"Good morning, Hon!" nakangiting bati ni Cassandra kay Tim, pagkamulat na pagkamulat ng mga mata nito. Kaagad namang nagsalubong ang mga kilay ni Tim. "Breakfast in bed?" nakangiti pa ring alok ni Cassandra sa asawa. "I'm really sorry, Hon, hindi kita naipagluto ng dinner last night. Kaya naman bumabawi ako. Ipinagluto kita ng paborito mong agahan." Akmang ibaba niya sa kama ang breakfast tray na dala nang biglang tumayo si Tim.
"I am not hungry," malamig na wika ni Tim.
"But you have not eaten last night, Hon," protesta ni Cassandra.
"I said I am not hungry," mariing ulit ni Tim sa sinabi. "I'll have coffee."
"Tim, kumain ka muna. Uminom ka na naman ng alak kagabi. Hindi magandang hindi ka mag-almusal tapos ay magkakape ka kaagad," nag-aalalang wika ni Cassandra. "Besides, sayang naman ito," aniya sabay tingin sa inihandang agahan.
Isang nakakapasong tingin ang ipinukol ni Tim sa asawa. "I'll have coffee, okay? Eat that, then." Pagkatapos ay mabibigat ang mga hakbang na lumabas na ito ng kwarto.
Kulang na lang ay lamunin si Cassandra ng lupa. Palagi na lamang ganoon si Timothy. Hindi niya maiwasang sisihin ang sarili dahil sa mga oras na umiikli ang pasensya niya rito. Marahil dahil doon kaya pakiramdam ay lagi siyang back to zero sa pagsuyo sa asawa. Napapailing siyang napaupo sa gilid ng kama. Nangingilid ang mga luhang tinitigan niya ang ihinandang pagkain para kay Tim. Ilang luto pa ba ang kailangang masayang bago bumalik ang loob sa kaniya ng asawa?
Naalala niya si Diolph. Kaysa naman masayang ang inihanda niyang agahan, ibibigay niya ulit ito sa binata. Kinuha niya ang breakfast tray sa kama at lumabas ng kwarto. Dumeretso na siya sa labas at nagtungo sa kwarto ni Diolph.
Saktong kakatok pa lamang siya ay nagbukas ang pinto ng kwarto ng binata.
"Hi!" nakangiting wika ni Diolph. Halatang bagong ligo ito dahil basa pa ang buhok. "Good morning, Cassandra." Napatingin ito sa dalang tray ni Cassandra. "Is that for me?"
Ngumiti si Cassandra at tumango. "Nag-almusal ka na ba?"
"Hindi pa," mabilis na tugon ni Diolph.
"Here. Kasama pa ito sa sorry ko sa naging pakikitungo ko sa iyo," ani Cassandra sabay abot ng tray sa binata na kaagad naman nitong tinanggap.
"Okay na tayo, pero hindi ko ito tatanggihan. Ikaw ba ulit ang nagluto?"
Tumango si Cassandra.
"Ang swerte naman ng asawa mo. Kung ako nga na bisita mo, ipinagluluto mo, siya pa kaya."
Sumilay ang lungkot sa mga mata ni Cassandra. "Actually, Diolph, breakfast niya iyan. Ayaw niyang kainin, kaya sa iyo na lang kaysa naman masayang."
Napaawang ang labi ni Diolph. "Oh," aniya. Bahagya siyang napahiya sa sarili dahil akala niya ay para sa kaniya talaga iyon niluto.
"Actually, pati iyong meryenda na ibinigay ko sa iyo kahapon, sa asawa ko rin," pag-amin ni Cassandra.
Hindi nakaimik si Diolph. Right in that very moment, he knew that there is something happening between Cassandra and her husband. At kung ano man iyon ay hindi maganda. Ayaw niyang makialam sa problema ng dalawa kahit pa interesado siya kay Cassandra.
There was a moment of silence between them. Hanggang sa binasag iyon ni Cassandra. "By the way, gusto mo nga pala ng tour sa lugar," anito. "Wait, I'll call Katya." Kinuha nito ang cellphone na nakalagay sa bulsa ng suot na pantalon.
"Hi, Katya! Anong oras ka magpupunta sa Casa?" tanong niya sa kaibigan.
"Kailangan ba ako masyado riyan, friend?" usisa ni Katya mula sa kabilang linya.
"Uhm... Medyo," tugon ni Cassandra. "Si Diolph kasi kailangan ng tour guide. Baka pwede ka."
"Diolph?"
"Yes. Siya iyong guest na dumating the day before yesterday."
"Ah, okay. Wala namang kaso sa akin, friend. Ang kaso, I have some personal matter na kailangan kong asikasuhin today, eh."
"Personal matter? You mean, date?" tukso ni Cassandra sa kaibigan. Dinig na dinig ni Cassandra ang malutong na tawa ng kaibigan sa kabilang linya.
"I wish!" wika ni Katya.
"Sige na, Kat. I need you here. Nakakahiya kay Diolph."
"Si Monica na lang muna, friend. Busy talaga ako, today. I'm sorry."
"Fine." Bumuntong hininga si Cassandra. "Ipapatawag ko si Monica. Sana rin hindi siya busy, kundi talagang mapapahiya ako sa guest natin."
"Kung hindi pwede si Monica, eh di ikaw na lang. Ginagawa mo naman iyan talaga, 'di ba? Hindi ka naman busy. Ayaw naman ng asawa mo na pagkaabalahan mo siya. Better spend your time na i-entertain ang guest sa Casa. It will be worth your while, for sure," suhestiyon ni Katya.
Isang buntong hininga na naman ang pinakawalan ni Cassandra. Hindi na siya nagsalita at ibinaba na lang ang cellphone.
"So, no one wants to tour me around?" nangingiting wika ni Diolph.
Nahiya bigla si Cassandra. "Hindi naman sa ganoon. Nagkataon lang na busy lang si Katya. Ipapatawag ko si Monica. Siguradong hindi busy iyon."
"Tita Cassandra!"
Napalingon si Cassandra nang marinig ang boses ni Ben. Tumakbo ito patungo sa kaniya.
"Ben!" nakangiting wika niya. Tamang tama dahil ipapatawag niya ang ina nitong si Monica. "Pwede mo bang papuntahin si mama mo rito, Ben? Sabihin mong may ipapagawa si Tita Cass mo."
Nagkamot sa ulo ang bata. "Eh, Tita Cassandra, pinapunta po ako ni Mama rito. Hingi raw po ako ng gamot sa inyo kasi masakit ang ulo niya."
Si Cassandra naman ang muntik nang mapakamot din sa ulo dahil sa narinig. Bakit naman nagkasabay sabay pang hindi pwede si Katya at Monica? Nag-usap ba ang dalawa?
"Ganito, Ben," aniya. "Magpunta ka sa bahay. Hanapin mo si Aling Sita. May kausap pa kasi si Tita Cassandra, eh." Sumulyap siya kay Diolph na mukhang natutuwang makita silang nag-uusap ng bata. "Magpasama ka kay Aling Sita sa bahay ninyo at magdala kamo siya ng gamot."
Si Aling Sita ang katulong nila sa bahay. Ito rin ang kanilang hardinera.
"Sige po," tugon ni Ben at saka ito naglakad na palayo.
Napabuntong hininga na naman si Cassandra. Hinarap na niya si Diolph. "I'm really sorry, Diolph. Mukhang walang available na mag-tour sa iyo ngayong araw," aniya. "Ilang araw ka bang mag-stay rito sa Casa?"
"Isang linggo," mabilis na tugon ni Diolph.
"Medyo matagal ka pa palang umalis. Ibig sabihin, pwede namang sa ibang araw ka na lang maglibot."
Tumango si Diolph. Sa loob niya ay nanghihinayang siya kung bakit hindi na lang si Cassandra ang sumama sa kaniya. Kung tutuusin ay kaya niya namang maglibot sa lugar nang mag-isa. "Salamat sa breakfast, Cassandra. Uubusin ko ito."
Tumango si Cass at nagpaalam na. Bumalik na siya sa bahay upang kumustahin ang asawa. Lumagos siya sa kusina. Wala roon si Tim. Nagtungo siya sa veranda ng kanilang bahay. Naroroon ito at lumalaklak ng alkohol kaaga-aga.
"Tim!" malakas ang boses niyang wika. Nagmamadaling lumapit siya sa asawa at inagaw ang boteng hawak nito.
"What the f*ck are you doing?" singhal sa kaniya ng asawa. "Give me that back."
"Naglasing ka kagabi. Hindi ka kumain ng hapunan. Hindi ka nag-agahan. Tapos ngayon, naglalasing ka na naman?" ani Cassandra. "Alam mo ba kung ano ang ginagawa mo sa sarili mo, Timothy?"
Sinalubong ni Tim ang mata ng asawa. "Malamang!" tugon niya. "Na-bankcrupt lang naman ang negosyo ko, at nawalan ako ng anak. Hindi naman ako nawalan ng utak. Malamang alam ko kung ano'ng ginagawa ko," pilosopo nitong wika. "Ikaw ba, hindi mo alam ang ginagawa ko? Nakikita mo namang umiinom ako, 'di ba?"
Nagtiim ng bagang si Cassandra. "Bakit?" nangingilid ang luhang wika niya. "Kapag ba uminom ka nang uminom, babalik sa dati ang lahat? Babalik ba ang negosyo mo? Babalik ba ang anak natin?" Sa inis ay ibinato niya ang bote. Bumagsak iyon sa damuhan sa labas. "Hindi lang naman ikaw ang nawalan, Tim, eh. Nawalan din ako. Mag-asawa tayo. Iyong negosyo mo, kawalan din sa akin. Lalong lalo na ang anak natin. Sa tingin mo ba, masaya ako sa mga nangyari? Sa tingin mo walang araw na hindi ko naaalala ang anak natin?"
Hindi umimik si Tim. Hindi nagbabago ang reaksiyon nito sa mukha.
"Hindi por que hindi mo ako nakikitang nagmumukmok o umiiyak ay okay na sa akin ang lahat ng nangyari. Na nakausad na ako. Hinding hindi ako makakausad sa pagkawala ng anak natin, Tim. Kahit na ilang beses kong sabihin na aksidente lang iyon, sa loob ko, sinisisi ko ang sarili ko. Alam mo ba iyon?" Patuloy ang pagbagsak ng kaniyang mga luha. "Tim, nawalan ako ng anak. Pero may asawa pa ako. Nandiyan ka pa." Sa puntong iyon ay napahagulgol na siya.
"Kaya ako hindi sumusuko. Kaya patuloy akong lumalaban dahil sa iyo. Hindi na babalik ang negosyo mo at ang anak natin, pero pwede pa tayong magsimula ulit, Tim. Pwede pa nating subukan," aniya pa. "Kailangang hayaan mo akong tulungan ka, Tim. Please!"
"How easy for you to say that? Magsimula ulit?" wika ni Timothy. "Higit sa lahat, alam mo kung gaano karaming sakripisyo ang ginawa ko para sa negosyong ipinundar ko para sa atin." Mapait itong natawa. "Hindi mo nga pala alam. Ano ba ang alam mo sa negosyo? Ni isang beses ay hindi ka naman nakialam sa negosyo ko. Itrinato kitang prinsesa. All you had to do was give me a child. I waited for how many years to have a child. Alam mo kung gaano ako kasaya noong malaman kung magkakaanak na tayo. At dahil lang sa kakulitan mo, kaya siya nawala na parang bula, Cassandra. How dare you say that we can start over again?"
Napalunok si Cassandra. Naramdaman niya ang bigat ng mga salitang binitawan ni Tim. Tama naman iyon lahat.
"But I am still your wife, Tim," iyon lamang ang naitugon niya.
"Yes, you are my wife. And that was the biggest mistake I made in my life, making you my wife. I wish I never met you. I wish I never married you. Araw-araw akong nagsisi, Cassandra. At habang nagsisisi ako, kailangan kong uminom ng alak para mamanhid ang puso ko. Mom was right. Nagkamali ako noong ibigin kita. Sana hindi na lang kita ipinaglaban. Baka nakakilala ako ng ibang babae. At baka hindi ganito ang buhay ko ngayon." He said all these without stuttering. He said all these habang nakatingin nang deretso sa mga mata ni Cassandra. And then, he left her where she stands.
Pakiramdam ni Cassandra ay tinarakan siya ng kutsilyo sa dibdib sa sinabi ng asawa. Napahinuhod na lamang siya pagkatapos ay nasapo ang buong mukha ng parehong palad.
Does she really deserve all this pain?