Walang tigil ang pagbagsak mga luha ni Cassandra habang binabaybay ang kalsada na halos walang sasakyan at taong dumadaan. Pagod na talaga siya. Pagod na pagod na siya kay Tim. Hindi na niya talaga ito maunawaan. Mas matindi pa ito sa panahong bigla na lang nagbabago. And now, she doesn't know where to go. Lalo siyang naiyak sa isiping iyon. Habang parang zombie na naglalakad ay nagulat siya nang may bigla na lamang bumusina sa kaniya. She thought it was just a random car or a random stranger, but no. Huminto ang sasakyan sa tapat niya mismo. Nalaglag ang panga niya nang pagbaba ng salamin ng kotse ay tumunghay ang mukha ni Diolph. "Diolph?" hindi makapaniwalang bulalas niya. "What are you doing here?" Diolph chuckled. "Hindi ba ako ang dapat nagtatanong niyan sa iyo? Ano ang ginagawa

