KASHI POV: Nagsimula naman agad ang seremonya ng kasal. Silang mga kasali sa entourage ang naunang nag martsa sa gitna nang aisle, hindi na talaga humiwalay sa kanya ang nobyo kahit pa lahat ng angkan nito ay nakatingin sa kanilang dalawa. Poker face na lang din siya. Kunwaring walang pakialam sa paligid. Nakaupo na sila sa kanya kayang pwesto at ang oras na pinakahihintay nila, ang pagpasok nang bride sa loob ng simbahan, nakakamangha talaga ang angking ganda ni Ma'am Kalixta ngayon. Para itong isang diyosa, bumagay dito lahat ng suot at ang mata niya ay makikita mo ang ningning dahil sa saya. Nang maglakad na ito sa aisle, nanggilid ang luha ko sa saya para rito. Kahit hindi pa naman ako masyadong matagal na nagtatrabaho sa kanya ay genuine ang pag care at pakikipag kaibigan ko para sa

