Chapter 7 - Treat

1397 Words
Hindi pa rin maalis ang inis niya sa ugali nang Major Sungit na yun. Imbyerna talaga, siya na nga ang tumulong tapos sinungitan pa siya. Asan ang hustisya doon. Saka bakit kaya sakin parang sobra naman ang inis niya. Naano ko ba yun. Kung hindi ko lang crush yun, sinuntok ko na yon sa mukha. Pero syempre joke lang, baka inaambahan ko pa lang to dinala na ko sa presinto at kinulong. Todo emote pa rin siya habang nakasakay sa jeep. Alas-singko ng hapon ay nasa labas na siya ng pinagtatrabahuhan ng tiyahin. Dahil gutom na, ay nag desisyon na siyang kumain na lang muna nang tusok tusok, kikiam at fishball ang paborito niya. Habang masayang nakikipag kuwentuhan kay Kuya Leo ( yun ang pangalan ni kuya na nagtitinda ng fishball at kikiam), ay kumakain naman siya. Sabi ni Kuya Leo, matagal na raw itong nagtitinda at yun ang pinang bubuhay sa dalawang anak. Pagnaka ubos na raw siya nang paninda ay magtitinda naman siya ng mga gulay sa palengke. Ang sipag sipag talaga ni Kuya Leo. Namatay na raw kasi ang Misis nito at siya na ang naiwan para palakihin ang mga anak. Hindi na rin daw siya nag asawa at natatakot daw siya baka maltratuhin ang mga anak nang magiging madrasta. Mahirap na daw sa panahon ngayon na ipagkatiwala ang mga anak kung kani kanino. Nasa elementarya na daw ang mga bata at masisipag na mga mag-aral. Bilib siya kay Kuya Leo, mahal na mahal nito ang mga anak at talagang tinuon na ang buong atensyon para sa mga bata. Marami pa kaming napag kwentuhan ni Kuya Leo, kung ano ano na lang, tungkol sa pamilya, sa trabaho, sa pulitika at kung ano ano na lang. Nag enjoy naman ako na habang kumakain ay may kasamang chismisan. Ang daming ganap sa buhay ko nang mga nakaraang araw, marami rin akong nakikilalang iba't ibang tao. Nalalaman ko ang mga kwento ng buhay at mga pagsubok na dinadaanan nila. Bago umalis sa pwesto nito at bumalik na sa labas ng bangko ay binigay niya kay Kuya Leo ang bayad niya. Buong five hundred pesos, nang iabot niya ang pera ay sinabihan niya si Kuya Leo na huwag na siyang suklian at ibili na lang sa mga anak niya nang pasalubong. Tuwang-tuwa ito at todo pasalamat sa kanya. Maaga pa naman kaya naghintay na muna siya dahil sigurado mag aayos pa ng sarili niya ang tiyahin. Dahil kahit sa edad nito napanatili nito ang balingkinitan na katawan at magandang mukha. Kaya naman marami pa rin talaga ang nagtatangkang manligaw dito yun nga lang at ayaw nito ng distraction sa buhay. Mas gusto nito na alagaan ako at masaya naman daw siya sa buhay na single. Habang naghihintay ay nakipagkwentuhan muna siya kay Manong Bernard, matagal na guwardiya na eto sa bangko kaya naman kilalang kilala na siya nito dahil malimit siyang isama noon ng tiyahin lalo na nung bata pa siya. Kaya naman nasubaybayan na nito ang paglaki niya. Mabait si Manong Bernard lalo na sa kanya kaya naman malapit din ang loob niya dito. "Manong B, kumusta po ang mga anak mo? si Aling Siony kumusta rin po? "Ayos naman sila hija, nag-aaral ng mabuti, at lagi kong pinaaalalahanan na ayusin ang pag aaral at kami ay matanda na. Pag nakatapos sila makakapagpahinga na rin kami sa kaka trabaho ni Siony, sila na ang bahala sa bubuuin na pamilya. At kami namang mag asawa ay kakayod pa rin naman para na sa aming dalawa." "Mga magagaling naman po sa klase ang mga anak niyo, kaya walang magiging problema. Sigurado po ako magiging maayos ang buhay nila." "Sana nga. Maging gaya sila sayo na maganda na, mabait pa, at may magiging maayos na trabaho na." "Hala si Manong B grabe ang bilib sa akin. Kayo talaga. Kaya lab na lab ko kayo." "Hahaha, bilib talaga ko sayo na bata ka kaya maswerte sayo ang tiyahin mo, alam ko na magiging kasangga ka niya sa lahat ng oras. Yang tiyahin mo kasi lagi naming pinagsadabihan na pumili na sa mga manliligaw niya at anong petsa na wala pa rin siyang asawa. Ayaw pa daw at bata pa naman daw. Nakow kwarenta pero bata pa daw. Sabagay sa ganda niya hindi mapaghalataan ang edad." "Ayaw nga talaga Manong B na mag asawa pa, hahanapan ko nga ng dyowa kapag may time ako. Sayang ang lahi sigurado ako magaganda at gwapo ang mga magiging pinsan ko." "Kaya nga." "Hey, ano na naman ang pinagchichismisan niyong dalawa? Sigurado na ako na naman ang topic niyo." nakasimangot na lumapit sa kanila ang dalagang si Hashmin. "Hahaha, si tita alam na alam ang palagi naming topic ni Manong B." "Wala naman kayong laging nakikita kundi ako." "Hay naku Hashmin, kelan ka ba talaga kasi mag-asawa?" "Pag may naligaw na po at complete package na po siya para maging asawa ko. Sa ngayon po, eto munang magandang pamangkin ko ang dapat kong ipriority, hala, mauuna na muna po kami at kakain kami sa labas ni Kashi, treat ko muna po at hindi ko alam kong kelan kami makakalabas ulit lalo na at magiging busy na rin eto sa trabaho." " Sige na, mag ingat kayong dalawa sa daan." "Bye Manong B, ingat rin po kayo." Kinawayan namin ang guwardiya at umalis na rin. Pupunta kami sa mall ng tiyahin, kakain at mamamili ng mga office attire para magamit ko sa trabaho. Habang naghihintay ng tricycle na masasakyan papunta sa mall ay napatingin kami ni Tita sa isang bagong bukas na ukay-ukay store. "Kashi, tingnan muna nga natin ang tindang mga damit diyan sa bagong bukas na store, maganda daw ang mga damit at mura." aya nito sa kanya. "Sige po Tita, baka makahanap tayo nang magandang dress." Maraming namimili sa tindahan na yun dahil mga magagandang klase naman talaga ang mga tinda nila. Nasa 200 lang, meron ka nang napaka eleganteng damit na pwede sa pormal na okasyon, pang simba at pang gala. Dahil nagandahan kami pareho ni Tita Hashmin sa mga damit na binibenta, bumili kami nang anim na piraso ng mga dress. Tatlo sa kanya at tatlo rin sakin. Pagkatapos na mamili sa ukay ay lumabas na kami ng store at bumalik na sa sakayan ng mga tricycle. Medyo madilim na ang paligid dahil mukhang uulan pa ata. Ang malas naman. Kung kelan kami gumala ni Tita saka naman kami aabutan nang ulan. Habang nakatayo sa gilid ng kalsada ay biglang may lumapit sa amin na dalawang lalaki. Mukhang mga nakainom dahil sa umaalingasaw na amoy ng mga ito. "Hi mga magagandang binibini, saan kayo pupunta? Gusto niyo ba ihatid namin kayo?" nakangising sabi ni kuyang bungal, bungal na lang ang itatawag ko rito at kulang naman ang ngipin nito sa harap. "Oo nga mga miss, mga mababait naman kami at aalagaan namin kayo." sulsol pa ni Kuyang kalbo. Naku talaga, bakit ba lapitin ako ngayong araw ng kamalasan. Lahat na lang. "Nananahimik kami rito tapos lalapitan niyo para lang guluhin at sabihin yang mga kababawan niyo. Mukha ba kaming mga teenager para maisip niyong mauuto niyo kami?" seryoso at galit na winika ng Tita niya. Natawa na lang ako dahil walang kakakaba kaba na sabi nito sa dalawang tukmol. Hinayaan niya na ang Tiyahin na harapin ang dalawa. Sisiw lang naman rito ang ganitong sitwasyon. "Aba Miss yan ang gusto namin sa isang babae, matapang at maganda." sabi ni Bungal. "Ako tinanong niyo ba ko kung gusto ko kayo. Lumubay kayo samin kung ayaw niyong masaktan." "Ang yabang mo Miss, bakit akala mo ba kaya mo kami? galit na sabi ni kuyang Kalbo. "Kaya ko naman talaga kayo, sige subukan natin, ikaw na muna Kalbo ang lumaban sakin. Kapag tinamaan mo ko sasama ko nang walang palag sa inyo. Pero pag natamaan kita, tulog ka at lubayan niyo kami ng pamangkin ko. Intiendes?" Pagkabigay sakin ni Tita ng gamit niya ay sumugod agad si Kuyang Kalbo, umiwas si tita rito at pinatid ang paa ni kalbo kaya ayon plakda sa semento. Hahaha. Pasugod na rin si Bungal kaya naman tinulungan ko na si Tita at sinipa na ito sa likod para sumubsob rin sa semento. Ayon yung dalawa parehong tulog sa kalsada. Tawang tawa kami ni tita at umalis na. Bahala na ang mga yun sa buhay nila. Kami pa talaga ni tita ang kakantihin na pareho kaming magaling sa martial arts.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD