KASHI POV: Napatingin siya sa binata ng makitang parang may pag aalinlangan rito na sagutin ang tawag sa telepono nito. Bakit kaya? Sino ang tumatawag? Maya maya lang ay sinagot naman nito ang tawag. Tumabi ito sa kanya at hinawakan ang kamay ko, niloud speaker nito ang phone para siguro marinig ko ang sasabihin nang kausap. "Hello, Mom, bakit po?" pormal na pagtatanong nito. "Alex, nasaan ka ba ngayon?" agad na bungad nito sa anak. "Work." tipid nitong sagot sa ina. Hinalik halikan nito ang kamay niya kaya naman lalo siya ritong dumikit at malambing na humilig rito. Hinalikan rin siya nito sa labi. Smack lang naman. "Puntahan mo nga si Alana sa kanila at takot na takot raw ang batang yun dahil sa nangyari sa kanya kanina. Naalis lang daw ang takot nito nung dumating ka." utos nito s

