Nang makarating sila sa harap ng bahay nila James ay tumingin tingin muna sila sa paligid bago sila lumabas.
Pumasok agad sila sa bahay.
Inayos naman ni James yung guest room para dun sila Jane at Alex magstay.
Mga ilang minuto ay tumawag si Jason kay Jane.
“ hello Jane, nandyan na ba kayo? “ tanong na nag aalala
“ hello Jason, oo kakarating lang namin. Inaayos lang ni James yung isang kwarto para dun kami ni Alex magstay “
“ sige, maya maya puntahan ko kayo diyan “
“ Jane, sino kausap mo? “ tanong ni James
“ si Jason “
“ paki sabi naman na puntahan niya ang sasakyan ko tapos iuwi niya muna sa kanila dahil van muna ang gagamitin ko “
At sinabi agad ni Jane kay Jason yung pinasasabi ni James.
“ Jane, Alex kulang pa mga gamit ito kwarto pero pag may time bibili na lang ako ng mga kulang “
“ okay lang James, nakakahiya nga kasi baka ano isipin ni mommy pag nakita kami dito “ sabi ni Alex
“ huwag nyo na isipin yun Alex. Importante ligtas kayo ni Jane “
“ salamat James, ang bait mo talaga “ sabi ni Jane
Inayos na nila Jane at Alex mga gamit nila at nilagay sa cabinet.
Bumaba na muna si James para tingnan kung ano ang pagkaing pwede nilang kainin.
“ Alex, ang bait talaga ni James. Ang layo layo nya dun sa babe mo “
“ oo Jane, sobrang layo. Hindi ako bagay sa kanya “
“ wala naman hinihinging kapalit si James kundi mahalin mo lang siya ng totoo. Wala ka ng mahahanap na tulad niya Alex, halos nasa kanya na lahat “
“ alam ko Jane, kaya nga nanghihinayang ako pero nasaktan ko na siya “
“ may chance pa naman Alex, tatanggapin ka niya kasi mahal na mahal ka ni James “
Hindi na kumibo pa si Alex, at umupo na lang ito sa isang upuan malapit sa bintana. Kinuha niya yung laptop at inayos niya dun.
Ganun din ginawa ni Jane, nagset up siya ng laptop niya para kahit hinid sila pumasok, magawa nila mga projects nila sa opisina.
“ Jane, ano kaya idadahilan natin sa office. Sabay pa tayo hindi papasok? “
“ yun nga din iniisip ko Alex, sana payagan tayo ni boss “
“ papayagan naman tayo sa office basta magawa natin yung mga designs “
Sumang ayon na lang kaibigan niya.
Knock…knock… knock
“ tuloy “ sabi ni Alex
“ halika kain muna tayo? Tapos set up natin yung office place nyo dito. Bigay ko din sa iyo yung password ng internet mamaya “
“ sige James, sana matapos na ito? “ takot na sagot ni Jane
“ pasensya na kayo ha? dahil sa kagagawan ko pati kayo nadamay “ nagu-guilty na sabi ni Alex
“ huwag mo na isipin yun, basta kayo welcome kayo dito anytime “
At hinawakan lang niya balikat nito.
Bumaba na sila sa may dinning table at kumain. Habang kumakain sila.
“ huwag na huwag kayong lalabas ha? ako na bahalang magsabi kay mommy na dito muna kayo. Hindi dapat malaman ni mommy yung totoong dahilan bakit dito muna kayo magstay baka matakot pa yun “
“ James, sigurado ako na tatanungin ka niya dahil sa pasa mo sa mukha at medyo putok labi mo “
Sabi ni Alex
“ ako na bahalang mag explain basta sumang ayon na lang kayo sa sasabihin ko bukas. Sa ngayon pag tapos natin kumain ay saka natin ayusin mga kailangan nyo. Ayusin ko din yung cable ng tv para pag gusto nyo manuod makaka nuod kayo “
“ huwag na James, okay lang kami kahit local channel lang “ sagot ni Jane
“ sige kung gusto nyo manuod punta na lang kayo sa kwarto ko “
Nang matapos silang kumain, kinuha na ni Alex yung mga pinggan at nilagay na sa lababo para hugasan.
“ Alex ako na maghuhugas, magpahinga na lang kayo ni Jane sa taas. Pag tapos kong maghugas saka ako aakyat dun sa kwarto nyo “
“ ako na maghuhugas, kami na nga nakikitira tapos papagurin ka pa namin “ sabi ni Alex
“ sige na Alex, ako na ang maghuhugas. Maliit na bagay lang naman yan “
Pumunta sa sala si Jane at Alex para makapag pahinga habang inaantay nilang matapos maghugas ng pinggan si James.
“ Jane magbigay na lang tayo kina James ng pambili ng pagkain kasi nakikitira lang tayo “
“ oo nga Alex, nahihiya din ako kay James “
Habang nag uusap ang magkaibigan ay biglang may nagdoor bell.
“ Jane, sino yun? “ takot na sabi ni Alex
“ ewan ko? Ayokong tingnan baka … “
Napatingin lang sila kay James kaya lumapit si James sa kanila.
“ ako na ang titingin kung sino yun, dito lang kayo sa loob. Huwag kayong lalabas kahit anong mngyari ha? “
Tumango sila at saka lumabas ng pinto si James at tinignan kung sino ang nagdoor bell.
“ bro, ikaw pala. Kinabahan naman ako kung sino “
“ bro, nasa bahay na yung sasakyan mo. Ano nangyari sa muhka mo? “
“ nung hinatid ko si jane, nakita namin ni Jane na sinasaktan si Alex nung babe niya kaya agad ako bumaba. Pinagtanggol ko lang naman kaso sobrang galit niya kaya ayun, sinapak ako? “
“ anong sabi ni mommy? “
“ hindi pa alam kasi nung nakarating kami dito kanina, tulog na siya kaya bukas na lang ako magsasabi “
“ anong sasabihin mo? Magagalit yun sa iyo, hindi sanay si mommy na nakikipag away ka “
“ bahala na bro, hindi ko pa din alam kung ano sasabihin ko “ nag aalalang sagot ni James
“ sila jane at Alex, ano sasabihin mo bakit dito muna titira? Baka isipin ni mommy kaya dito sila magstay dahil sa nangyari ?
“ ewan ko bro, ayoko muna mag isip pa “
Pumasok na sila sa bahay at nakita ni Jason yung dalawa na magkatabi.
“ okay lang ba kayo? “ tanong ni Jason
“ okay lang kami “ sagot ni Jane
Yumuko lang si Alex.
“ pasensiya ka na Alex sa mga nasabi ko ha? ayoko lang kasi na nasasaktan kaibigan ko “
“ naintindihan ko Jason “
Nagyaya si Jason na uminom sila habang nag aayos sila ng kwarto. Kumuha agad si Jane ng apat na beer saka ito umakyat.
“ bro, ang ganda pala ng guest room nyo ah? “
“ simple nga lang bro, designer ka talaga “ sabay tawa ni Jason
“ tumulong ka na lang sa pag aayos dito para pag natapos tayo pwede na tayong uminom saka makapag pahinga “
Tumawa si Jason at tumulong na sa pag aayos. Umabot isang oras ay natapos na din sila sa wakas. Kaya umupo sila sa sofa at saka uminom habang nanunuod.
“ bukas baka mag work from home ako para kung may kailangan kayo mabibili ko agad “ sabi ni James
“ sige sasama kami James “ sagot ni Jane
“ hindi, ako lang ang aalis. O kaya papupuntahin ko muna sila tita at tito dito para dito muna sila magstay para kapag may kailangan kayo sila na lang muna ang lalabas “
“ bro kung work from home ka, ako din tutal magdedesign lang naman ako pwede na yun sa laptop ko “
“ inngitero ka talaga Jason noh? “ sabi ni Jane
“ para sama sama na lang tayo “ naka ngitng sagot ni Jason
“ sige na bro, tapusin na natin tong isang beer. Tapos umuwi ka na para makapag phinga na din sila “
“ grabe ka bro, hindi ba ako welcome dito? “
Tumawa ng malakas sila James, Jane at Alex.
“ hindi ka welcome Jason, kami lang daw ang welcome dito “ sabi ni Jane
“ ah ganun? Ako na naman pinag tri-tripan nyo ah? “
Hindi pa magawang lokohin ni Alex si Jason at baka magalit lalo sa kanya.
“ welcome ka dito bro, kapatid na kita “
“ talaga? Sige, dito na din ako matutulog pero sa kwarto mo “
“ sige no problem, pero matutulog na tayo ha? “
“ sige na nga “ napapakamot ng ulo
“ good night James, Jason “ sabi ni Jane
“ good night sa inyo “ sabi ni James
“ good night, lipat na kami sa kabila “ sagot naman ni Jason
“ good night guys “
Saka lumabas na ng kwarto sila Jason at James.
“ bro, sure ka matutulog na tayo? “ tanong ni Jason
“ oo bro, medyo masakit kasi katawan ko “
“ nagpabugbog ka kasi ei “ sabay tawa
“ sige una na ako matulog sa iyo “ sabay higa at natulog na agad
Si Jason naman ay bumaba pa para kumuha ng tubig saka ito umakyat ulit para matulog.
Alas siyeta ng umaga, kumatok ang nanay ni James.
“ anak? Oh nandito pala si Jason? “ gulat na tanong ng nanay ni James
“ good morning mi, opo kasi wala po siyang kasama sa kanila kaya naisipan niyang dito matulog “
“ anong nangyari sa mukha mo? Bakit may pasa ka? saka bakit may sugat labi mo? “
Hindi alam ni James ang isasagot nito sa nanay niya, hindi siya kasi sanay magsinungaling.
“ mi, nagka inuman kasi kami kina Jane. Nadulas po ako “
“ naku, kumusta ka naman? Ano masakit sa iyo? Okay lang ba? “
“ opo mi, hinatid po ako nila Jane at Alex, nasa guest room po sila “
“ mabuti naman anak, huwag ka na kaya muna pumasok para makapag pahinga ka? “
“ yun nga po plano ko, magwork from home muna ako habang nagpapagaling ako ng pasa “
“ oo nga anak, mabuti naman kung ganun. Sige prepare muna ako ng agahan dahil nandito din pala sila Jane at Alex “
“ opo, saka nga pala mi. dito po muna sila Jane at Alex titira? “
“ oo naman anak, masaya nga ako kung dito sila para masaya bahay natin “
“ salamat po mi, isa pa pala po “
“ ano yun? “
“ si tita at tito baka pwedeng dito muna, para may makatulong ka sa mga paghahanda ng pagkain at mga kailangan. Babayaran ko na lang po sila “
“ mas masaya anak, sakto walang trabaho tito mo ngayon at kailangan nila ng trabaho “
“ mabuti kung ganun mi, sige tawagan nyo na po sila tita “
Tuwang tuwa ang nanay ni James na lumabas ng kwarto, tinawagan agad ang tita ni James para makapunta agad sa kanila.
Nagtext naman si James kina Alex kung gising na sila.
Sumagot naman agad si Alex. Hindi sila makalabas ng kwarto dahil hindi pa nila alam kung ano sasabihin nila sa nanay ni James.
Pinuntahan ni James sa kwarto nila Alex at Jane.
Niyaya na itong bumaba para makakain na.
Nakita ng nanay ni James yung dalawa.
“masarap ba tulog nyo? “ tanong ng nanay ni James
“ opo mi, good morning po “ bati ni Jane
“ good morning ma, naku sobra po kasi ang lakas ng aircon “ sagot naman ni Alex
“ mabuti naman, halika na umupo na kayo at para makakain na tayo “
Umupo na sila at kumain na ng agahan.
“ si Jason pala, hindi nyo ba gigisingin? “ tanong ng nanay
“ hayaan nyo na muna matulog yun, napagod po siguro dahil nag ayos kami ng guest room kagabi “ sagot ni James
Hindi nagsasalita yung dalawa habang kumakain dahil hindi nila alam kung ano sinabi ni James sa nanay niya.
“ nga pla mga anak, salamat sa paghatid kay James kagabi. Na sobrahan na naman yata ng inom kaya nadulas at buti na lang nandyan kayo “
“ po? Ah okay lang po yun mi, kami nga po naihiya kasi dito muna kami titira pansamantala “ sabi ni Jane
“ huwag kayong mahiya, diba sinabi ko naman sa inyo na welcome kayo dito. Kahit dito na kayo tumira, walang problema samen “
“ thank you po ma “ nahihiyang sagot ni Alex
“ anak, huwag kang mahiya. Girl friend ka ng anak ko kaya welcome kayo dito ni Jane “
“ kumain na nga tayo, baka magka iyakan pa tayo dito “ sabi ni James
“ oo nga mga anak, kumain na kayo. Anak, tumawag na pala ako sa tita mo. Mag aayos lang daw sila ng gamit nila at didiretso na sila dito “
“ sige po, salamat “
Patapos na silang kumain ng bumaba si Jason.
“ good morning mi, Jane, Alex and bro “
“ good morning anak, lika na kumain ka na dito “
“ opo mi, kayo po? “
“ tapos na kaming kumain “
“ ako na maghuhugas ng pinggan pag tapos kumain ni Jason “ sabi ni Jane
“ sige ako na lang magluluto ng tanghalian natin? Ano ba gusto nyo? Bibili kami ng palengke “ sabi naman ni Alex
“ huwag na, antayin na lang natin si tita tutal papunta na naman sila ni tito dito, nagpaalam na ba kayo sa office nyo? “ tanong ni James
“ hindi pa nga ei, mamaya na lang kami tatawag ni Jane “ sagot ni Alex
“ sige na umakyat na kayo sa kwarto ninyo para makatawag na kayo? “
Sumunod ang dalawa sa sinabi ni James.
“ Alex anong sasabihin natin sa opisina? “ tanong ni Jane
“ teka, nag iisip nga din ako “
Mga ilang sandali pa ay umakyat na din si James at Jason, pumunta agad sa kwarto ng dalawa.
“ ano nagpaalam na ba kayo? “ tanong ni Jason
“ hindi pa nga, hindi kasi namin alam kung ano ipapaalam namin “ sagot ni Jane
“ si James ang magaling sa ganyan, bro ano sasabihin nila? “
“ sabihin na lang nila na kung pwede mag work from home muna sila kasi may nagbabanta sa buhay nila. Delikado na lumabas muna sila kaya kung pwede mag work from home na lang muna sila “
Kaya yun na nga sinabi nila sa opisina, at pinayagan naman silang dalawa.
Tumawag na din si James sa office nila at sinabi na magwork from home siya. Inupdate din niya si Cris na kung may kailangan, tawagan lang siya or puntahan siya sa bahay.
Ganun din ginawa ni Jason.
Kaya lahat sila naka work from home.
“ bro, magbibigay na lang ako sa iyo ng budget kasi dito na din ako muna titira “
“ hindi naman delikado buhay mo ah? “ nakangiting sabi ni James
“ sila pwede, ako hindi? “ pa tampo sagot ni Jason
“ kami din James, magbibigay kami ng budget, tulong tulong na lang tayo “ sabi ni Jane
“ ako na magbibigay James ng sweldo nila tita at tito para bawas sa expenses mo “
“ ano ba kayo? Hindi ko kayo pinatira dito para bigyan nyo ako ng pera, hindi naman kami nagpapa upa “ sabay tawa ni James
“ basta ako, sagot ko beer gabi gabi “ sabay tawa ng malakas
“ ano ka ba Jason, talagang beer sa iyo? “ natatawang sabi ni Jane
“ sige isama nyo na pulutan “
“ naku hayaan nyo na kung ano gusto ng bro ko, sige na lilipat muna kami sa kabila para naman makapag trabaho kayo “ paalam ni James
Nang makalipat na ng kwarto sila James, inayos na nila agad mga laptop nila at nagsimula ng magtrabaho.
“ bro chance mo na para bumalik ang pagmamahal sa iyo ni Alex? “
“ oo nga bro, kaya masaya ako “
“ ligawan mo na lang ulit “
“ yun nga plano ko, sa totoo plano ko iparamdam sa kanya na kahit kailan nandito lang ako para sa kanya. Sobra ko siyang mahal at lahat gagawin ko para mahalin niya ako ulit “
“ sige, susuportahan kita pero kung sakali maging kayo at niloko ka ulit, pasensiyahan tayo bro, hindi ko na siya mapapatawad at kakalimutan mo na siya? “
“ bro diba pag mahal mo isang tao, hindi ka maghahangad ng anumang kapalit, masaya na ako na makita siyang masaya kahit hindi man maging kami sa huli. Importante naramdaman niya kung gaano ko siya kamahal “
“ ikaw na bro, papatayuan kita ng rebulto sa sobrang pagmamahal “
Tumawa lang silang magkaibigan at nag trabaho na.
Kumatok si Jane at Alex sa kwarto nila James.
“ nandiyan na si tita James “
“ mabuti naman, may gusto ba kayong ipabili? “ tanong ni James
“ papa grocery sana tayo ng food para may stock tayo? “ sagot ni Alex
“ sige, ilista nyo lahat ng gusto nyo at sasabihan ko si tita at tito na mag grocery “
“ bro yung yosi natin ha? “ sabat ni Jason
“ sige bro saka yung beer mo? “
Tumawa lang si Jason.
“ sige baba muna kami ni Jane para macheck naming kung anu ano ang dapat bilhin “
“ sige, Alex ito pala yung pang grocery “ sabay abot ng pera kay Alex
“ huwag na James, kami na ni Jane ang bahala “
“ huwag naman Alex “
“ kung hindi ka papayag, aalis na lang kami dito ni Jane “
Wala ng nagawa pa si James kundi pumayag. Masisira plano niya na maging sila ulit kung aalis dun si Alex.
Bumaba na si Alex at Jane at tiningnan na nila mga kailangan bilhin.
Nang matapos nila macheck, binigay na nila sa tita ni James ang listahan.