"Nandiyan ka na pala, Tim," wika ni Cassandra nang makita ang asawa. Kinabahan siya dahil sa talim ng tingin nito sa kanila ni Tom. "Yup. Kanina pa ako nandito," tugon ni Tim. Malamig ang tono ng boses nito. "Pinapanuod ko lang kayo. Ngayon ko lang na-realise, pwede pa lang mag-enjoy sa paghuhugas ng pinagkainan?" sarkastiko nitong wika. Napabuntong hininga si Cassandra sa tinuran nito. Pinasya niyang huwag iyong pansinin. "You look good," wika niya sa asawa. "You're better off without your beard. Siguro tatawag na ako ng maggugupit sa iyo. Home service na lang. Mahaba na rin kasi ang buhok mo." "No need. Saka na ako magpapagupit kapag nandoon na tayo sa lungsod." "Okay," tugon ni Cassandra. She smiled. Nagmamadali niyang tinapos ang hinuhugasan. Nagpamulsa si Tom at umalis na roon u

