"Ano ang plano mo, hijo?" tanong ni Presila sa anak habang naghahapunan sila. "Hindi mo man lang ba naitatanong sa sarili mo kung saan napadpad ang asawa mo?" Hindi umimik si Tim. "Tiningnan ko ang kotse mo. Nandoon ang bag ni Cassandra. At sa loob ng bag, nandoon ang cellphone at wallet niya. Naisip mo ba kung ano ang mangyayari sa kaniya?" "Malaki na siya, Mom," tugon ni Tim. "Hindi naman siguro siya gano'n katanga. Pwede naman siyang makigamit ng phone ng iba kung may gusto siyang tawagan." "Oo nga. Pwede niyang gawin iyon. Pero paano naman ang pagkain niya? Sa tingin mo ba ay nakakain na iyon ngayon? Wala siyang dalang pera." "Hayaan na natin siya. Mataas ang pride niya. Magdusa siya. Natawa si Tim mayamaya. "You sound like you're too concern about my wife, Mom. Hindi ako sanay." "

