HERCULES POV: Pawis na pawis na siya pero tuloy pa rin siya sa ginagawa niyang pagbubuhat ng barbel. Gusto niyang makondisyon ang katawan para naman hindi siya tumaba lalo na at laging napapasarap ang kain niya dahil sa galing magluto ni Kashi. Wala talagang sumama sa kanya kina Lotus, Red at Alex dito sa gym. Si Alex talaga ay expected na niyang hindi yun hihiwalay sa Baby niya. Si Lotus naman ewan ko ba sa trip nun at himalang hindi nagkulong lang sa surveillance room dito sa bahay o kaya naman nakadikit lang sa katawan ang laptop nito. Mukhang may kakaiba rin rito. Tumunog ang cellphone niya kaya naman tumigil muna siya at tiningnan kung sino ang tumatawag sa kanya. Napakunot noo siya dahil si Lotus ang tumatawag. Ano kaya ang problema nito? "Hello, ano ba ang problema mo at tumataw

