Tahimik silang kumakain. Walang ni isang nagtangkang umimik. Tumikhim si Cassandra. "Tim, kagabi, doon ako natulog kayna Inay. Pinuntahan niya ako rito at kinuha ako para dumalaw sa bahay. Sabi ng Inay at Itay, gusto ka nilang makausap. Don't worry, wala nang gulong mangyayari. Nag-request sana sila na pumunta rito mamayang tanghali para kumain tayo nang sama-sama. Pero dahil sa nandito ang mga kaibigan mo, ipostpone ko na lang muna iyon. Papapuntahin ko na lang si Aling Sita sa bahay para sabihan sina Inay." "You don't have to do that," wika ni Clyde. "Huwag mong i-cancel ang plano ninyo dahil lang sa amin. Okay lang naman kami." "No, Clyde," tugon ni Cassandra. "Marami pa namang oras para do'n. Minsan lang kayo nandito. Dapat ituon ni Tim ang oras at atensiyon niya sa inyo. Sigurado a

