LESSON 08
“Twinning”
“ANG daya-daya naman ni ate! Hindi man lang niya ako isama sa pagpunta niya sa school ngayong gabi. May pasok daw siya… Tss! Tanga lang ako pero hindi ako uto-uto! Ah, alam ko na. Susundan ko siya sa school. Aalamin ko kung ano ang gagawin niya do’n!” Pagsasalita ni Laira mag-isa matapos umalis ng kanyang kakambal na si Maira.
Hawak niya ang isang manika na simula bata pa lang ay nasa kanya na. Ibinigay iyon sa kanya ng kanyang nanay na hanggang ngayon ay palagi niyang dala lalo na’t nandito siya sa bahay. Ang pangalan ng manika niya ay si Pinky dahil sa kulay pink nitong damit at buhok. Noong una ay dinadala rin niya si Pinky sa school pero nang tumuntong siya ng high school ay pinagbawalan na siya ng kanyang tita dahil sa marami ang pinagtatawanan siya kapag kinakausap niya si Pinky.
“Gusto mo bang sumama sa akin, Pinky?” Huminto siya sa pagsasalita na para bang sumasagot ang manika sa kanya. Ngumiti siya ng malaki. “Sige! Pupuntahan natin si ate sa school pero 'wag kang maingay, ha. Sama kita pero 'wag mo akong isusumbong kahit na kanino. Promise?”
Tuwang-tuwang pumalakpak si Laira at saka siya tumalon pababa ng kama dala ang kanyang manika.
Marahan niyang hinila ang pinto at sumilip. “Wala na si ate, Pinky. Pwede na tayong umalis…” aniya sabay labas ng pinto.
Aminado si Laira na nabu-bully siya dahil sa pagiging isip-bata niya at nadadamay ang kanyang kakambal dahil doon. Alam naman niya ang mga nangyayari, marunong siyang umintindi. Iyon nga lang, ang kilos at pananalita niya ay parang sa isang bata. Hindi na nga lang siya nagkaroon ng pagkakataon na matingnan ng isang espesyalista dahil sa hindi naman mayaman ang kanyang tita na nag-aalaga at bumubuhay sa kanila ng Ate Maira niya.
Habang papalabas siya ng bahay ay napahinto siya sa malaking salamin na nakasabit sa dingding. Tinignan niya ang sarili doon umikot at lumabi habang matamang tinitignan ang hitsura. “Ang sabi ni ate dapat ay parang ako siya…” Tumuwid siya ng tayo at tinanggal ang ribbon sa buhok. “'Ayan! Para na akong si Ate Maira, Pinky. Huwag mo muna akong tatawagin na Laira, ha. Ako si Maira. Yehey!” At tumakbo na siya palabas ng kanilang bahay.
Hindi man lang siya nakakaramdam ng takot kahit mag-isa siyang naglalakad papunta ng school. Pagdating niya doon ay inakyat niya ang gate dahil naka-lock.
“Nasaan kaya si Ate Maira?” Luminga-linga siya hanggang sa may makita siyang ilaw sa rooftop sa lumang school building.
Parang ilaw na nanggagaling sa cellphone. Mukhang nandoon ang kanyang hinahanap. Ano naman kaya ang ginagawa ng kakambal niya sa lugar na iyon? E, kilala niya ito bilang number one sa pagiging matatakutin lalo na sa mga multo. Kabaligtaran niya ang kanyang ate. Matatakutin ito sa mga multo pero siya ay hindi. Hindi naman kaya may kasama ito doon? Pero sino?
Ipinilig ni Laira ang kanyang ulo. “Ah! Lahat ng tanong ko ay masasagot kung pupuntahan ko na siya doon. Tara na, Pinky!” Niyakap niya ang kanyang manika.
Tinungo na niya ang lumang school building at walang takot na inakyat ang rooftop. Habang papalapit na siya sa rooftop ay may narinig siyang dalawang lalaki na nag-uusap.
“O, ano na? Akala ko ba pupuntahan ka dito ng babaeng iyon? Bakit wala pa? Anong oras na! Ten-thirty na!”
“Iyon nga din ang akala ko, e! Bwisit talaga ang Maira na iyon!”
Patuloy siya sa paghakbang hanggang sa marating na niya ang rooftop. Tumigil siya sa may pinto at nakita niya doon sina James at Ronnie. Wala ang kanyang kakambal.
“Paano na ang plano natin?” ani Ronnie. “Tawagan mo na lang kaya!”
“James… Ronnie...” tawag niya sa dalawa. “Si ate? Nakita niyo ba siya?”
Napahinto si James sa pagkuha ng cellphone nito nang magsalita siya. Magkasabay na napalingon ang dalawa sa kanya at nagkatinginan.
Napangisi si Ronnie at inilagay ang isa nitong kamay sa bulsa. “Laira?” anito.
“Hala! Pa’no mo nalaman na ako si Laira? Tinanggal ko na nga ang ribbon ko sa buhok, e…” Pumadyak pa siya.
Hinigit ni Ronnie si James. May ibinulong ito dito. Nakita niya ang pag-iling ni James na parang tutol ito sa sinabi dito ni Ronnie. Biglang sinapak ni Ronnie si James at muli itong binulungan. Matagal na nag-usap ang dalawa hanggang sa tumingin sa kanya si Ronnie at nilapitan siya. Hindi niya alam pero kinakabahan siya sa paraan ng pagkakatingin nito sa kanya. Napayuko siya dahil naiilang siya kay Ronnie.
Napapitlag siya nang ipatong ni Ronnie ang kamay nito sa balikat niya. “Mag-isa ka lang ba, Laira? May kasama ka?” tanong nito sa kanya.
“M-may kasama ako. Si Pinky…”
“Sinong Pinky?”
“Ito, o…” Itinaas niya ang hawak na manika.
Tumawa si Ronnie at kinausap nito ang kanyang manika. “Hi, Pinky! Ang ganda mo naman. Para kang si Laira. Parehas kayong maganda!” Matapos iyon ay muli itong tumingin sa kanya. “Ano nga pala ang ginagawa mo dito? Gabing-gabi na, a.”
“Hinahanap ko kasi ang ate ko. Ang sabi niya kasi ay pupunta siya dito. Pero parang wala naman siya dito kaya uuwi na lang pala ako.”
Tatalikod na sana siya para umalis pero bigla siyang hinawakan ni Ronnie sa braso. Bahagya pa siyang hinila nito kaya naman napasubsob siya sa dibdib nito. Napatingala siya at nagtama ang kanilang mga mata. Doon lang niya napansin ang namumula nitong mata. Namumungay iyon na parang antok na antok. Pati ang pagsasalita nito ay iba. Parang lasing na hindi niya mawarian.
“'Andito ang ate mo. Nandito siya sa school, Laira.”
“Ha? Nandito si ate? Saan siya?”
“Alam ko kung nasaan ang Ate Maira mo. Gusto mo bang samahan ka namin ni James sa kanya. Hinahanap ka rin kasi niya sa amin, e. Ang sabi niya sa amin, kapag nakita ka namin, dalhin ka namin sa kanya.”
“Talaga? Sige. Nasaan ba siya?”
Imbes na sagutin ang tanong niya ay may inilabas itong panyo at may ini-spray ito doon. Umikot ang braso nito sa kanyang leeg at sinaklit siya doon. Mariin nitong itinapat ang panyo sa kanyang ilong. Nang maamoy niya ang nasa panyo ay sumakit ang kanyang ulo hanggang sa unti-unti siyang manghina.
“James! Bilis! Tulungan mo ako dito!” Iyon na ang huli niyang narinig bago siya tuluyang mawalan ng ulirat.
-----***-----
HINDI magawang gumalaw ni James nang makita niyang nagawang mapatulog ni Ronnie si Laira. Humulagpos ang walang kalaban-laban na si Laira sa mga bisig ng kanyang kaibigan.
“James!” sitsit nito sa kanya.
Nanatili siyang nakatulala at hindi alam ang gagawin. Hindi niya gusto ang binabalak ni Ronnie pero pinilit siya nito.
“James, ganito ang gawin mo… Papuntahin mo dito sa school mamayang gabi si Maira. Tapos, alam mo na ang gagawin natin sa kanya. 'Wag ka nang tumanggi kung ayaw mong magkagalit tayong dalawa! Malaki ang utang na loob ng pamilya mo sa pamilya ko. Kung hindi dahil sa amin ay baon na kayo sa utang at baka nasa kulungan na ang mga magulang mo!” Iyon ang ibinulong ni Ronnie sa kanya kaninang umaga nang nagmamakaawa si Maira na makausap siya.
Ngunit nag-iba na ang plano ni Ronnie. Dahil parang hindi naman dumating si Maira ay si Laira na lang ang pinuntirya nito. Bago sila pumunta dito sa rooftop ay gumamit muna ng droga si Ronnie.
“Bilis! Tulungan mo ako dito!” sigaw sa kanya ni Ronnie.
Kumurap-kurap siya at tila nagising mula sa malalim na pagtulog. Natataranta niyang nilapitan si Ronnie. “A-anong gagawin natin sa kanya?” tanong niya.
“Tulungan mo akong buhatin ang baliw na ito doon sa likod ng mga kahon!” utos nito.
Hinawakan niya ang walang malay na si Laira sa braso nito habang si Ronnie ay sa paa naman nito nakahawak. Magkatulong nilang binuhat si Laira papunta sa likod ng mga kahon. Pagkahiga ni Laira doon ay naghubad na ng damit si Ronnie.
“Teka, teka. Anong gagawin mo sa kanya?” Kinakabahang tanong niya.
“Ano pa? Magpapasarap ako! Pwede na rin ito tutal kamukha naman ito ni Maira. Pagkatapos ko, ikaw naman! Magbantay ka at baka may dumating.”
“P-pero… b-baka magsumbong 'yan.”
“Sa tingin mo ba may maniniwala sa luka-lukang ito? Kapag nagsumbong, itatanggi natin. Iisipin lang ng mga tao na baliw na talaga si Laira. Bakit? 'Wag mong sabihin na natatakot ka?!”
“H-hindi--”
“Pwes! Magbantay ka!”
Mabilis na tumayo si James at pumunta siya sa may pinto papasok sa rooftop. Hindi siya mapakali. Maya maya ay narinig niya ang tila nababaliw na pag-ungol ni Ronnie. Tila sarap na sarap ito sa ginagawa nito. Makalipas ang ilang minuto ay nakita niyang tumayo ito at nagsusuot na ng pantalon. Sinenyasan siya nito na lumapit.
“Ikaw naman! Bilisan mo at baka magising na 'yan,” anito sabay tapik sa balikat niya. Ito naman ang pumunta sa may pinto at nanigarilyo.
Nang tignan niya si Laira ay wala pa rin itong malay. Wala itong kahit na anong saplot sa katawan. May dugo ito sa pagitan ng mga hita. Nakaramdam siya ng awa para sa kakambal ni Maira. Sa totoo lang ay gusto naman talaga niya si Maira kaya niya ito niligawan. Pero nang malaman ni Ronnie ang panliligaw niya dito ay binuska siya nito. Anito, baliw na rin siya kung liligawan niya ang kapatid ng baliw na si Laira. Tinawanan siya nito kaya naman huminto na siya sa panliligaw dito. Malakas kasi mang-alaska si Ronnie. Dahil sa ang pamilya nito ang nagbayad ng utang ng mga magulang niya sa banko ay malaki ang utang na loob niya dito. Sunod siya sa lahat ng sinasabi nito kahit ayaw niya. Matalik na magkaibigan kasi ang mga parents nila kaya lumaki sila na halos magkasama palagi sa araw-araw.
Hindi niya kayang gawin ang ginawa ni Ronnie kay Laira. Sinamsam siya ang mga damit ni Laira na nasa tabi nito. Inilabas niya ang kanyang panyo at pinunasan ang dugo sa pagitan ng mga hita nito. Maingat niya itong binihisan at pagkatapos ay tumayo na siya at nilapitan si Ronnie.
“Tapos ka na agad?” tanong ni Ronnie sa kanya. Itinapon nito ang sigarilyo at inapakan iyon.
“Ah, e… O-oo.” Pagsisinungaling niya. “Ano na pala ang gagawin natin kay Laira?”
“Ano pa ba? Iiwanan na natin siya dito. Mamaya naman ay magigising na iyon. Ano, tara na! At baka may makakita pa sa atin dito!”
Labag man sa kalooban ni James na iwanan si Laira sa ganoong kalagayan ay wala na siyang magagawa kundi ang sumunod sa sinabi ni Ronnie. Iniwan nila si Laira habang wala itong malay.
-----***-----
“NASAAN ka na ba, Laira?” Panay ang lakad ni Maira sa kwarto. Hindi siya mapakali dahil alas-dos na ng madaling araw pero hindi pa rin umuuwi ang kanyang kakambal.
Sinubukan niya itong tawagan sa cellphone nito pero narinig niya nag-ring iyon sa kabinet nito. Ibig sabihin ay naiwanan nito iyon. Wala ito sa buong kabahayan kaya sigurado siya na lumabas ito.
Hindi kaya sumunod siya sa akin sa school at nagkasalisi kami? Tanong niya sa sarili.
Tama! Baka nga ganoon ang ginawa nito. Bakit ba ngayon niya lang iyon naisip?
Humanhangos na lumabas si Maira sa kwartong iyon. Pagbukas niya ng main door ay nagulat siya nang makita niya si Laira na nakatayo sa labas at mabagal na naglalakad. Parang nahihirapan ito sa paglalakad dahil bahagya itong nakabukaka.
“Laira!” sigaw na tawag niya sa kakambal at nagmamadali niya itong nilapitan. “Saan ka ba pumunta, ha?!” Nag-aalala niyang tanong. Natigilan siya nang mapansin niya na madumi ang damit nito at magulo ang buhok. Nakatulala ito at lampasan ang tingin sa kanya.
Niyugyog niya ang kakambal. “Magsalita ka nga, Laira! Anong nangyari sa iyo?”
Marahan itong tumingin sa kanya. “A-ate…” Pumatak ang luha sa mata nito.
Bigla itong nawalan ng malay. Mabuti na lang at naging maagap siya sa pagsambot dito.
“Laira? Laira! Gising!” aniya habang tinatampal ito sa pisngi.
Kahit mahirap ay pinilit niyang ipasok si Laira sa loob ng bahay. Dinala niya ito sa kanilang kwarto at maingat na inihiga sa kama. Kumuha siya ng palanggana na may laman na maligamgam na tubig at bimpo. Ikinuha rin niya ng malinis na damit ang kakambal. Lilinisin niya ito dahil bukod sa damit ay marumi din pala ang braso, binti at mukha nito. Kinakabahan siya. Alam niyang may hindi magandang nangyari kay Laira. Hindi ito mawawalan ng malay kung wala.
Ano bang nangyari sa iyo, Laira? Tanong niya gamit ang isip.
Hinubad niya ang damit nito. Pinunasan niya ang braso, leeg at mukha ni Laira. Matapos iyon ay ibinaba naman niya ang palda na suot nito. Napahinto siya nang makita niya na may kulay pulang mantsa sa panty ni Laira. Hindi maaaring regla iyon dahil sabay sila ng buwanang dalaw ng kakambal. Nanginginig ang kamay na ibinaba niya ang panty ni Laira. Tigalgal siya nang makita niya na parang namamaga ang b****a ng p********e nito!
“H-hindi…” Napailing siya sabay patak ng kanyang mga luha. Niyakap niya si Laira. Sa nakita niyang ebidensiya sa katawan nito ay alam na niya ang nangyari dito. May gumahasa sa kanyang kapatid. “Sinong gumawa nito sa iyo?! Sino?!” galit na galit na sigaw ni Maira.
-----***-----
NAKATULALA lang si Maira habang nakatingin sa wala pa ring malay na si Laira. Halos mag-uumaga na pero hindi pa rin siya dinadalaw ng antok. Kanina pa siya nag-iisip kung sino ang gumawa niyon sa kanyang kakambal. Hindi pa rin niya alam kung sasabihin ba niya sa tita nila ang nangyari kay Laira.
Naramdaman niya ang paglalandas ng luha sa kanyang mata. Hindi na naman niya napigilan ang pag-iyak. “Ano bang nagawa ko? Bakit pinabayaan kita?” paninisi ni Maira sa sarili habang hinahaplos ang buhok ni Laira.
Gumalaw ang talukap ng mata ni Laira at napangiti ito nang makita siya. “Good morning, ate. Papasok na ba tayo sa school? Hala… umiiyak ka ba, ate?” Bumangon ito na parang walang nangyari dito.
“H-hindi. Napuwing lang ako.”
“'Sus! Lumang palusot na iyan, ate. Bakit ka nga umiiyak?”
“Ano kasi… naalala ko lang sina mama…” Pagsisinungaling niya para hindi na siya nito kulitin.
Sa wari ni Maira ay walang alam si Laira sa nangyari dito. Normal lang ito sa pangingin niya.
Umusog ito palapit sa kanya at niyakap siya. “Hug na lang kita, ate, para hindi ka na umiyak. Kunwari ako si mama,” anito.
Mas lalong napaiyak si Maira dahil sa awa sa kanyang kakambal. “Sorry, Laira. Sorry!” Umiiyak niyang sambit.
“Bakit ka nag-so-sorry, ate?”
Kumalas siya sa pagkakayakap sa kakambal. “W-wala. 'Wag mo akong intindihin,” aniya habang pinapalis ang luha sa kanyang mukha. Huminga siya nang malalim at tinanong ang kanyang kapatid. “Laira, wala ka bang natatandaan sa nangyari sa iyo kagabi? Kung saan ka pumunta?”
Hindi agad ito nakasagot dahil parang nag-iisip pa ito. Kinuha nito ang manika nitong si Pinky. “'Wag mong sasabihin kay ate kung saan tayo pumunta kagabi, ha…” Mahinang sabi nito sa manika pero narinig pa rin niya.
“Sabihin mo sa akin kung ano ang nangyari sa iyo, Laira,” pilit niya.
Umiling ito. “Ayoko.” Parang bata na sagot nito.
“Laira, please… kahit iyong kung saan ka na lang pumunta kagabi. Kahit iyon na lang ang sabihin mo.”
Kinausap ni Laira ang manika nito. Inilalagay pa nito ang bibig ng manika sa tenga nito na para bang nagsasalita ang laruan na iyon. “Sabi daw ni Pinky, sabihin ko daw sa iyo kung saan kami pumunta kagabi…”
“Saan?” Kinakabahang niyang tanong.
“Sa school, ate. Doon kami pumunta ni Pinky kagabi. 'Di ba, Pinky?”
CLASS DISMISSED!