Chapter 23: Tiwala

1029 Words
Sia's POV Parang isang pelikula na bumalik ang mga alaalang iyon sa akin. Doon nagsimula ang tuluyang pagkasira ng aking buhay. Ginamit nila ako, ginamit nila ang katawan ko. Binaboy, sinira nila ang kinabukasan ko. Walang araw na lumipas na hindi nila ako pinagpasa-pasahan o kaya ay ibinebenta sa tuwing may naghahanap sa kanila. Habang ako ay nandoon sa sulok at umiiyak, dumadaing sa mga suntok at tadyak na aking natatanggap sa tuwing ako ay pumapalag... Sila ay nandoon sa gilid habang nagvi-video at nagbibilang ng salapi na pinagkitaan nila sa akin. Impyerno... Iyon ang naranasan ko sa kamay ng mga demonyong iyon. Napagalaman kong ibinenta ako ni Basty bilang pambayad utang at ako ngayon ang nagdudusa sa mga kagaguhan niyang ginawa. Akala ko ay hindi na ako makakatakas sa lugar na iyon. Sa loob ng isang buwan ay tila ako patay na walang kontrol sa sarili. Ang musmos kong isipan ay namulat sa karahasan at kasakiman ng mundo. Ang aking murang katawan ay nakaranas ng hindi makamundong pang-aabuso mula sa mga taong akala ko ay siyang totoong mabuti sa akin. Nagkamali ako... "Ibang klase ka talaga, Alessia. Tiba-tiba kami sa'yo," patawa-tawang sambit ni Hunter habang may nakasubong yosi. "May gusto ngang bumili sa'yo. Aba'y tarantado, ang baba pa ng bigay. Di hamak na mas malaki kikitain namin kesa sa baryang inaalok niya ano." Tinaas nito ang tingin ng mapansin ang pagkatahimik ko. "Oh, bakit ka tahimik? Huwag mong sabihing di ka nage-enjoy sa mga alaga namin." May ngisi ito sa labi habang lumalapit sa akin. "Hinding-hindi ako mage-enjoy sa maliit niyong putotoy!" sigaw ko. Ramdam ko ang pagtalim ng tingin nito ngunit hindi ako natakot. Sanay na ako... Sinanay nila ako. "Gago ka ha! Magandang bata ka lang! Pero kapag naging pangit ka ay hindi ka na namin mapagkikitaan at wala ng magmamahal sayo!" Sinampal ako nito ng ubod ng lakas. Ang kaniyang palad ay halos kasing-laki lamang ng aking buong ulo kaya't ramdam ko ang sakit noon sa buong mukha. "Tarantado ka ha. Ang yabang mo ha... Puwes ito!" Hinawakan ako nito ng pagkadiin sa panga. Nanlaki ang akin mata ng makita ang inilabas niya sa kaniyang bulsa. Isang patalim... "E...ki...s." Mabagal niyang sabi habang hinihiwaan ang aking mukha. "Aaaah!" daing ko. Sobrang sakit! Halos panawan ako ng ulirat dahil sa lalim niyon. Nasa ganoon kaming sitwasyon ng... "Freeze!" Hindi ko na alam ang nangyari. Basta nagsipasukan ang di mabilang na pulis sa bodega at pinaghuhuli ang mga kasamahan nila. Pinosasan rin nila si Hunter habang nakadapa sa lapag. Ramdam ko ang sobrang pagkahilo dahil sa dami ng dugong lumabas sa akin. Namamanhid na rin ang aking katawan at huli ko na lang natandaan ay salita ng isang maamong lalaki bago ako nawalan ng malay. "Ligtas ka na..." Nabalik ako sa realidad ng diinan ni Xyrza ang pagkakahawak sa akin. Nakahakot na pala kami ng atensyon dahil sa patuloy na pagtititigan sa pastor at pagharang sa daan nila. Ibinalik ko ang tingin sa pastor at isang maluwang na ngiti ang iginawad niya. Bago pa man ako makapagsalita ay napapikit ako sa biglang lakas ng hangin. Sa aking muling pagmulat ay wala na kami sa isla. "Xyrza! Nasaan ka?" sigaw ko. Naglakad-lakad pa ako ngunit wala akong makitang ibang tao sa tila disyertong lugar na ito. Nang maalala ang huli kong nakita bago ito nangyari ay lalong nandilim ang paningin ko. "Gabriel! Lumabas ka! Huwag kang duwag na iiwanan akong muli! Lumabas ka, putang ina!" Kahit anong sigaw ko ay tila walang makarinig sa akin. Napapaos na ako at lahat ngunit hindi pa rin lumalabas ang hinahanap ko. "Hayop ka! Sinabi mong mabuti ang Diyos, pero sinungaling ka!" Pinulot ko ang mga batong nakikita ko at ibinabato sa kung saang direksyon. "Mula ng pangyayaring iyon ay nagkandaleche-leche na ang buhay ko! Oh ano? Nasaan na 'yang Diyos na pinagmamalaki mo?! May ginawa ba siya para tulungan noon ang musmos na batang katulad ko?!" "Putang ina! Pawang walang kwenta lahat ng aral na tinuturo mo sa 'min!" "H-Hindi totoo ang Diyos! At hinding-hindi na ako magtitiwala sa kaniya!" Nanghihina akong napadausdos sa buhangin habang may ilang butil ng luha sa mata. Ano mang kalapastanganan ang isigaw ko ay alam ko sa sarili ang munting hiling ng puso. 'Sana totoo ka...' "Alessia..." Napatigil ako sa pag-iyak ng marinig ang tinig na iyon. Mabagal kong iniangat ang ulo at natulala sa nakikita. Ang taong nasa aking harapan ay walang iba kung hindi ang taong tinatawag ko kanina. "G-Gabriel..." Muling nanumbalik ang galit sa akin kaya't agad ko itong sinugod at akmang susuntukin ngunit tumagos lamang sa kaniya ang aking kamao. "Alessia, hija..." Pinagpatuloy ko ang pag-atake sa kaniya ngunit wala... Hindi siya tinatablan dahil lahat ng atake ko ay lumulusot lamang sa kaniya. Pasalampak akong naupo sa buhangin at muling napaiyak. "B-Bakit naman gano'n? Ang sabi mo... Pinatawad tayo ng Diyos... Pero bakit..." Hindi ko maituloy ang sasabihin dahil sa hindi maampat na luha sa aking mata. Ang mga alaala ng nakaraan ay bumabalik sa akin na tila isang pelikula. Ang pait... Ang sakit... Nakakagalit... "Bumalik ka na sa kabila, Alessia. Kailangan ka nila..." Pinanlisikan ko ito ng mata dahil sa tinuran niya. "Kailangan?! Kailangan ba 'yong ni hindi nila ako mapahalagahan?!" paghihimutok ko sa kaniya. "Kailangan ba iyong kung tratuhin nila ako ay parang sino lang?!" Napapalatak ako sa inis. "Kailangan lang nila ako para makumpleto sila! Kailangan lang nila ako dahil isa ako sa pinili!" sigaw ko. "Pero..." Napaiyak akong muli dahil sa kung ano-anong ideya ang pumapasok sa aking isipan. "Kung kailangan nila ako... Bakit hindi nila iparamdam ang halaga ko? Bakit..." Pinunasan ko ang luhang umaalpas bago nagpatuloy. "Bakit kagaya sila ng Diyos na tinutukoy mo na hindi ako naitrato ng maayos? Bakit hindi nila ako binigyan ng pagkakataon na patunayan ang sarili ko at magkaroon ng mas maayos na buhay? Bakit, Pastor? B-Bakit?" "Ano pa bang kailangan kong gawin para maayos itong putang inang sarili ko at matanggap nila?!" "Tumahan ka na, anak. Lahat ng ito'y matatapos rin. Magtiwala ka lang ulit sa kan'ya." Itinaas ko ang mukha upang harapin ang maamo niyang mukha at tinig. "Magtiwala ka lang, Sia. Maniwala ka lang muli sa kan'ya..."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD