaw ng sinasakyang jeep.
Blaaaaag...
Naalog ang utak niya dahil sa biglang paghinto ng jeep na parang may nabangga eto, kaya naman nauntog talaga siya. Dali daling bumaba ang mga pasahero kaya naman bumaba na rin siya at tiningnan ang mga pangyayari. Hinawakan na lang niya ang nauntog na ulo. Pag talaga siya nagka internal hemorrhage pababayarin niya ang driver ng jeep. Ang sakit nang ulo niya. Sumimangot siya. Naku naman talaga. Ang malas.
Nasagi pala ng sinasakyang jeep ang isang tricycle, buti na lang at nakapag preno si manong driver ng jeep kaya hindi napuruhan ang driver ng tricycle. Nag away ang dalawa at parehong iginigiit na nasa tamang linya sila at walang kasalanan sa mga nangyari. Naawa siya sa driver ng motor dahil tumutulo ang dugo mula sa ulo nito.
"Hay naku mga kuya, relax lang po kayo, hindi po masosolusyunan ang nangyaring eto kung parehong mainit ang ulo niyo. Hintayin natin ang mga pulis para maibistigahan ang nagyari." saad ng isang mamang pasahero ng jeep na nakasabay ko.
"Oo nga, walang mangyayari kung mag aaway lang kayo at baka magkasakitan pa kayo at lalo kaming maaabala nito." sabat naman nang isang ale na mukhang iritado na.
"O ayan na pala, may pulis ng paparating."
Lumapit sa pinangyarihan ng insidente ang dalawang naka unipormeng alagad ng batas. Mukhang napadaan lang din naman ang mga ito at nakiusyoso siguro kung bakit traffic na at may komosyon.
" Magandang hapon po sa lahat, Police Lieutenant Isaac Montelibano po ng police station at eto naman po ang kasamahan ko na si Police Inspector David Quisimbing, napadaan po kami dito at aalamin na rin namin ang nangyari dito. Relax lang po tayo at maaayos rin po eto, itinawag na namin sa kasamahan sa highway patrol ang nangyari rito."
Patuloy na nag aaway ang dalawang driver kahit pa kaharap na nila ang dalawang pulis. Pinipilit na wala silang kasalanan sa nangyari at parehong umiiwas sa danyos na posibleng bayaran dahil sa nangyari. Sila namang mga pasahero ng jeep ay lahat na nakasimangot, naabala na nga sila mukha pang hahaba ang usapin ng dalawang panig. Mukhang kailangan na niyang humanap na lang nang ibang masasakyan pauwi. Medyo malayo layo pa kasi ang destinasyon niya. Napabuntong hininga na lang siya.
"Hindi pa rin ba maayos ang gulong to, Montelibano at Quisimbing? Sobra na ang traffic at nakakaabala na sa mga ibang motorista." nang bigla biglang magsalita ang isang lalaki. Strikto at talaga namang buong buo ang boses. Boses pa lang alam mo nang masungit ito.
Napalingon agad siya sa nagsalita at nanlaki ang mata ni Kashimira dahil unang beses niyang makakita ng mukhang Greek God na bumaba mula sa Mount Olympus. Sobrang gwapo ng lalaki at talaga namang mapapanganga ka sa kakisigan nito. Matangkad, matangos ang ilong, maputi at sobrang ganda ng katawan. Eto na ata ang pinaka makisig na lalaki na nakita niya sa buong buhay niya. Biglang tumahip ang t***k ng puso niya. Unang beses na makaramdam siya nang ganito.
Kinabahan siya at kumakabog ang dibdib niya. Mukhang na love at first sight ata siya rito. Hahaha. Charoot. Bakit kaya ganun ang reaksyon nang puso niya? Anong meron dito na dati namang may nakikilala rin siyang gwapo pero wala lang sa kanya. Pero ngayon na nakita at nakilala niya ito gusto na niyang magka lovelife at pumasok sa isang relasyon pero gusto niya ito ang lalaking magiging boyfriend niya. Hahaha. Ambisyosa ako masyado. Mukhang mataas ang standard nito sa pagpili ng babae. At siguradong hindi siya papasa sa pamantayan nito. Pero try pa rin niyang mag apply na maging GF nito. Charooooot lang. Titig na titig siya rito. Hindi niya nilulubayan ito ng tingin. Manghang mangha talaga siya sa mukha nito.