Lahat sila napatulala sa biglang nagsalita na lalaki.
" Pasensiya na po Major, aayusin po namin eto. May mga hindi lang napagkakasunduan ang dalawang kampo, kukuhanan namin ng statement lahat ng witnesses sa nangyari." ani ni Lt. Montelibano. Mukhang takot na mapagalitan ng lalaki na Major pala nila.
Matalas na tingin ang iginawad ng lalaki sa nagsalitang pulis. Halatang strikto talaga at suplado.
"Ayusin niyo agad ang gulong to at imbestigahan ng mabuti. Marami nang napeperwisyo sa dahil rito, asan na ba si Dominguez?." mabagsik na ani nito sa mga tauhan.
" Yes sir aayusin po agad namin. Papunta na rin po dito si Dominguez, nagka aberya daw po kasi sa sasakyan niya." agad agad na wika ng binatang pulis.
Tumango eto at inilibot ang tingin sa paligid, nang biglang tumama ang paningin nito sa kanya at kasabay nang pagsalubong ng kilay ng lalaki. Seryoso itong tumingin sa akin at striktong tumalikod para bumalik sa isang naka park na police mobile. Diretso lang ang lakad nito at snappy ang postura ng paglalakad. Akala niya model yung lalaki kasi naman hindi ito naka uniporme, police pala at mataas ang posisyon. Major ng PNP, mataas na agad ang posisyon kahit mukhang bata pa naman. Siguro mga 38 ang edad nito. Ibig lang sabihin ay magaling at matalino ang lalaki. May asawa na kaya yun? Hmmm. sana single pa, at mag aapply siya. Hahaha.
"Gwapo sana, ang sungit lang. Ano ba yan." bubulong bulong na sabi ko.
Sinundan ko eto ng tingin at nagkanda haba ang leeg ko sa kakasulyap. Ayaw talaga ng mga mata ko lubayan si Major ng tingin. Baka mapag kamalan na ko nitong stalker. Bigla etong lumingon ulit sa akin at ng makita ako na nakatingin sa kanya ay sumimangot eto at tiningnan ako ng matalim.
"Grabe siya. Naano ko ba siya wala naman akong ginagawa sa kanya, napatingin lang ako kasi gwapo pero grabe namn ang ugali. Napaka suplado at sobrang sungit. Pinaglihi ata sa sama ng loob o kaya brokenhearted."
Nakasimangot na tumalikod ako para hindi ko na makita ang galit na tingin niya sa akin, na para namang kasalanan ko ang nangyari.
" Makaalis na nga, pag nakita ko talaga ulit ang lalaking yun susungitan at iirapan ko din yun. Makaganti man lang. Hindi ko naman siya naaano, tapos parang galit ang tingin. Napatingin lang naman ako kasi syempre gwapo. Ang ganda ng katawan at yummy." naglakad na lang siya palayo sa pinangyarihan ng aksidente at naghintay ng masasakyan na panibagong jeep.
Kahit lutang pa, ay biglang nabaling ang tingin niya sa lalaking medyo malayo layo ang agwat kung nasan siya nakatayo. Napakunot noo siya dahil hindi niya masigurado kung tama ba yung nakita niya. Parang may kinuha ito sa bag nang isang babae tapos ibinulsa. Mukhang snatcher ito, sinasamantala ang kaguluhan at gumawa pa talaga ng kalokohan hindi man lang natakot sa mga pulis na nasa paligid. Sinabi naman agad niya sa katabing ale ang nakita.
"Hoy, miss yung lalaki parang may kinuha sa bag mo?" sigaw nito sa babae.
Agad namang tiningnan nang babae ang loob nang bag niya at saka napagtanto na may nawawala sa kanya. Wallet nga talaga ang dinikwat nang kawatan. Pagbaling nila sa lalaki ay mabilis na tumalilis ito. Sumigaw ng magnanakaw ang babae.
Nagkagulo naman ang mga tao sa paligid.
"Ate, hawakan mo muna po ang mga gamit ko. Kukunin ko po yan sayo maya maya at hahabulin ko lang yung lalaki."
"Naku, miss huwag ka nang makialam pa at may pulis naman na hahabol dun."
Dahil likas ang pagiging matigas ang ulo hindi na lang niya pinansin pa ang mga litanya nito dahil baka makalayo na ang magnanakaw. Hinabol niya ito, ang bilis tumakbo ng hayop. Alam niyang lulusot ito sa mga eskinita kaya naman ang ginawa niya at umiba siya ng direksyon para makasalubong ang tumatakas na lalaki. Umupo na muna siya sa isang tindahan habang hinihintay ang lalaki dahil sigurado na dadaan yun dito. Hiningal siya sa kakahabol rito. Pag nahuli niya talaga ito, pepektusan niya para makaganti sa pagpapahabol sa kanya.
Maya maya pa ay hinihingal na huminto ang lalaki sa may tindahan kung saan siya nag hihintay rito. Nanlaki ang mga mata nito nang makita siya.
"Napagod ka kuya sa kakatakbo mo,noh?
Tumalikod ito at kumaripas na naman ng takbo. Akala ata makaka takas pa sa kanya. Eh nakahanda na ang gagawin niya rito oras na pahirapan na naman siya sa kakahabol rito. Kinuha na niya ang black shoes niya at malakas na binato rito. Dahil sa may takong ito, tumama sa likod ng ulo nito ang patusok na parte ng sapatos niya. Malakas pa naman siyang bumato kaya yun mukhang lumubog sa ulo nito ang takong niya at nakaramdam ng hilo kaya ayun bagsak. Nilapitan niya ito at piningot.
"Ikaw na lalaki ka, ang laki naman ng katawan mo at mabilis ka pa sa cheetah tumakbo pero hindi ka makapag trabaho nang marangal na wala kang napeperwisyong iba. Pinagod mo pa ko." sermon niya rito.
Mabilis na lumapit sa kanila ang dalawang pulis at pinosasan ang lalaking magnanakaw. Naibalik na rin sa babae ang nakuhang wallet nito. Agad naman na lumapit sa kanya yung ale na pinang iwanan niya ng mga gamit at binalik na ang mga gamit ko sa akin.
"Naku ineng para akong aatakehin sayo kanina. Nang habulin mo yung lalaki. Pano na lang kung may kutsilyo yun at sinaksak ka dahil hinabol mo. Nakung bata ka, buti na lang at ang galing mo. Nahabol mo yun at naibalik ang gamit nung babae."
"Kayang kaya ko po yun. Salamat po sa pag aalala."
"Excuse me po ma'am, pwede ka po bang makausap?" singit sa kanila nang isang pulis. Tiningnan niya ito at tumango. Bumaling siya sa babae at magalang na nagpaalam.
"Bakit po Sir?" tanong niya rito.
"Kailangan po kita makuhanan ng statements, regarding po sa paghabol niyo po dun sa lalaking magnanakaw."
"Ah okay po. Wala pong problema."
May mga tinanong ito sa kanya at agad naman niyang sinasagot. Ilang minuto lang ay nakatapos na siyang magbigay nang pahayag.
"Tapos na ba yan Aguirre?" may biglang nagtanong sa kausap.
Nakita niya si Major Sungit na nakakunot ang noo at madilim ang mukha. Galit na naman ata ang lalaki. Parang may sumpong lagi.
"Tapos na po Major." agarang sagot nito.
"Buti naman." ani nito.
Humarap ito sa kanya at walang kangiti ngiting kinausap siya.
"Salamat Miss sa ginawa mo, pero sana agad mo na lang na ipinaalam sa mga pulis na narito yung ginawa ng magnanakaw hindi yung nakialam ka at talagang humabol ka pa sa lalaking yun, magiging kargo pa kita kung may masamang nangyari sayo." pabulong nitong sinabi ang huling mga salita.
Sinamaan niya ito nang tingin at inirapan. Akala ata nito hindi niya maririnig ang sinasabi nito.
"Wow ha, masama na po pala ang tumulong, ayos ka rin Sir." tinalikuran niya na ito at hindi na hinintay na magsalita pa at baka kung ano ano na naman ang sabihin sa kanya.
Dahil traffic sa daan, maraming
pasahero ang galit na naghihintay na maayos ang gulo. Nakasakay na siya ulit sa jeep, yun nga lang hihintayin niya pa rin na umusad ang mga nasa unahang sasakyan. Kaya naman minabuti niya na ichat ang tiyahin at sinabi niya na sobrang traffic kaya hindi pa siya nakakauwi. At ibinalita rin niya ang pagkatanggap sa trabaho. Kaya naman tuwang tuwa eto at mag celebrate daw kaming dalawa.
Dumaan na muna daw ako sa pinagtatrabahuhan niya at sabay na kaming umuwi. Kakain daw kami sa labas at ibibili niya ko ng mga susuotin kong mga damit sa bagong trabaho.
Isang beses pang sumulyap ako sa gwapong pulis na nakatayo pa rin kung saan ko siya iniwan at seryosong nagmamasid sa paligid. Halatang inip na inip na rin eto pero walang nagawa dahil hindi pa tapos sa ginagawang imbistigasyon ang mga kasama.