CHAPTER 5

1644 Words
Nagbuntong-hininga si Cassandra nang tuluyan na siyang makapasok sa kanilang bahay. Napasandal siya sa likod ng pinto at napatingala. Napangiti siya pagkatapos. Mabait naman si Diolph. She's glad na nabawi na niya ang kaniyang kasungitan sa binata. Mahalaga na maganda ang relasyon niya sa mga bisita nila sa Casa. Ayaw niyang magkaroon ng hindi magandang review ang La Casa Del Amore. Sa ngayon ay ito na nga lang ang kanilang inaasahan, lalo na at wala pa rin sa huwisyo si Tim. Technically, mag-isa siya ngayong itinataguyod ang buhay nilang mag-asawa. Napagtanto din niya na hindi na rin ganoon kahaba ang pasensya niya kay Tim. Siguro ay dapat habaan niya ulit iyon. Asawa niya si Tim. Dapat siya ang umuunawa dahil siya ang may maayos na estado ng pag-iisip. Pasalamat siya at hindi siya kinain ng pagkawala ng kaniyang anghel. Iniisip niya kasi na kailangan pa siya ng asawa. Muli siyang nagbuntong hininga at umakyat na sa kanilang kwarto. Naabutan niyang tulog na si Tim. Sa labis na tampo sa asawa ay hindi niya ito ipinagluto ng hapunan kanina. Nakonsensya siya nang labis. Pakiramdam niya ay napakasama niyang asawa. Sumampa siya sa kama at tumabi sa asawa. Amoy alak ito, as usual. Inihiga niya ang kaniyang ulo sa may balikat nito. "I'm sorry, Tim. Napapabayaan na yata kita," aniya. "Babawi ako, Hon, I promise." Nag-angat siya ng tingin at matamang tinitigan ang asawa. Pumasok sa isip niya ang mga tanong na araw-araw niyang itinatanong sa sarili magmula nang magbago ang pakikitungo sa kaniya ni Tim. Ano ang nangyari? Bakit sila umabot sa puntong ito? Babalik pa ba sila ulit sa dati? Maramdaman niya kayang muli ang pagmamahal ni Tim? When will he touch her again? The last time he touched her with passion ay lasing pa ito. Sa tuwing hindi lasing si Tim ay labis na pagkadisgusto lamang sa kaniya ang laging ipinapakita nito. Para itong nasusuka sa kaniyang presensiya. Pero habang nasa kaniya si Tim, hangga't hindi siya iniiwan nito, mananatili siya sa tabi nito ano man ang mangyari. Ganoon niya kamahal ang asawa. Palagi na lamang niyang sasariwain ang magagandang alaala nilang dalawa noong maayos pa ang lahat. Parang fairytale ang buhay ni Cassandra kung maituturing. Isa siyang simpleng probinsiyana na nangangarap ng simple ngunit masayang buhay. Pinangarap niyang makatagpo ng isang lalaking kahit hindi mayaman basta mahal siya at hindi iiwanan. Walang ibang mahalaga sa kaniya kundi ang tunay na pag-ibig at kaligayahan. Higit pa sa katuparan ng kaniyang mga panaginip at pangarap ang ibinigay ng Diyos nang makilala niya si Timothy. Dahil sa ganda ng Magenta ay dinarayo ito ng mga taga lungsod. At isa na doon si Tim. Kasama ng mga barkada nito ay nakita niya ang grupo habang naglalakad sa kanilang lugar. Galing siya noon sa batis pagkatapos maligo kasama rin ang mga kaibigan. Halos malaglag ang panga niya nang mapako ang kaniyang mga mata sa napakagwapong mukha ni Tim. Buong buhay niya ay noon lamang siya nakakita ng ganoong kaperpektong mukha ng lalaki. Matangkad at napakatikas pa ng tindig nito. Dahil sa labis na pagkamangha ay natapilok siya at napaupo sa lupa. Labis na kahiya-hiya ang pangyayaring iyon dahil nakuha niya ang atensiyon ng group nina Tim. Ngunit dahil din doon kaya siya napansin ng binata. Nilapitan siya nito at inakay patayo. Sa pagtatagpo ng kanilang mga mata, alam niyang ito na ang lalaking hinahanap ng kaniyang puso. Nagpakilala si Tim sa kaniya. Inalok siya nitong maging personal tour guide sa Magenta kapalit ng malaking sweldo. Hindi na tumanggi pa si Cassandra dahil pagkakataon na iyon upang kumita. Higit sa lahat, makakasama niya pa si Tim. Sa ilang araw na pagsamasama niya kay Tim ay unti-unting naging malapit sila sa isa't isa. Hanggang isang araw ay nagtapat ito ng pag-ibig sa kaniya. Inamin nitong na-love at first sight din ito sa kaniya. Nang unang beses na bigkasin ni Tim ang salitang 'mahal kita' sa kaniya ay halos himatayin siya sa labis na ligaya. At tuluyan na nga siyang hinimatay sa kanilang first kiss. Nang bumalik ang kaniyang malay, ang nakangiting mukha ni Tim ang bumungad sa kaniya. Tinawanan siya nito habang siya ay hiyang-hiya sa nangyari. Siya lang yata ang nag-iisang babaeng hinimatay dahil sa halik. Nawala naman ang awkwardness na kaniyang nararamdaman nang muling angkinin ni Tim ang mga labi niya. Para siyang lumulutang noon sa ulap. Hindi niya alam na nag-i-exist pala ang ganoong katinding kaligayahan. Nagpabalik-balik si Tim sa Magenta upang makita lamang siya. Hanggang sa isang araw ay dinala siya nito sa lungsod upang ipakilala sa mga magulang nito. Para siyang isdang hinango sa dagat at inilagay sa aquarium nang mangyari iyon. Hindi naging madali ang lahat para sa kanilang relasyon. Tipikal na langit at lupa iyon. Akala ni Cassandra ay kasingbait ni Tim ang ina nito dahil sabi nga nila 'kung ano ang puno ay siya ring bunga'. Ngunit nagkamali siya. Yumao na ang ama ni Tim. Si Presila, ang ina nito ang tanging naiwan kay Tim. Sa unang pagkikita nila ni Presila ay parang hinuhusgahan na nito ang buong pagkatao niya sa tingin nitong tila tumatagos sa kaniyang pagkatao. Intimidating ang itsura ni Presila. Maihahalintulad niya ang awra nito sa evil stepmothers sa mga fairytale movies. Ngunit hindi niya isinarado ang kaniyang puso para sa ina ni Tim. Sinubukan siyang hulihin ang loob nito, ngunit bigo siya. Isang araw ay hayagan nitong sinabi sa kaniya na ayaw nito sa kaniya para kay Tim dahil isa siyang hampaslupa. Pinagbintangan pa siya nitong yaman lamang ang habol kay Tim. Sinubukan niyang magtiis ngunit isang araw ay hindi na niya kinaya at nasagot niya ang ginang nang idamay na nito ang kaniyang nanahimik na mga magulang. Umalis siya sa lungsod nang hindi nagpapaalam kay Tim at bumalik sa Magenta. Hindi siya papayag na maliitin ng ina ni Tim ang pagkatao niya at ng kaniyang mga magulang. Sinundan siya ni Tim at nangakong ipaglalaban siya. Doon niya napatunayang mahal nga siya ni Tim. Humingi ng tawad si Tim sa mga magulang ni Cassandra at nangangakong aayusin ang problema. Inalok ni Tim si Cassandra ng kasal, at hindi na tumanggi pa si Cassandra. Bumalik sila sa lungsod sa pag-asang tatanggapin din ni Presila ang kanilang relasyon, ngunit naging matigas ang ina ni Tim. Nagbanta itong aalisan ng mana si Tim kapag tuluyang nagpakasal kay Cassandra. Hindi naman nagpatinag si Tim dahil para dito wala nang mas higit pang yaman sa babaeng minamahal. Sa kabila ng pagtutol ni Presila ay nagpakasal sina Cassandra at Tim. Nagtayo ng bar si Tim at naging matagumpay iyon. Naging masaya ang kanilang pagsasama. Tatlong taon ding naging okay ang lahat. Hanggang sa wakas ay nagbunga ang kanilang pagmamahalan. Iyon ang pinakamasayang araw sa buhay ni Tim. Lalo itong naging masipag sa trabaho. Kahit na walang ipamana si Presila sa kaniya, magiging matagumpay siya. Ngunit nang malaman ni Presila na magkakaapo na ito, lumambot din ang puso nito kay Cassandra. Tinanggap nito ang mag-asawa. Naging mas maayos ang lahat. Ngunit hindi rin nagtagal iyon. Nangyari ang aksidenteng tuluyang bumago sa buhay nina Tim at Cassandra. Makikipagkita sana si Tim sa inang si Presila upang dalhin ito sa bahay na tinutuluyan nilang mag-asawa. Iyon ang magsisilbing reunion nila. Magkakaroon sila ng isang simpleng salu-salo para sa pagkakabati sana ni Cassandra at Presila at para na rin sa nalalapit na panganganak ni Cassandra. Hindi pumayag si Tim na sumama si Cassandra dahil sa malayong biyahe lalo na at sabi doktor na tumitingin kay Cassandra na maselan ang pagbubuntis nito. Ngunit nagpumilit si Cassandra. Nasasabik siyang makita si Presila dahil hindi siya makapaniwalang tanggap na siya nito para sa anak. Walang nagawa si Tim. Isinama niya si Cassandra. Na-involve sila sa isang road accident. Nakasama ang kanilang sasakyan sa naararo ng isang malaking truck na nawalan ng preno. Nakaligtas man si Cassandra ay namatay naman ang sanggol sa kaniyang sinapupunan. Gumuho ang mundo nilang lahat sa nangyari. Nagsimulang lumayo ang loob ni Tim kay Cassandra. Nagsimula ring bumagsak ang negosyo ni Tim dahil sa napapabayaan na ito hanggang sa tuluyan na silang na-bankcrupt at naipasara ang bar. Simula noon, walang araw na hindi galit si Tim kay Cassandra. Bumalik din sa dati si Presila. Pinayuhan nito ang anak na hiwalayan na si Cassandra. Dahil sa nanatili pa rin sa kaniyang tabi si Tim, alam ni Cassandra na mahal pa rin siya ng asawa. Kaya nagpasya siyang umuwi ng probinsiya kasama ito at nagsimula siya ng isang negosyo, ang La Casa Del Amore. Ang bahay na naipundar nila ni Tim iyon na galing sa katas ng bar ay kaniyang ipina-renovate. Mula sa huling naitabi niyang pera at sa tulong na rin ng kaibigang si Katya at unti unting lumago ang negosyo. Proud siya para sa kaniyang sarili dahil nagawa niya iyon sa kabila ng lahat ng kabiguan, mula sa pagkamatay ng anak hanggang sa paglayo ng loob sa kaniya ng asawa. Ginawa niya ang lahat upang maitaguyod ang kanilang buhay. Habang itinataguyod ang buhay nilang mag-asawa ay unti-unti namang nawawala sa kaniya ang asawa niya. Ngunit ano ang magagawa niya? Kung tutunganga siya ay pupulutin sila parehas sa kangkungan. Pakiramdam niya ay pinaparusahan din sila ni Presila dahil kahit alam niyang may maitutulong naman ito ay wala itong ginagawa. Iniisip niyang nais nitong mawala ang lahat kay Tim nang sa gayon ay bumalik ito sa ina. At hindi papayag si Cassandra. Ipaglalaban niya ang asawa ano man ang mangyari. Kahit na siya na lamang ang mag-isang lumalaban. Napatingin siya sa asawang mahimbing na natutulog. Siguro kung hindi ito lasing ay itinaboy na siya. Sinulit niya ang pagkakataon na iyon upang mayakap si Tim. Miss na miss na niya ito. Miss na miss na niya ang dating Tim na malambing at mapagmahal. Hindi niya napigilan ang pagbagsak ng kaniyang mga luha. Tahimik siyang umiyak habang pinakikinggan ang t***k ng puso ng asawa na dating tumitibok para sa kaniya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD