Chapter 17

2570 Words
Tumawag si Jane kay Jason dahil hinahanap na sila ng nanay ni James. “ Jane, bakit? “ tanong ni Jason “ hinahanap na kasi kayo ni mommy, hindi ko naman masagot kung saan kayo pumunta “ “ sabihin mo pauwi na kami at bumili pa kam ng beer para dagdag sa mga iinom “ sagot nito “ sige umuwi na kayo ha? “ Niyaya na ni Jason si James na umuwi pero dumaan muna sila sa isang grocery at bumili pa ng ilang case ng beer. Pagdating nila sa bahay ay binaba na din nila ang dala dala nila na beer. “ anak, saan ba kayo galing? Nandito na mga katrabaho mo “ sabi ni nanay “ Mi, bumili lang po kami ng beer dahil siguradong kukulangin tayo “ sagot ni James Pumasok siya sa loob at nakita niya na nagkakain na sila at kasama nila si Alex at Jane na nag-aasikaso sa ibang bisita. Agad pinuntahan ni Jane sa Jason at baka biglang magsalita na naman, nakakahiya sa mga bisita. Sumenyas lang si Jason na, okay na. kaya medyo nakampante na ito. Hindi makatingin si Alex kay Jason kaya lumapit naman si James. “ Alex, okay na. nakausap ko na si Jason, huwag ka ng mag-alala “ “ salamat. Pero maya maya aalis na din ako para naman makapag enjoy kayo “ sabi ni Alex “ okay lang magstay ka, gusto mong beer? “ yaya nito Tumango lang ito kaya agad naman niya kunuha si Alex ng beer at binigay sa kanya. Pinalalapit ng nanay niya si James sa kanya. “ bakit po mi? “ “ anak, kilala mo pa ba ninang mo? “ “ ay opo “ saka nagmano “ anak ang laki mo na at gwapo ah? Sabi ng ninang niya “ naku mare, gwapo talaga yan at mabait pa. teka mare may papakilala ako sa iyo “ Tinawag niya si Alex at lumapit naman ito. “ bless ka anak, ninang ni James yan. Mare girl friend ng inaanak mo yan “ sabi ng nanay “ hello po “ bati naman ni Alex “ naku, napaka gandang bata naman. Magaling pala inaanak ko bumili ng girl friend “ naka ngiting sabi nito Tumawa lang si James sa ninang niya. “ Kelan ba ang kasal? Huwag nyo na patagalin pa para naman magka apo na si mare “ “ oo nga mare, gusto ko na magka-apo para naman may magpapasaya sa amin ng tatay niya “ “ naku mi, matagal pa kami ni  Alex magpapakasal “ sagot agad ni James “ unahin nyo na kaya magka apo ako, birthday gift ninyo sa akin? Sabi ng nanay niya na parang hindi naman nagbibiro “ si mommy talaga, darating tayo diyan “ sagot ni Alex “ teka lang po ha, puntahan ko po muna mga kasama ko “ iwas niya sa tanong kaya nag paalam agad “ sige anak “ Sumama na din si Alex kay James. Nakipag kwentuhan lang ng konti si James kina Cris. “ guys kain lang kayo ha? may mga beer din sa labas, kumuha lang kayo “ “ okay po sir, Ma’am Alex musta po? “ tanong nung isa “ okay naman, buti nakarating kayo sa birthday ni mommy “ “ parang pamilya na po kasi tingin namin sa kanila kaya every year nandito kami “ “ kain lang kayo guys ha? “ sabi ni Alex  Mga ilang sandali pa “ Alex okay ka lang ba? Pasensiya ka na ha? “ sabi ni James “ okay lang James “ “ halika dun tayo sa labas? “ yaya ni James “ James, ayoko dahil nandun si Jason. Alam ko galit na galit yun sa akin sa ginawa ko “ “ don’t worry, nagka-usap na kami. Saka magtataka si mommy kung hindi ka pupunta duon tapos ako nandun. Lika na “ hinawakan niya ang kamay ni Alex at sabay silang lumabas. “ Alex, dito ka na sa tabi ni Jane “ Nung umupo si Alex ay inabutan naman siya ng beer ni Jason dahil naramdaman ni Jason na natatakot ito sa nangyari kanina. Kinuha naman ni Alex yung beer na binigay sa kanya. Maya maya pa ay may pumasok sa gate ng bahay nila. Si Alea “ Alea “ sabi ni Jason Napatingin si Alex at napatingin naman si James kay Alex. Naisip ni James bakit siya matatakot kay Alex ei wala na naman sila dahil may babe na siya. “ bro sunduin natin si Alea “ sabi ni Jason “ sige. Jane, Alex saglit lang ha? “ paalam ni James “ okay “ sagot ni Alex Nung makalapit sila, kiniss ni Alea sa James at Jason. “ buti nakarating ka? “ sabi ni James “ minessage ko siya kanina kaya pumunta siya ngayon “ Niyaya ni Jason si Alea kina Jane at Alex. “ Alea si Alex at si Jane “ pakilala ni Jason “ hi “ bati ni Jane Ngumiti lang si Alex saka uminom ng beer. “ dito ka na umupo sa tabi ni James, kuha kita ng food mo? “ nang iinis na sabi ni Jason “ teka puntahan ko muna si mommy para mabati ko “ saka ito tumayo at pumunta sa nanay ni James “ bro, ikuha mo na lang ng pagkain si Alea at dito mo na pakainin. Okay lang naman diba Alex? “ “ oo naman Jason “ na parang nakaramdam siya ng selos “ bro bakit ako kukuha ng food niya, diba sabi mo ikaw ang kukuha? “ tanong ni James “ kaya mo na yan bro “ sabay tawa Kaya tumayo na si James para sundan si Alea. “ mommy, happy birthday po. Para sa inyo mi “ “ Alea, ikaw ba yan? “ tanong nito “ opo mommy “ “ naku, ang ganda mo ngayon. Salamat sa regalo, lika kumain ka na muna “ yaya ng nanay “ mi, kukuha ko na po si Alea ng pagkain, dun na po siya kakain sa labas “ “ sige, ikuha mo ng marami si Alea. Asikasuhin mo anak ha? “ “ opo mi “ Niyaya na ni James si Alea pag tpos niya kuhanan ito ng pagkain. Umupo si Alea sa tabi ni James. Habang kumain si Alea ay nagkwetuhan naman sila James at Jason tungkol sa highschool life nila dati. Sobrang selos naman si Alex pero wala naman siyang karapatan. Napansin ni Jane ang kilos ni Alex. “ okay ka lang ba Alex? Sino ba siya? “ tinanong ni Jane ng pabulong “ siya yung ex ni James na pinagselosan ko kaya kami naghiwalay “ “ ow… “ sabay inom ng beer “ Alex sorry pala nung last time  na pumunta ako sa office ni James, naisipan ko lang that time na dalhan siya ng pagkain “ “ okay lang yun Alea, wala na naman sila kaya hindi mo na need mag explain pa? “ sabi ni Jason “ oo Alea, okay na “ sagot ni Alex Naiinis si Alex kay Jason dahil halatang halata naman na pinapain niya si James kay Alea porket nagkaroon ako ng iba. Mga isang oras nakalipas at may tumatawag kay Alex. Nung tiningnan niya nakita niya yung babe niya kaya pinasok niya agad ito sa loob ng bulsa ng pantalon niya. Umabot ng anim na beses, hindi niya sinasagot. “ Alex kanina pa may tawag ng tawag sa iyo baka importante o baka naman ang babe mo “ sabi ni Jason “ sige, sagutin mo na at baka mag away kayo “ sabi ni James na nagseselos “ hayaan mo siya, mag enjoy tayo ngayon. Birthday ni mommy “ sagot ni Alex Hindi na tawag ang naririnig nila, kundi tunog naman ng sunod sunod na text. “ Alex, replayan mo na at hindi titigil yan “ sabi ni Jane Kinuha ni Alex ang fone niya at sinilent mode para hindi na marinig yung tunog. “ girl baka magalit bf mo, sagutin mo na or text mo na “ ng iinis na sabi ni Alea “ tama na, kung ayaw sagutin o itext hayaan nyo na, mag enjoy na lang tayo ngayon “ sabi ni James Hindi na nakakibo pa sa Jason at si Alea. Pumunta mga kasama ni James at nag request na kumanta si Alex. Una parang ayaw pa ni Alex pero napapayag din. Habang kumakanta si Alex ay lumabas ang nanay ni James. “ girl friend ng anak ko yan “ proud na proud na sinasabi ng nanay ni James Nilapitan niya si Alex at si James at niyakap. Hinayaan lang ni James ang gusto ng nanay niya, kahit sakit na sakit na ang kalooban nito. “ Jason, walang alam si mommy na hindi na sila? “ pabulong na sinabi ni Alea “ hindi kaya huwag ka ng mainggay “ “ bakit hindi pa niya sabihin para naman open na ang babae sa bahay nila “ “ mamaya na lang pag tpos ng kumanta ni Alex, baka marinig pa tayo “ Pag tapos kumanta ni Alex ay kumanta naman si Alea. “ go Alea, para sa best friend ko yang kantang yan “ Binulungan ni James si Jason na huwag siyang lokohin kay Alea dahil ayaw niya. Ayaw niya na sa saktong birthday ng nanay niya dun pa sumama ang loob dahil wala na sila ni Alex. Kaya kahit nagagalit si Jason ay tumahimik na siya at uminom na lang. Mga ilang oras pa ay nagpaalam na mga kasama ni James at sila na lang ang natira. Nagpaalam na din si Alex pero hindi siya pinayagan ng nanay ni James. Kaya pinagbigyan niya ito kahit ilang na ilang siya sa pakitungo sa kanya ni Jason at Alea. “ Alex dito na kayo matulog ni Jane at bukas na kayo umuwi “ hiling ni James “ James? “ “ sige na Alex “ “ oo nga Alex, bukas na lang tayo umuwi kasi naka inom na din kasi tayo “ sagot ni Jane Pumayag na si Alex kaya lumabas muna siya para ma-text niya yung babe niya. “ babe sorry, nasa birthday ako. Hindi ko napansin ang tawag at text mo, bukas na lang ako uuwi “ “ babe, bakit hindi mo ako sinama? Umuwi ka na ngayon at pupuntahan kita sa inyo “ “ naka inom na kasi kami ni Jane, saka delikado kung uuwi pa ako babe “ “ susunduin kita, Saan ba yan? “ Nataranta si Alex sa sagot ng babe niya, kaya hindi na niya nireplayan. Nung papasok na siya nakita niya si James palapit sa kanya. “ may problem ba Alex? “ tanong nito “ pina uuwi na kasi ako, gusto ako sunduin dito dahil sinabi ko na bukas na ako makakauwi “ “ anong sagot mo? “ “ hindi na ako nagreply “ “ sige, ganito na lang. hahatid kita sa inyo at magko-commute na lang ako pauwi “ sabi ni James “ James bakit ganyan ka? niloko na kita, mabait ka pa din sa akin? “ “ kasi mahal kita, kahit niloko, sinaktan mo ako. Tatanggapin ko at iintindihin pa rin kita. Ganun kita kamahal, tatanggapin ko kahit kaibigan na lang tayo basta nandyan ka lang “ umiiyak na sabi ni James “ tama na James, halika balik na tayo dun. Mamaya na ako uuwi pag naka akyat na si mommy “ “ sige, salamat Alex. Kahit hindi na tayo, pinagbigyan mo si mommy. Masaya na ako dun “ At pumasok na sila sa loob. Umupo si James sa tabi ni Alex at nagpretend na ok sila dahil tumitingin ang nanay niya sa kanilang dalawa. Inis na inis naman si Alea sa ginagawa ni James kay Alex. “ bakit kailangan mong asikasuhin si Alex ei wala na kayo diba? “ tanong ni Alea “ walang masama sa ginagawa ko Alea, mahal ko si Alex. Hindi ko ikakahiya na iparamdam sa kanya ang nararamdaman ko “ sagot ni James “ sobra namang pagmamahal yan bro, niloko ka na tapos ang bait mo pa “ “ Jason tama na, hayaan mo na si James kung duon siya masaya “ sabi ni Jane Yumuko si James dahil nasasaktan siya sa nangyayari pero hindi niya matago na hindi maramdaman ni Alex na mahalaga siya at mahal niya. “ alam mo bro, boto ako dati kay Alex pero ngayon na niloko ka hindi ako papayag. Kaya ka ginagago kasi mabait ka “ “ sorry Jason, hindi ko niloko si James “ maiyak iyak na sagot ni Alex “ hindi! Ei ano ginawa mo? Diba sinaktan mo dahil mag babe ka na. huwag ako Alex, hindi ako tanga“ “ tama na bro, Alea. Ayoko masira ang gabi “  sabi ni James Tumango na si Jason at saka uminom. Kinuha ni James ng isang beer pa si Alex at binigay sa kanya. Si Jane naman kumanta ng masayang kanta. Mga ilang sandali ay lumabas nanay ni James kasama ang ninang niya. “ anak, uuwi na ninang mo “ “ sige po mi, ninang salamat po sa pag punta sa birthday ni mommy “ “ ok inaanak, hinay hinay lang sa pag inom ha? sa susunod na punta ko dito sana kasal nyo na ni Alex “ sabay ngiti “ naku matagal pa po yun, si ninang talaga? “ napakamot ng nuo “ Alex anak, uuwi na ako “ “ sige po, salamat sa pag punta po “ tumayo para humalik at yumakap sa ninang ni James Hinatid nila James at Alex ninang niya sa  labasan hanggang sa naka alis. “ anak aakyat na din ako, kayo na lang naman ang natira. Alex alalayan mo si James at baka magpakalasing na naman yan “ “ opo ma, ako na po ang bahala. Baka mamaya tapos na din kami uminom “ “ Jason anak, baka naman bukas pag gising ko nandyan ka pa din ha? mahiya ka naman kay Jane “ natatawang sabi ni nanay ni James “ si mommy, Malaki na ako saka alam nyo naman nagce-celebrate lang tayo dahil birthday  ng mabait at mapagmahal naming mommy “ “ sige na, binobola mo pa ako ei. Goodnight na sa inyong lahat. Salamat sa pag punta nyo sa birthday ko “ “ sige na mi, umakyat ka na para makapag pahinga. I love you mommy… happy birthday “ sabay yakap ni James sa nanay niya Sila na lang lima ang natira, hindi sila nag uusap. Nagpapakiramdaman silang lima. “ C.r lang ako “ sabi ni James “ sama ako James, nawi-wiwi din ako “ sabi ni Alea “ sige, halika sa taas na tayo mag c.r “ Kaya umakyat sila at pumasok sa kwarto. “ ikaw na unang mag c.r Alea “ “ sige ikaw na muna James “ Kaya pumasok na siya sa c.r, pag tpos ay Alea naman ang pumasok. Lumabas na ng c.r si Alea at nagyaya na si James bumaba pero hinawakan niya kamay ni James kaya lumingon ito. Hinalikan niya sa labi si James at sumagot naman din na halik ito dahil sa kalasinggan na din. Habang naghahalikan si James at Alea, dahan dahan dinadala ni Alea si James sa kama at tuluyan silang napahiga. Binuksan ni Alea butones ng polo ni James at tinataas naman ni James ang damit ni Alea. Bigla ng sila nagulat nuong pumasok si Alex sa kwarto kaya napatiggil sila. “ opps… sorry na istorbo ko pala kayo. Magpapaalam na kasi sana ako James “ sabi ni Alex Biglang nawala ang lasing ni James. “ Alex, mali nakita mo “ pa explain na sagot ni James “ istorbo ka naman Alex “ sabi naman ni Alea “ alam ko istorbo ako kaya nga sorry diba? “ naiinis na sabi ni Alex “ dito ka na lang magstay, bukas ihahatid kita “ pa utal na sabi ni James “ hindi pwede James, inaantay ako ni babe. C.r lang muna ako tapos aalis na ako “ sabay pasok sa loob ng c.r Inantay ni James si Alex sa c.r at bumaba na naman si Alea dahil sa inis kay Alex. Habang inaantay niya naisipan niyang magyosi. Limang minuto na hindi pa din lumalabas sa c.r si Alex kaya kinatok niya ito. Nung buksan ni Alex ang pinto, nakita niya na galing sa iyak si Alex. “ Alex, bakit? “ Hindi na kumibo si Alex saka bumaba na ng kwarto. Nagpaalam sa mga kasama at dumiretso na sa sasakyan. Sinubukang habulin ni James pero hindi na niya nahabol si Alex. Habang pauwi si Alex, ay tumutulo ang  luha niya. Nasaktan siya sa nakita. Naisip niya na dapat sila ni James yun hindi sila nung Alea. “ bakit ako nasasaktan James? May babe na ako, pero mahal pa din kita “ Nang makarating na si Alex sa bahay nila, bumusina ito. Nakita niya yung babe niya na nasa labas ng gate nila kaya binaba niya ito. “ kanina pa ako nag aantay sa iyo, sinabi ko susunduin kita “ “ pwede ba babe, huwag ngayon “ “ bakit ba ayaw mong pag usapan natin to? Ano mo ba ako? “ “ ayoko na, hiwalay na tayo!!! “ “ anong sabi mo Alex? “ “ ayoko na, split na tayo “ sabay pasok sa loob ng sasakyan at pinasok na din niya sasakyan niya. Umalis na agad ang lalaki pero naisip nun na gaganti siya dahil ramdam niya na may iba na si Alex.                        
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD