Elle’s POV
Laglag ang aking panga habang pilit dina-digest ng isipan ang sinabi niya.
Pu---?!
Oh gosh, I don’t know if I could take this.
“Bakit kailangan si mama pa?” Pagak akong tumawa at saka nginisian sila.
“Pagkatapos niyo siyang ipatapon doon tapos ngayon ay pipilitin naming siyang bumalik rito?” singhal ko at nagmartsa palabas ng silid.
“Pwe… Pagkatapos masayang lahat ng taon na sana magkasama kami, ganoon ang iaaasta nila?” Halos gusto kong sumuka dahil sa sobrang disgusto.
“Elle…” Napatigil ako sa paglalakad dahil sa tumawag sa akin. Tinaasan koi to ng kilay ng makitang si Sia lang ito.
“Oh bakit?” Mataray na tanong ko sa kaniya.
Inirapan lang ako nito at nag-cross arms sa harapan ko.
“Pinapatawag ka ni Dean. Ikaw na lang ang kulang. Ite-teleport na daw tayo sa labas ng gate.” Walang kabuhay-buhay niyang banggit. Tinawanan ko ito ng pagak at inismiran.
“Ayoko nga. Kung gusto niyo ay kayo na lang! Marami na naman kayo.”
“Hoy, tumigil ka nga. As if naman na gusto ko din pumunta kung saan man iyon? Baka nakakalimutan niyong wala pa akong isang linggong gising tapos kung ano-ano ng nangyayari sa akin. Tapos puro kayo padala sa mission? Ganito ba pag chosen? Nakakapagod lang.” Mahabang litaniya niya. Hindi ko maiwasang mapatulala at mapaisip sa sinabi niya.
“Una pa lang ay tungkulin niyo ng tumulong at protektahan ang nasasakupan niyo. Kung puwede nga lang mag-back out dito ay ginawa ko na. Hindi naman talaga ako –“
“A-Ate! Please tulungan niyo ang kambal ko!” Putol nito sa usapan. Iismiran ko sana siya ng makita ang luha sa kaniyang mga mata.
“T-Tama na Ria…” Nanghihinang pigil ng babaeng kasama niya. Nakaupo ito sa wheelchair at namumutla ang labi.
“Hindi, Kia! Hindi ka na nila maasikaso dahil sa lintek na usok na pumasok dito! Kung kailangan kong magmakaawa sa mga chosen para lang tulungan ka ay gagawin ko mailigtas ka lang!”
Nanlaki ang aking mata ng magsimula itong lumuhod sa aking harapan. Nagsitinginan rin ang mga healer at iba pa sa direksyon namin.
“Tulungan niyo po siya, Lady Jarielle, pakiusap.”
Bago pa ako makapagsalita ay hinila ako palikod ni Sia at humarap sa kanila.
“H’wag kayong mag-alala. Gagawin namin ang lahat para makakuha ng lunas sa kung ano mang nangyayari sa kaibigan mo at maging sa ibang estudyante rito.”
“T-Talaga?! Naku! Sobrang salamat po! Gagawin ko lahat para lang ibalik ang kabutihang gagawin niyo!” Tuwang sabi nito habang itinutulak ang kaibigan palayo. Malaki ang ngiti nito sa labi habang ipinagkakalat sa ward ang balita.
“Tutulungan tayo ng chosen! Hahanapin nila ang lunas para sa lahat!”
“Tara na.” Hinawakan ako ni Sia sa braso at hinila palayo roon.
“Ano ba! Ano ba ‘yong sinasabi mo sa kanila?!” bulyaw ko rito habang nagpupumiglas.
Inis ako nitong binitawan at iritadong tiningnan.
“Tanga ka ba? Tingnan mo nga ‘yang mga iyan!” gigil na saad niya at pilit akong pinaharap sa maliit na bintana kung saan kita ang buong silid.
“Maatim mo bang tanggalin ‘yang mga ngiti at pag-asa sa labi nila dahil lang sa pride mo?” Napapalatak ito sa inis.
“Kung sasabihin niyong hindi ako karapatdapat mapabilang sa inyo, puwes ikaw din mag-quit na!” Napapailing na sabi nito at iniwanan ako.
Napabuntong hininga ako at muling pinagmasdan ang nangyayari sa labas.
Bakas ang tuwa sa mga mukha nila habang hawak ang kamay ng mga walang malay na pasyente. Ang mga healer rin na kanina pa kumikilos ay nakangiti kahit pa bakas ang pagod sa kanilang mga mukha.
Hinanap ko ang babaeng nakausap ko kanina at hindi ako nabigo dahil nakita ko ito sa gilid habang masayang nakikipagkuwentuhan sa kakambal niya.
Kia at Ria…
Nakakatuwa silang pagmasdan dahil sa laki ng pagkakahawig nila sa isa’t-isa. Ang tanging magkaiba sa kanila ay ang kulay ng kanilang mata. Ang kay Kia ay kulay berde samantalang ang sa kakambal niya ay asul.
Napalingon ito sa gawi ko at napangiti. Kumaway pa ito habang naka-plaster ang isang malawak na ngiti sa labi.
“Maatim mo bang tanggalin ‘yang mga ngiti at pag-asa sa labi nila dahil lang sa pride mo?”
Nabalik sa isipan ko ang sinabi ni Sia kanina.
Napangiti ako ng mapait dahil sa realisasyon habang pinapanood ang magaganda nilang ngiti sa harapan ko.
Oo, Sia. Hindi ko maaatim na gawin iyon sa kanila…
Hindi ko hahayaang mawala ang mga ngiti nilang puno ng pag-asa.
“Nakapagdesisyon ka na ba, Elle?” Pagsingit ni Darius sa usapan.
Maluwang ang pagkakangiti nito sa akin habang nakalahad ang kamay.
Iginala ko ang paningin sa silid at nakita ang iba’t-iba nilang reaksyon.
Si Gunther na mukhang walang pake.
Si Dean Peter na may ngisi sa labi.
Si Rhie na nagkukutkot ng kuko at ngingiti na lang bigla.
Si Cruzette na hindi ko maintindihan ang reaksyon at higit sa lahat, si Sia.
Si Sia na hindi man lang nakangiti ngunit nakatitig ng diretso sa akin.
Ipinikit ko ang mata at huminga ng malalim pagkatapos ay hinarap silang lahat.
“Sasama na ako.”
--
“Si Alice ay nakatira ngayon sa isang patay na gubat sa lupain ng Tarnen divisio.” Itinuro ni Dean Peter mula sa mapa ang eksaktong lugar kung nasaan iyon.
“Mahahanap niyo agad siya kapag nakita niyo ang uwak na alaga niya. Sundan niyo lang ito para mabilis na makapunta sa kaniya.” Inilahad nito ang kamay at iniabot ang anim na kwintas na may bilog na pendant. Ang mga ito ay may iba’t-ibang kulay batay sa kung anong antas namin.
Asul para kay Gunther.
Brown para kay Darius.
Green para kay Rhie.
Dilaw para kay Cruzette.
Lila para sa akin at puti para kay Sia.
“Bakit puti ang sa kaniya?” puna ko.
“Dahil hindi pa siya ganap na nababasbasan. Kailangan niya munang sumabak sa kompetisyon at duwelo para malaman kung saan nga ba talaga siya nabibilang,” paliwanag ni Dean sa amin.
“Ang mga iyan ang magsisilbi niyong proteksyon habang patungo roon. Iyan din ang pagbabasehan naming para malaman kung nasaan kayo, o kung may nangyayari ba sa inyo.” Hinawakan nito ang isang kwintas at sinaksak ang may-ari noon.
Hindi agad nakaiwas si Darius sa atake kung kaya’t napuruhan siya at bahagyang nagdugo ang kaniyang balikat.
Nanlaki ang aking mata ng makita ang kulay pula at brown na naghalo sa aming kwintas.
“Sa tuwing may napapahamak sa inyo ay mag-iiba ang kulay niyan at mahahaluan ng pula. Babalik lamang iyon sa normal kung walang mangyayaring iba sa kaniya. Samantala, kahit anong mangyari ay h’wag niyong hayaan na umabot pa sa itim ‘yan dahil…” Huminga ito ng malalim at tiningnan kami ng seryoso sa mata.
“Itim ang simbolo ng nalalapit na kamatayan ng isa sa inyo.”
--
“Sigurado ka bang tama itong tinatahak natin? Hindi ba tayo puwedeng mag-teleport na lang?” Reklamo ni Darius habang nakabusangot.
“Hindi puwede. Bawal gumamit ng portal dito dahil posibleng may sumunod na iba at mapunta kung saan,” seryosong paliwanag ni Gunther.
Kanina pa kami nakalabas ng Academy at kasalukuyang nasa lupain ng Wiccan, ang lugar ng mga puting mangkukulam.
“Isa pa…” Hinarap niya kami at itinuro ang isang malaking pader. “Paglampas natin ng pader na iyan ay nasa Tarnen na rin tayo. Kailangan nating mas maging maingat ngayon.”
Ilang minuto lang ay narating na rin naman ang harang. Hindi ko alam kung anong nasa kabila nito, ngunit alam kong hindi iyon maganda.
“Paano tayo makakalampas diyan?” Tanong ko.
Ngumisi lang ito at sumipol sa kawalan. Maya-maya pa ay isang maliit na ipo-ipo ang papalapit sa amin.
“Rhie!” sigaw ko. Tumango ito at itinutok ang pana sa paparating. Bibitawan niya na ito ng harangin siya ni Gunther.
“Don’t.”
Nang makalapit ay unti-unting nawala ang hangin na pumapalibot sa kaniya at tumambad ang isang babaeng may puti at mahabang buhok.
“Hihihi!” tawa niya.
Isang witch.
“Kumusta, Gunther? Hihihi!” Matinis ang boses nito na nakakairita sa pandinig.
“Ayos lang, Matilda. Mga kasama ko nga pala, ang mga chosen.” Pagpapakilala niya sa amin.
Sinuri kami nito habang patuloy sa pagbungisngis. Kung puwede lang ay mag-cast ng spell para hindi ko marinig ang nakakairita niyang boses ay ginawa ko na.
“Hihihi. Hindi mo magagawa sa akin ‘yon babae. Mas makapangyarihan ako sa ‘yo hihihi.” Pinanlakihan ko ito ng mata dahil sa sinabi niya.
“Hihihi tatawid kayo dito? Ang dali lang para sa akin ‘yon kasi malakas ako hihihi!” Halos mapakuyom ako ng kamao para lang pigilan ang sariling gawan ng kung ano ito.
Mayroong nakakainis sa kaniya kahit ano pang sabihin niya. Dahil ba sa tawa niya? Sa itsura? O baka dahil…
Malakas na uri talaga siya ng mangkukulam.
“Hihihi ay alam ko ‘yan! Strong talaga ako hihi—“
“Will you please shut up? Naiirita na ako. Hindi mo ba kami puwedeng dalahin na lang doon ng matapos na ang misyon na ito? Maraming estudyanteng naghihintay sa pagbabalik namin oh!” Bulalas ni Sia.
Natigil sa pagtawa si Matilda at pinanlakihan siya ng mata.
“Anong karapatan mong pigilan ang pagtawa ko? Hamak na mor—“ Nanlalaki ang mata nitong nakatingin kay Sia. Laglag ang kaniyang panga habang matiim na sinusuri ito.
“H-Hindi!” Hindi makapaniwalang bulalas niya.
“Gunther! Sino siya?” Seryoso na ito habang nag-aantay sa sagot ni Gunther.
Binalingan niya lang saglit si Sia bago ibinalik ang atensyon kay Matilda.
“Alessia. Alessia Freud. Isa sa mga chosen guardian.” Maiksing pagpapakilala niya.
“Anong ranggo niya?”
“Hindi pa sigurado at official dahil na rin hindi pa nagaganap ang kompetisyon. Pero base sa armas na pumili sa kaniya…” Huminga ito ng malalim bago nagpatuloy sa pagsasalita.
“Posibleng isa siyang Knight...”
“Alam mo ang kapalit ng pagtulong ko. Matagal ng ipinagbabawal ang buksan ang lagusan patungo sa kabila. Kung hindi lamang ikaw ang humiling ay hindi kita pagbibigyan." Pinagmasdan nito si Sia na naka-cross arms lang sa harapan niya.
“Sinong gusto mong maka-duelo? Eto si Elle, ang spell caster ng grupo. Mula sa angkan ng Quinn, isa sa makapangyarihang lahi ng mga wizard,” ani niya at itinuro ako.
Nagpalabas ako ng mumunting liwanag at proud na ipinakita sa kaniya.
“Hindi siya ang gusto kong maka-duelo.” Napababa ako ng kamay dahil sa sinabi niya.
“Siya ang gusto kong makalaban sa oras na makabalik kayo,” sabi niya at itinuro si Sia na nakataas ang kilay sa kaniya.
“Bakit siya? Ang alam ko ay gusto mo ang mga magagaling at malakas makipaglaban. Paanong siya ang napili mo gayong bago pa lang siya?” bulalas ko.
No offense meant pero base sa mga naririnig kong kuwento, isang makapangyarihang white witch ang nakatira dito sa timog ng Licht divisio. Siya ang itinalagang taga-bantay ng lugar dahil na rin sa angking lakas niya.
Ayon pa sa sinasabi nila, ang kapalit ng pagtulong niya ay isang duelo para malaman kung sino ang mas malakas sa kaniya.
“Bakit hindi?” balik tanong niya. Sasagot pa sana ako ng sumenyas si Gunther na tumahimik ako.
“Kung iyon ang nais mo, Matilda. Ngunit…” Binalingan nito ng tingin si Sia na walang ekspresyon ang mukha habang nakatingin sa kanila.
“May punto si Elle. Bago lang siya at hindi pa namin nasasanay. Alam namin kung gaano ka kalakas at ang isang baguhan na kagaya niya ay huhubugin pa lang naming upang maging karapatdapat sa iyo.”
“Ang dami niyong hanash. O s’ya, kung iyon ang gusto mo e ‘di maglaban tayo. Paalisin mo na lang kami at maraming nag-aantay sa taong iuuwi namin.”
Hinawakan ito ni Rhie sa braso at pinanlakihan ng mata.
“Ano ka ba, Sia. Hindi mo siya kakayanin. Kahit ako ay walang laban sa kaniya.” Pinalis lang nito ang kamay ni Rhie at muling humarap kay Matilda.
“Kung ako ang hinamon niya, ibig sabihin ay nakikita niya akong worthy opponent para sa kaniya. Huwag niyo na akong maliitin sa harapan niya dahil hindi ako natutuwa.” Seryosong sabi niya at tumalikod sa amin.
“Gusto lang kitang protektahan, Alessia.” Lahat ay nagulat dahil sa sinabi ni Gunther. Ang laki pa ng ngiti sa mukha ni Darius ng marinig iyon.
“Hindi ka puwedeng mapuruhan dahil kailangan ka ng sanayin upang magkaroon ng official na ranggo sa mga chosen.”
Natigilan ito habang tahimik na nakatingin sa kawalan.
“Mag-iingat kayo. Balikan niyo na lang ako pagkatapos ng misyon niyo.” Tanging sabi ni Matilda at nagchant ng isang spell.
“Bilisan niyo. Kailangan kong isarado agad ‘yan para masigurong walang ibang tiga-Tarnen ang makakapasok rito.” Seryoso nitong tugon.
“Sana nga ay wala. Dahil sa academy ay nagsisimula na silang makapasok at manggulo.”
Nagpaalam na kami rito at tinawid ang butas na ginawa niya. Nahuli si Alessia dahil may ibinulong pa si Matilda sa kaniya. Mukhang seryoso ang kanilang usapan base na rin sa ekspresyon ng mga mukha nila.
Tumango lamang ito at tinawid ang butas. Awtomatiko itong sumarado at nawala na parang walang nangyari.
“Nandito na tayo…” Mahinang saad ni Rhie sa gilid. Itinuon ko sa harap ang atensyon at napamaang sa nakikitang madilim at nakakatakot na lugar na ito.
“…sa Tarnen divisio.”
“Tara na, hindi na tayo puwedeng magtagal pa rito.” Inilabas ni Gunther ang mapa at ipinakita sa amin.
“Nandito tayo sa b****a ng Tarnen. Ang gubat na tinutukoy ni Dean Peter ay sa bandang timog pa. Nasa Hilaga tayo ngayon at tiyak na aabutin ng ilang oras kung hindi pa tayo kikilos.” Ibinaba nito ang mapa at nagsimulang maglakad patungo sa direksyon ng kanluran.
“Bakit dito tayo dadaan? Hindi ba puwedeng dumiretso na lang para mas mabilis?” Suhestiyon ni Sia. Napatigil sa paglalakad si Gunther at matamang tiningnan ito.
“Kung pupunta ka sa lugar ng mga kalaban, saan sa tingin mo ilalagay ang pinaka-matibay na proteksyon at maraming kalaban?”
“Sa gitna, malamang. Iyon ang sinabi sa akin ni Papa noong bata pa ako. Mas safe daw na dumaan sa paligid, kaso ay matatagalan pa iyon,” sagot ni Rhie. Binalingan ko ng tingin si Alessia at nakita ang pag-iling nito.
“Kung dadaan tayo sa palibot ay tiyak na aabutin tayo ng ilang oras. Sa oras na iyon ay marami ng buhay ang nanganganib sa academy. Kayo na ang may sabi, nasa Tarnen tayo at ito ang pinaka-delikadong lugar sa Dimetiri Welt.”
Napatungo ako.
May punto siya…
“My point siya, Gunther. Kailangan nating magmadali. Kahit anong tahakin natin ay may masasalubong tayong panganib.” Pagsang-ayon ko kay Sia.
Huminga muna ito ng malalim bago kami matamang tingnan.
“Ihanda niyo lagi ang sarili niyo at huwag hahayaan na may masaktan ng sobra ang kahit sino sa atin. Cruzette,” tawag niya. Napalingon si Cruzette dito na may nagtatanong na mga mata. Nakalingkis ito kay Darius kanina pa at mukhang wala namang problema ang binata roon.
“Gumawa ka ng protective barrier upang maiwasan nilang malaman na nandito tayo,” utos niya.
Nag-chant siya ng spell at unti-unting nag-form ng isang shield sa palibot naming. Nag-cast din ako ng spell upang saktan ang kahit na sinong magtatangkang umatake sa amin.
Pagkatapos ng ginawa niya ay agad siyang naghina. Mabuti na lang ay nasalo siya ni Darius sa mga bisig nito.
“Bakit ang bilis mong manghina ngayon, Cruzette?” bulalas ko. Ngayon ko lang siya nakitang nanghihina kahit kaunti pa lang ang ginagawa niya. Matagal na siyang nagsasanay upang hasain ang kakayahan niyang magpagaling at sumuporta sa amin. Mula pagkabata ay tinuturuan na siya ng pinaka-magagaling na pari at priestess dahil na rin sa isa siyang Prinsesa ng kanilang kaharian.
“Anong nangyayari sa ‘yo?” dagdag na tanong ko.
Umiwas lang ito ng tingin at mas nagsumiksik kay Darius.
“Tigilan mo muna ang prinsesa, Elle. Siguro ay pagod dahil wala pa siyang pahinga mula ng nakaraang misyon natin,” pagtatanggol ni Darius sa kaniya.
Inirapan ko lamang ito at nagsimulang lumakad at sumabay kay Gunther.
Tahimik ang buong byahe. Nakatulong ang ginawa naming barrier upang hindi kami matunton ng mga tiga-Licht. Ang mga mahihinang klase ng demonyo at lamang-lupa ay mabilis lang napupuksa sa tulong ng pana ni Rhie upang hindi na makalapit ang mga ito.
Mas pinag-apoy ko pa ang barrier upang walang makasugod sa amin na kalaban..
“Malapit na ba tayo?” Si Sia ang nagtanong noon. Bakas na rin ang pagod sa kaniya. Maging ang iba naming kasamahan ay ganoon rin. Pati ako dahil nakokonsumo ng spell na ginawa ko ang aking mana. Kung hindi lang ako sanay ay kanina pa ako nag-collapse sa daan.
“Napapagod na rin ako, Gunther. Hindi ko alam kung matatagalan ko pa ang spell na nasa barrier.”
“Sige, tanggalin mo na muna. Iyong protective spell na lang muna ni Cruzette ang itira natin.”
Tumango ako at nag-chant ng spell nang sumigaw si Cruzette.
“Huwag!”
Ngunit huli na ang lahat. Natanggal na ang inilagay kong spell at tumambad ang buong lugar.
Walang barrier na nakapalibot sa amin na dapat ay gawa ni Cruzette ngayon.
Matalim ko itong tiningnan at hiniklat sa damit.
“Anong ginagawa mo?! Kanina pa ba tayo walang protective barrier bukod sa gawa ko?!” sigaw ko sa mukha niya.
Bago pa ito makasagot ay umalulong na ang mga lobo.
Dahan-dahan akong humarap at namutla sa nakikita.
Isang batalyon ng iba’t-ibang uri ng demonyo at itim na nilalang ang nakapalibot at nakangisi sa aming puwesto. Handang umatake kahit anong oras nila gusto.