Chapter 18

2788 Words
Linggo ng umaga… Nagising si Jane ng alas nuwebe na ng umaga, nakita niya katabi niya si Jason at Alea sa kama. Si James naman sa sofa natulog. Tumayo siya para bumaba ng may marinig siyang parang umiiyak kaya tiningnan niya kung sino yun. Pinuntahan niya si James na pumapatak ang luha kaya ginising  niya ito. “ James, ok ka lang ba? Nananaginip ka “ “ Jane “ habang pinupunasan niya ang luha niya “ bakit? “ “ mahal ko si Alex, mahal na mahal ko Jane. Hindi ko kayang mawala siya sa akin “ umiiyak sa sabi ni James “ tahan na, baka makita ka pa ni Jason lalo lang yun magalit kay Alex “ “ pag usapan natin mamaya pag uwi ni Jason, hindi na lang ako magpapahatid sa kanya “ “ sige, salamat Jane “ Tumalikod na si James sa sofa at bumababa naman si Jane. “ good morning mi, tita “ bati ni Jane “ good morning din Jane, tulog pa mga kasama mo? “ tanong na nanay ni James “ naku napasarap po yata ng tulog yung mga yun “ “ tulog pa din ba si Alex? Pinaghanda ko siya ng gusto niyang pancake “ “ naku mi, naka uwi na po kagabi “ “ sayang naman, pinagluto ko pa naman siya ng pancake “ nalungkot na sabi ng nanay ni James “ don’t worry mi, gusto mo po ba idaan ko mamaya pag uwi ko? “ “ talaga? Sige saka papadalhan ko din siya ng leche flan. Nagustuhan din niya kasi yun “ “ sige mi “ kumuha siya ng tasa at nagtimpla ng kape “ mi, gusto nyo po ng kape? Gawa ko po kayo? “ alok ni Jane “ sige anak “ “ kayo po tita, kape po? “ “ sige iha, salamat ha? “ Kaya gumawa siya ng tatlong kape para sa kanila. Umupo na si Jane at kumain. Mga ilang sandali pa ay bumaba na si Alea. “ good morning “ “ gising ka na pala, halika sumabay ka na sa amin “ yaya ng nanay “ sige po mi “ at kumuha ng malamig na tubig saka ito umupo sa tabi ni Jane “ tulog pa ba ang mga boys? “ “ gising na po mi, si James. Nalasing po yata si Jason kaya hanggang ngayon tulog pa “ Inabutan ng nanay ni James si Alea ng pinggan at saka kumuha ng pagkain. “ Jane, magkaibigan ba kayo ni Alex? “ tanong ni Alea “ nak, mag bestfriend sila “ sagot ng nanay “ Ah… kaya pala “ “ Anong kaya pala? “ tanong ng nanay ni James “ mi baka po kaya niya natanong kasi close kami “ sagot ni Jane “ ah… oo nga “ “ mukhang gusto nyo si Alex para kay James mi ah? “ “ goodmorning mi “ sabi ni James “ anak, halika kain ka na din “ yaya ng nanay niya “ ano tanong mo Alea? Kung gusto ni mommy si Alex? “ Tumango ito. “ mahal ng nanay ko lahat ng mahal ko “ Hindi na sumagot si Alea sa sagot ni James. Nang matapos silang kumain. “ ikaw Jane, hindi ka pa uuwi? Gusto mo hatid na kita “ “ salamat, si James na lang daw maghahatid sa akin mamaya. Antayin ko pa kasi magising si Jason “ “ sige una ako, mi alis na po ako. Happy birthday po ulit “ “ ingat ka, salamat sa pag punta saka sa regalo “ sagot nito Nagpaalam na din siya kay James. At hinatid na ni James si Alea sa labas. Naramdaman ni Alea na parang nagtampo sa kanya si James dahil sa narinig niya. Kaya nagtext siya. “ James, I’m sorry kung matanong ako. Hindi ko kasi makontrol sarili ko, alam mong mahal kita at ayokong nasasaktan ka “ “ kung mahal mo ako, tanggap mo kung ano gusto ko. Lalo ayokong malaman ni mommy na wala na kami ni Alex dahil alam ko masasaktan siya. Kung sakali hindi na talaga maging kami sana hayaan ninyo na ako magsabi sa mommy. Huwag ibang tao “ “ Bakit ba kasi ayaw mo pang sabihin? May iba na nga siya “ naiinis na text ni Alea “ ikaw bakit ayaw mo pa din tanggapin na friends lang tayo? “ inis na sagot ni James “ dahil naniniwala ako na darating na time na mamahalin mo ulit ako James “ “ pwes, parehas tayo ng sagot. Umaasa din ako na magiging kami pa din ni Alex “ Hindi na sumagot si Alea dahil ramdam niya na kahit anong gawin niya hindi siya mananalo kay James at talagang pagtatanggol niya yun. Lumapit si Jason kay James at inalok siya na yosi. “ good morning bro, mukhang seryos ka ah? Si Alex ba yan? “ bati ni Jason “ good morning din bro, hindi si Alea. Naiinis ako sa kanya, muntik na siyang magsalita kay mommy. Buti na lang bumaba ako “ “ mahal ka kasi ni Alea bro “ nakangiting sagot ni Jason “ kung mahal niya ako, dapat tanggap niya mahal ko kahit nasasaktan ako “ Pag tapos nila magyosi, niyaya na ni James si Jason sa loob para makakain. “ bro, iinom ka pa ba? May beer pa na dalawang case “ tanong ni James “ iinom ka pa ba? “ “ hindi na bro, kayo na lang si Jane ang uminom tapos ako na lang maghahatid kay Jane mamaya “ “ ok bro “ at nag madali na itong kumain para maka inom na agad sila ni jane Nagkatinginan si Jane at James dahil hindi na siya mahihirapan magsabi na siya na ang maghahatid kay Jane. Nag inuman na sila, hindi nila napansin na mag aalas dose na pala. Lumabas ang nanay ni James at tingnan lang sila kung ano ang ginagawa nila. “ dipa kayo tapos uminom “ tanong ng nanay “ mi, si Jason at Jane lang po ang umiinom “ “ mi, maya maya uuwi na din ako dahil may pasok na po bukas. Ihahatid na lang daw po ako ni James “ “ sige, pero bago ka umalis kumain muna kayo ng panang halian “ imbita ng nanay ni James “ opo mi “ At pumasok na ang nanay ni James sa loob ng bahay. “ bro ano ba ang plano mo kay Alex? Alam ko mahal mo siya pero kailangan mo ng mag move on “ “ mahal ko si Alex bro, handa akong mag antay kung kelan magiging kami ulit. Please bro, suportahan mo na lang ako “ “ bro mahal kita kasi kapatid na turing ko sa iyo pero maawa ka naman sa sarili mo, may babe na siya. Mabait, mapagmahal ka at gwapo pa. maraming babae may gusto sa iyo, isa na dun si Alea. Bakit hindi mo itry para hindi ka nasasaktan “ “ hindi naman kayang turuan ang puso bro, kahit Ireto mo ako kung kani-kanino isa lang ang gusto ko kaya sana pag bigyan mo ako “ “ tama na nga kayo, Jason suportahan mo na lang si James sa gusto niya “ “ ok, sabi mo. Sana hindi ka tulad ng kaibigan mo na two timer “ “ alam mo na sobrang nasasaktan si James, hindi niya talagang kayang mawala sa kanya si Alex kaya suportahan na lang natin gusto niya “ Mag ala una na kaya nagyaya na si James kumain at para maihatid na din niya si Jane. “ bro, sa sabado na lang ulit. Para may maiinom pa tayo next week. Kailangan na natin magpahinga dahil may pasok pa tayo bukas “ sabi ni James “ sige bro, tapusin ko lang itong beer na ito saka tayo kumain. Hatid mo na lang din ako sa bahay “ “ sige bro “ agad pumasok na ng bahay si James at nag ahin na para pag tapos uminom ni Jason ay makakain na agad sila. Sumunod naman si Jane kay James dahil gusto na din niyang umuwi at makapag pahinga. Mga ilang sandali pa ay pumasok na ng bahay si Jason at kumain na sila. Binilisan ni James kumain para maihatid agad si Jason at maka usap na niya si Jane tungkol kay Alex. Nang matapos kumain ni Jane at inayos na niya agad ang mga gamit niya. Inayos na din niya gamit ni Jason. Si James naman ang naghugas ng mga pinagkainan nila. “ mommy, aalis na po kami. Sa sabado na lang po naming uubusin yung tirang mga beer “ sabi ni Jason “ sige anak, pahinga ka na pag uwi mo “ “ opo mi, bukas ko na lang po dadaanan yung sasakyan ko “ “ okay anak, James ikaw na bahala sa mga kaibigan mo ha? tapos umuwi ka na din agad para makapag pahinga “ “ opo mi, aalis na po kami “ sagot ni James “ mommy salamat po, uwi na po kami ni Jason “ paalam ni Jane “ salamat anak sa pag punta, punta ka lang dito anytime. Welcome ka sa bahay namin “ “ salamat po ulit “ “ ay teka pala anak, paki bigay kay Alex yung pancake saka yung leche flan “ “ bakit ako mi, walang baon? “ nakatawang sagot ni Jason “ naku, nainggit naman isang anak ko. Sige ano ba gusto mo? Beer? “ sabay tawa Nagtawanan sila sa sinabi ng nanay ni James. “ mommy, pinapahiya naman ako kay Jane. Baka isipin pa niya mangi-nginom ako “ “ bakit Jason? Hindi ba? “ natatawang sagot ni Jane “ bro, kilala ka na talaga ni Jane. Hulaan ko gift sa iyo ni Jane sa birthday mo? Beer “ sabay tawa ng malakas “ hay naku, sige na nga. Mi aalis na kami pinagtri-tripan nyo na akong tatlo “ sabay tawa Hinatid na ng nanay ni James sa labas sila Jason at Jane. Sumenyas ito na umuwi agad. “ bro unahin na natin ihatid si Jane “ sabi ni Jason “ mauna ka na Jason at kailangan mo na magpahinga “ sagot ni Jane Kaya wala ng nagawa si Jason. Nakarating na sila sa bahay ni Jason at bumaba na siya. Lumipat naman si Jane sa harap ng sasakya. “ ingat kayo ha? text mo ako Jane pag naka uwi ka na ha? “ “ opo sir “ natatawang sagot ni Jane “ sige bro, pahinga ka na? “ Sabay pina andar na si James yung sasakyan. “ Jane saan mo gustong pumunta? “ “ sa bahay na lang tayo mag-usap, kung okay lang sa iyo? “ “ oo naman “ “ maghahanda na lang ako ng snacks natin “ Medyo malapit na sila sa bahay ni Jane ay napansin nila na nasa labas si Alex at parang nasasaktan. Kaya agad nagpark si James at lumapit sa kanya. Lumabas din si Jane. “ Alex, anong problem “ tanong ni James “ pare huwag kang maki alam, usapan ng mag dyowa ito “ galit na sabi ng babe ni Alex “ umalis ka na. ayoko ng makita dito!!! “ sabi ni Alex sa babe niya “ Bakit? Siya ba ang pinagmamalaki mo? “ sabay turo kay James “ teka teka, mag-usap kayo ng mababa boses “ natatarantang sabi ni Jane Hinablot si Alex ng babe niya kaya hinawakan naman ni James isang braso ni Alex. “ ano ba nasasaktan na si Alex “ sigaw ni Jane Binitawan ng babe ni Alex yung braso ni Alex kaya napayakap siya kay James. Tinulak si James nung lalaki at napahiga siya, agad na tumayo si James at sinuntok naman niya agad. Hanggang sa nagsuntukan na sila. Inaawat na sila ni Jane at Alex pero tuloy pa din ang suntukan nila. “ ano ba hindi ba kayo titigil? “ sigaw ni Alex Biglang napatingin si James sa sigaw ni Alex. “ sige na, umalis ka na! bukas na lang tayo mag usap sa opisina “ sabi ni Alex “ huwag kang epal pare, huwag kang maki-sawsaw sa amin “ “ hindi ako nakikisawsaw! Minamahal ang babae hindi inaaway! “ pasigaw na sagot ni James Susugod pa sana yung isa kaso  humarang na si Alex. “ umalis ka please lang “ nagmamakaawang sabi ni Alex Bago umalis yung lalako ay dinuro pa si James. Hinawakan na ni Alex si James para hindi na makalapit pa dun sa isa. Niyaya ni Jane agad si James sa sasakyan para mapasok niya ang sasakyan sa loob ng gate nila Jane. Sumama din si Alex sa dalawa pero hindi na pumasok sa sasakyan. Pagka park ni James ay agad kumuha si Alex ng yelo sa refrigerator nila Jane. “ bakit ka kasi nakipag sapakan dun? Muntik ka na mapuruhan “ nag aalalang sabi ni Alex “ okay lang ako, hindi ko kayang nakikitang sinasaktan ka “ hawak hawak ang dumudugong labi “ ilagay natin ang yelo sa labi mo, para hindi na magpasa pa “ at nilagay na niya ang yelo sa labi ni James “ ako na Alex “ sagot ni James Napa iyak si Alex sa nangyari kay James, ramdam na ramdam niya ang pagmamahal ni James sa kanya. “ next time, huwag mo na patulan yun. Ano na lang sasabihin ni mommy pag nakita niya yan? “ “ oo nga James, sigurado tatanungin ka ni mommy pag nakita niya yan “ sabi ni Jane “ ako na bahalang mag explain kay mommy. Okay na ako Alex “ “ sige na, dyan muna kayong dalawa. Prepare lang ako ng snack natin “ “ sige jane ako muna bahala kay James “ Pumunta na si Jane sa kusina para magluto ng makakain nila. Si James at Alex naman ay nagpapa kiramdaman. “ okay ka lang ba Alex? Bakit ba ginanun ka nun? Dahil ba hindi ka nakauwi? “ “ hayaan mo na James “ Hinawahan ni James si Alex sa kamay, nilagay sa dibdib niya. “ mahal kita Alex, kahit sinaktan mo ako nandito pa din ako para sa iyo “ “ salamat James “ sabay tulo ng luha “ huwag kang umiyak, hindi ako mawawala sa iyo  basta kailangan mo ako “ at niyakap niya si Alex ng mahigpit. Maya maya ay lumabas na si Jane dala ang ginawa niyang snack. “ tama na ang drama, kumain na tayo “ sabi ni Jane Kumain sila biglang tumawag si Jason. Ring…ring…ring “ hello Jane, nasa bahay ka na ba? “ “ sorry, knina pa kami dito. Nagluto kasi akong ng pagkain para bago umalis si James makakain muna siya. Hindi kasi siya nakakain ng marami kanina “ “ sige, pakisabi na lang kay James. Ingat sa pag uwi “ “ sige “ Sinabi ni Jane kay James yung pinasasabi ni Jason. “ nga pala Alex, bakit hindi ka na lang muna kina James para safe ka “ “ naku huwag na, hindi na naman kami para dun ako matulog o magstay “ “ Ok lang yun Alex, hindi naman alam ng mommy ni James na hindi na kayo ei “ “ oo nga Alex, kung gusto mo sa bahay ka muna baka mamaya puntahan ka na naman nung lalaki na yun at baka higit pa sa kanina ang gawin sa iyo “ nag aalalang sabi ni James “ mag leave ka na din muna sa work, palipas ka muna ng ilang lingo tutal pwede ka naman mag work sa  bahay “ sabi ni Jane “ di parehas na lang kayo mag leave, pag hindi nakita si Alex dun for sure ikaw naman ang kukulitin “ Naisip nga ni Jane yung sinabi ni James kaya parang payag na siyang mag leave. “ pano pag nag leave ako James, saan naman ako magstay? Siguradong pupuntahan din ako dito “ “ ei di sa bahay kayo magstay, wala naman problem kay mommy. Saka hindi nun alam ang bahay ko kaya hindi kayo mapupuntahan dun “ “ ano sa palagay mo Alex? Payag na tayo, natatakot ako “ yaya ni Jane “ sige, bukas tumawag tayo sa office para sabihin na magle-leave tayo, emergency lang “ Parang sumaya kahit papano ang puso ni James dahil sa bahay titira si Alex. Magkakaroon ulit ng chance na maging sila. “ pagtapos natin kumain, ayusin nyo na mga gamit ninyo para sabay sabay na tayo umuwi “ Sumang ayon naman ang dalawa. Mga ilang sandali pa ay tapos na silang kumain kaya si Alex ay umuwi muna para kumuha ng gamit niya at si Jane naman ay umakyat agad sa bahay nila. Habang nag aantay si James ay naisipan niyang tawagan si Jason. Ring… ring… ring “ hello Jason, dun muna si Alex at Jane sa bahay titira “ “ Ha? bakit? May problem ba? “ At kinuwento na ni James ang lahat ng nangyari. “ tama lang na magleave muna sila at magstay sa inyo. Hindi naman nun alam kung saan ka nakatira diba bro? “ “ oo bro, dun mo na lang puntahan si Jane kung gusto mo? “ “ pabor sa akin yun dahil mas malapit bahay niyo sa bahay nila “ sabay tawa na nag aalala after twenty minutes.. bumalik na si Alex dala dala ang mga gamit niya, kinuha agad ni James at nilagay sa likod na sasakyan. Bumaba na din si Jane kaya sinunod na niya ang gamit niya kina James at Alex. “ wala na ba kayo nakalimutan? “ tanong ni James “ wala na siguro, kung meron man madali na lang naman bumili sa grocery “ sagot ni Alex “ oo nga James, importante makaalis na tayo ngayon baka mamaya nandyan na naman yun sa labas” natatakot na sagot ni Jane Binuksan na ni Jane ang gate at lumabas na sila. Nilock agad ni Jane ang gate nila para walang makapasok. Pag labas nila may napansin sila na parang nagmamasid. “ James parang may matang tinitingnan mga galaw natin, nasa puting sasakyan sa kanan mo “ “ sige, tingnan natin kung susundan tayo. Kung sigurado na sinusundan tayo, umikot muna tayo hanggang maligaw natin sila. Tapos yung van muna ang gagamitin natin o yung sasakyan ni Jason “ Habang nagdri-drive si James nakita nila sa sinusundan nga sila. “ James natatakot ako “ “ huwag  kang matakot Jane, kami ni Jason ang bahala sa inyo. Babantayan namin kayo “ “ hindi ba nakakahiya James? “ tanong ni Alex “ uunahin mo pa ba ang hiya, buhay nyo na ang nasa piligro “ Lumiko bigla si James sa isang lugar malapit kina Jason. “ teka, mag grab tayo pauwi. Iiwan ko muna sasakyan ko dito at papakuha ko na lang kay Jason mamaya. Malapit lang naman ang bahay nila dito “ Pumayag ang dalawa. Kaya agad kumuha si James ng grab at kinuha ang mga gamit ni Alex at Jane sa likod ng sasakyan. Nagmamadali silang sumakay sa grab hanggang makarating ito sa bahay nila James.                      
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD