KASHIMIRA POV: Ang masayang masaya na bonding nila ay napalitan nang katahimikan simula nang magsagutan ang Tita Hashmin niya at ni Tito Hercules. Nang makita si Alex na nakaupo sa sala at hawak ang laptop nito ay agad siyang lumapit rito. "Hi Boo, busy ka?" paglalambing niya rito. "Hindi naman, may kailangan ka Baby?" ani nito. Itinabi nito ang laptop sa mesa at itinuon sa kanya ang buong atensyon. "Nalulungkot kasi ako, mukhang tuluyan nang maghihiwalay nang landas si Tita Hashmin at si Tito Hercules." "Wala naman tayong magagawa kung yun na ang gusto nilang mangyari. Siguro mas mabuti na rin yun kasi hindi na talaga sila magkasundo. Laging nag-aaway at kung minsan kahit maliit na detalye pag aawayan pa. Ang toxic nun. Nagdesisyon na rin si Hercules na bitawan na ang kaso patungkol

