Kinabukasan ay nag-organize si Cassandra ng isang maliit na salu-salo sa likod ng Casa, malapit sa batis, sa may batuhan. "Sige na, Aling Sita, ako na ang bahalang mag-ihaw rito," wika niya sa kasambahay. Kinuha niya ang paypay rito at pinaypayan ang iniihaw na dalawang malalaking isda. "Pakihanda na lang ng ibang pagkain. Pakisabi rin kay Antoine na dalhin na dito ang mga beer." "Sige ho, Ma'am Cassandra," tugon ng matanda. Si Katya ay abala naman sa pag-aayos sa lamesa ng ibang pagkaing luto na. Si Monica naman ang nagluluto ng iba. "Wow! Natatakam na ako," wika ni Clyde pagkalapit niya kay Cassandra. Sininghot nito ang usok na nanggagaling sa iniihaw na isda. "Masarap talaga ito, ano? Nilagyan ko ito ng tanglad," tugon ni Cassandra. "Masarap itong pulutan." "Siguro kung mananatil

