Napangiti si Diolph. Hindi siya sanay na tratuhin ng babae nang ganoon. Ibang iba si Cassandra sa lahat ng babaeng nakadaupang palad niya. Para itong isang mailap na hayop sa gitna ng kagubatan na parang mangangagat kahit masaling lang. Hindi naman cold si Cassandra dahil tinanggap naman siya nito nang maayos sa Casa at binigyan pa siya ng merienda. Marahil ay umaasa lang siya ng treatment na higit pa. Hindi niya maitanggi sa sarili niya na napaka-attractive na babae ni Cassandra. Ito iyong tipo ng babae na kahit hindi mag-ayos ay maganda pa rin. Dumadagdag pa sa pagiging attractive ni Cassandra ang pagiging aloof ng personality nito.
He smirked at napatitig sa meryendang hawak. Mukhang masarap iyon lalo na at si Cassandra mismo ang nagluto. Pumasok na siya sa kaniyang kwarto upang kainin iyon.
He just came home from States. Isa siyang project manager sa isang malaking construction company sa naturang bansa. Naging successful ang latest project ng team niya kaya binigyan niya ang kaniyang sarili ng isang much deserved break. Wala siyang pamilya at kaibigan sa Pilipinas. Nag-migrate na ang buong pamilya niya sa States. Namimiss niya lang talaga ang Pinas. And he had been hearing a lot of good things about Magenta province from his friends here in PH. Walang ni isa man sa mga kaibigan niya ang nakasama dahil sa busy ang mga ito sa trabaho.
Tahimik ang lugar at preserved pa ang natural environment. Perpekto iyon para sa kaniyang matagal nang ninanais na pahinga mula sa kaniyang stressful na trabaho. At mukhang magiging mas masaya pa ang bakasyon niya dahil sa may-ari ng Casa na si Cassandra. Napapangiti siya sa tuwing naiisip kung paano biglang nagsi-switch sa pagiging warm to cold ang pakikitungo nito sa kaniya sa isang iglap lang. Napailing na lamang siya sa kakatwang nararamdaman. Dapat sana ay isang linggo lang siyang mananatili sa Casa, pero dahil sa babaeng iyon ay mukhang dito niya na gugugulin ang buong isang buwan niyang bakasyon.
Kinagabihan pagkatapos niyang maghapunan ay nagpasya siyang lumabas ng kwarto at maglibot-libot sa paligid, hoping na makakakita siya ng alitaptap. Childish man pakinggan ay mahilig siya sa fireflies. Sa dami ng puno sa paligid ng Casa, nasisiguro niyang hindi siya mabibigo.
Sa kaniyang paglalakad ay natanaw niya sa hindi kalayuan ang isang babaeng nakasuot ng robang puti. Nakatayo ito, nakahalukipkip, at nakatingala sa langit. Naramdaman niyang si Cassandra iyon, at hindi nga siya nagkamali nang bigla itong lumingon sa kaniya.
"Hi, pretty! Ano ang ginagawa mo rito sa labas sa ganitong oras? Hindi kaya lamukin ka rito?" wika niya kay Cassandra.
Kaagad namang nagsalubong ang mga kilay ni Cassandra sa narinig. "Will you stop calling me pretty? I have a name, and it's not 'pretty'. It's Cassandra, if I may remind you," mataray nitong wika.
Itinaas ni Diolph ang parehong kamay tanda ng pagsuko. "I'm sorry. I thought you would smile if I call you pretty," aniya.
"Hindi na ako teenager para matuwa sa mga ganiyang kababawan," tugon ni Cassandra.
"Well, I'm sorry, again. Hindi na mauulit. . . Cassandra." He tried to behave.
Tumango si Cassandra. "And another thing, kung ano ang ginagawa ko rito sa ganitong oras is none of your business. Ako ang may-ari ng Casa na ito."
Tumango muli si Diolph. Akala niya ay nagsusungit-sungitan lang kanina si Cassandra. Masungit nga pala talaga ito. Ten times na mas masungit kaysa first impression niya rito. Hindi na ito mukhang mailap na hayop sa gubat. Mukha na itong dragon na ano mang oras ay pwede siyang bugahan ng apoy.
"I'm sorry if I bothered you. Babalik na lang ako sa kwarto ko," wika niya kay Cassandra. Tumalikod na siya at humakbang palayo.
Doon na na-realize ni Cassandra na masyado na siyang naging rude sa bisita nila sa Casa.
"Diolph!" tawag niya sa binata. Kaagad namang huminto sa paghakbang si Diolph at nilingon siya. "Look, I'm sorry. Hindi ko sinasadya ang mga sinabi ko. Stressed lang ako. Sorry kung napagbalingan kita," sinsero niyang wika.
Diolph smiled in relief. "Sabi ko na nga at hindi ka naman talaga masungit," aniya. Naglakad siya palapit kay Cassandra. "You don't have to be sorry. Tama naman lahat ng sinabi mo. I realized na naging presko pala ako at masyadong nosy. Ako ang dapat mag-sorry. And I mean I am really sorry."
"No," ani Cassandra. "Bisita ka. Hindi dapat gano'n ang inasal ko." Nagbuntong-hininga siya. "Maliban sa stressed ako, Diolph, I am already married," aniya pa.
Parang binuhusan ng malamig na tubig si Diolph sa nalaman.
"Kung matutuwa ako sa pagtawag mo sa akin ng pretty ay magiging inappropriate. Kung sobra kitang ii-entertain, hindi rin appropriate. Ayaw kong may makakita sa akin na ibang tao, lalo na kung iyong asawa ko iyon mismo," paliwanag ni Cassandra.
"Now I understand better," tumatangong wika ni Diolph. "I should have known. Again, I'm sorry." Nagpalinga-linga siya. "Mukhang wala naman yatang nakakakita sa atin ngayon maliban sa mga kuliglig."
Napangiti si Cassandra.
Napangiti rin si Diolph. "Maaaring magalit ka ulit pero I have to say this. You look prettier when you smile. Please smile often, Cassandra. Whatever it is na kinaka-stress mo, huwag mo nang masyadong isipin. Don't let anything take away your smile."
Cassandra nodded. Ngayon ay wala na siyang nararamdamang pagkaasar. Diolph is nice. Mas lalo tuloy siyang nakokonsensya sa naging pakikitungo niya rito. "Thank you, Diolph," aniya. "By the way, if I may ask, bakit ka nandito sa Magenta? Ang layo ng lugar na ito. You could've been somewhere else. Why here? Are you on a vacation or what?"
"Actually, kauuwi ko lang galing States. Well, hindi naman siya uwi na uwi talaga if you know what I mean. Sa States na kasi kami nagre-reside ng family ko. I am just on a vacation. I just want to breathe."
"Do you have your own family already?" tanong pa ni Cassandra. "A wife? Or girlfriend, maybe?"
"I know you know that I was flirting with you earlier. And if I was really flirting, I would have been cheating." Diolph chuckled.
Napangiti si Cassandra at nasapo ang noo. "Yeah, right," aniya. "Malay ko ba kung cheater ka nga, 'di ba? May mga ganoon naman talaga. Cheating boyfriend. Cheating husband. Iyong kahit committed na, pero lumalapit pa rin sa ibang babae."
"Where's the equality there?" natatawang wika ni Diolph. "Babae man o lalaki, may kakayahang magloko."
Natawa muli si Cassandra. "We were talking about you. That's why I specifically said men. Don't worry, we're on the same side of the boat. Ang cheating ay wala sa gender."
"Hindi ako ganoon," seryosong wika ni Diolph. "I had a past relationship that lasted for five years," he opened up.
"What happened?" kuryosong tanong ni Cassandra.
"She was the one who cheated on me."
"Kaya pala malalim ang hugot mo sa cheaters."
"Yup. That's why, after that failed relationship, hindi na ulit ako sumubok makipagrelasyon. Noong nakita kita kahapon, akala ko nahanap ko na iyong babaeng magpapapasok ulit sa akin sa commitment. Sadly, committed ka na pala. My bad."
Tumango si Cassandra.
"By the way, may kaibigan lang na nakapagsabi sa akin na maganda ang lugar na ito, at hindi naman ako na-disappoint," pag-iiba ng usapan ni Diolph. "Hindi ko pa nalilibot ang buong lugar pero alam ko na kung ano ang ii-expect ko," tugon ni Diolph.
"In that case, pwede kitang hanapan ng magto-tour sa iyo sa buong Casa at sa buong lugar na rin. Pasasamahan kita kay Katya. She's my friend at katulong ko siya sa pag-manage ng Casa. Mabait siya at siguradong mag-i-enjoy ka sa company niya," wika ni Cassandra.
"Pwede bang mag-request na ikaw na lang ang mag-tour sa akin?" hiling ni Diolph.
"Wala namang problema sana, Diolph. Pero alam mo na ang isasagot ko sa iyo. Hanggang dito lang ang pag-i-entertain ko sa iyo. I'm sorry," tugon ni Cassandra.
"I totally understand," nakangiting wika ni Diolph. Nagpalinga-linga ulit siya. "I haven't seen a man here yet. I mean may batang lalaki akong nakita kahapon, iyong kasama mo na nagsuot ng garland sa akin."
"Si Ben iyon," nakangiting wika ni Cassandra. "Anak iyon ng kaibigan kong si Monica. Mabait iyon at bibo. Nakita mo naman."
"Ang gusto ko sanang tanungin ay kung nasaan ang asawa mo? Hindi ko pa siya nakikita," saad ni Diolph. Ngumiti si Cassandra, ngunit nakita ni Diolph ang lungkot sa mga mata nito. Hindi siya maaaring magkamali.
"He's busy. Madalas lang siyang nasa loob ng bahay. Sa kwarto. Kompara sa akin, mas mailap siya sa mga tao," tugon ni Cassandra at muling ngumiti.
"I hope to meet him soon, too."
Ngumiti lamang ulit si Cassandra. "Diolph, I have to go. Babalik na ako sa bahay. Baka hanapin na ako ni Tim."
"Tim?"
"Yes. My husband's name is Timothy."
Tumango si Diolph. "Sige, magpapahangin lang ako rito. Papasok na rin ako mayamaya."
"Are you sure?" ani Cassandra. "Malamig dito sa labas."
"I can manage. Besides, naghahanap ako ng mga alitaptap."
Biglang natawa nang marahan si Cassandra. "Alitaptap? Mahilig ka rin ba sa alitaptap?"
"Yup!" mabilis na tugon ni Diolph.
"Alam mo, nasa maling lugar ka sa Casa. Sa likuran ng Casa, may batis. At doon, makakakita ka ng mga alitaptap."
Nagningning ang mga mata ni Diolph. "Talaga?"
"Oo. But I suggest, bukas ka na magpunta roon. You can go there as early as seven pm. Huwag ngayon, masyado nang gabi. Kakausapin ko si Katya. Tiyak na papayag iyon na samahan ka maghapon bukas."
Tumango si Diolph. "Thanks, Cassandra."
"No big deal," nakangiting tugon ni Cassandra at saka naglakad na palayo.
Isang malalim na buntong hininga ang pinakawalan ni Diolph. Nailing siya. "Sayang," wika ng kaniyang isup. Cassandra could have been her ideal girl. May asawa na pala ito, at mukhang mahal na mahal nito ang asawa.
Nang maglaho sa kaniyang paningin si Cassandra ay bumalik na rin siya sa kaniyang kwarto. Hindi na niya alam kung ano ang kaniyang gagawin. Balik na lang siguro sa three days stay sa casa ang plano niya. Ibinagsak niya ang katawan sa malambot na kama at saka ipinikit ang mga hapong mata.