Third Person’s POV
“I am so disappointed to all of you!” bungad ni Peter sa mga ito. Isa-isa n’yang tiningnan ang mga estudyante sa harapan habang sinusuri ang mga ito.
“Kung hindi pa ini-report agad ni Prof Yanni ay baka tuluyang magkagulo sa loob. Ano bang nasa isip n’yo ha?” dugtong n’ya pa.
Napapailing lang si Prof. Yanni sa tabi habang nakatingin sa kanila. Ikinumpas nito ang daliri at nag-play sa harapan ang scenario kanina.
Tumagal rin iyon ng ilang minuto bago tuluyang huminto. Napapalatak si Dean Peter sa nasaksihan.
“Rhie, alam kong mahalaga na sa’yo si Alessia ngunit ang paglabas ng totoo mong anyo habang hindi pa nagsisimula ang eclipse ay mahigpit na ipinagbabawal. Paano kung makarating ito sa konseho? Baka nakakalimutan mong isa ang mga mulawin sa matataas na posisyon doon.” May himig pagbabanta sa tono nito. Nanatili itong nakayuko at nakaiwas ang tingin.
“Ikaw Elle. Alam kong bestfriend mo si Claire, pero totoo rin ang sinabi ni Rhie na hindi n’yo man lang binibigyan ng chance si Alessia para patunayan ang sarili n’ya.” Naka-cross arms ito habang nakaiwas ang tingin sa Dean.
“Darius naman!” Gulat na napatayo ito dahil sa tawag sa kan’ya. “Isa kang brawler tapos hindi mo man lang sila napaglayo?!” Hindi makapaniwalang bulalas nito. Napakamot lang sa batok ang binata habang dahan-dahang bumabalik sa upuan.
“Lastly…” Ibinaling nito ang atensyon sa lalaking nakapamulsa at nakaharap sa kan’ya.
“Dahil lang doon? Seryoso ka, Gunther? Ano bang nangyayari sa iyo?” Matalim ang tingin nito sa binata. Napapailing ito habang sinasabi iyon.
“Isang buwan na lang at sasapit na ang eclipse. Kailangan n’yo ng magsanay. Kailangan n’yo na ring sanayin si Sia para makasabay s’ya sa inyo.” Pinal nitong tugon.
“Pero Dean…” Alma ni Elle.
“Walang pero-pero. Magsanay kayo para manatili pa sa posisyon. At tungkol naman sa issue ng pagpili ng espada kay Sia…” Humarap it okay Gunther at nginisian ng nakakaloko.
“Kailangan niyong sumabak sa duelo upang malaman kung sino ba ang karapatdapat manatili bilang Knight sa inyo.”
Sia’s POV
“Ang lalaking iyon!” gigil na bulalas ko.
Napaka-antipatiko! Ano bang pinaglalaban n’ya? Ang pagiging Knight niya na ang tanging ginagawa ay manaksak ng tao? E ‘di isasaksak n’ya sa baga niya ‘yong lintek na titulo!
Inis kong sinisipa ang maliliit na bato sa dinaraanan ko. Kanina ay may estudyante pa akong nakikita at pinagbubulungan ako, ngunit nang panlisikan ko naman ng mata ay umiiwas.
“Aaah! Nakakainis talaga!” Sinipa ko ang may kalakihang bato sa aking harapan ngunit nagsisi din agad.
“Shet! Ang tanga mo, Sia. Bakit mo sisipain ‘yon e ang laki-laki no’n?!”
“Hihi ang funny niya! Kinakausap ang sarili.” Napatigil ako sa paglalakad at inilibot ang tingin sa paligid.
Puro makakapal na puno ang nakikita ko at hindi ko na rin matanaw ang field na dinaanan ko kanina.
“Sino ‘yan?” Matapang na tanong ko. Inilinga ko pa ang ulo para hanapin ang nagsalita ngunit bigo ako.
“Hihi, hanapin mo ‘ko!” Mapaglaro ang boses niyon at papalayo sa puwesto ko. Sinundan ko ang direksyon kung saan ito narinig.
“Nandito ako! Catch me if you can hihi!” Agad nabaling ang atensyon ko sa gilid at nakita ang munting anino mula roon. Mabilis itong tumakbo at nawala sa paningin ko.
“Huwag mo kong paglaruan! Magpakita ka kung ayaw mong sa’yo ko ibunton ang inis ko ha!” Iritado kong sigaw ngunit nag-eecho lang ito sa gubat.
“Nandito ako blee!” Tumawa pa ito ng matinis na lalong nagpairita sa akin.
“Humanda ka pag nahabol kita!” sigaw ko at patakbong humabol sa kan’ya.
Palipat-lipat ito ng lugar at bawat minuto ay nagsasalita siya. Hindi ko namalayan na tuluyan na pala akong napalayo at napunta sa pusod ng gubat.
“Ayoko na! Bahala ka sa buhay mo!” Hinihingal kong tugon. Napahawak ako sa tuhod habang hinahabol ang hininga. Tagaktak na rin ang pawis ko at basa ang pang-itaas na damit.
Tumalikod na ako at akmang hahakbang pabalik ng may nahulog sa dinaraanan ko.
Isang laruang pambata.
Dahan-dahan akong tumingala at nagimbal sa nakita.
Isang nilalang na nasa anyong bata ang nakasabit sa puno. Ang kaniyang itim na mata ay matalim na nakatingin sa akin.
Dahan-dahan akong napaatras ng hindi inaalis ang tingin sa kaniya.
Nang masigurong nakalayo na ako ng ilang dipa ay agad akong tumalikod at kumaripas ng takbo.
Hindi pa ako nakakalayo ng bigla itong mahulog sa harapan ko.
“Naglalaro pa tayo ng habulan. Ayaw mo ba akong kalaro?” Malungkot na tanong nito. Pilit kong kinapa ang katawan kung may nadala akong ipanlalaban ngunit wala…
“BAKIT AYAW MO AKONG KALARO!” sigaw nito. Napaatras ako sa takot dahil sa unti-unti nitong pagbabago ng anyo. Ang kaninang normal nitong balat ay unti-unting nangitim. Ang mga mata niya’y naging kulay pula habang nanlilisik na nakatingin sa akin.
“AAAAAH!” Sumigaw ito ng pagkalakas-lakas. Ang mga dahon sa aming direksyon ay nagsiliparan papalayo.
Sumugod ito at dumamba sa akin.
“BAKIT AYAW MO AKONG KALARO?!” Ang kaniyang boses ay tila hinugot sa ilalim ng lupa dahil sa lalim nito.
Pilit nitong kinakalmot ang aking mukha gamit ang matutulis niyang kuko. Nahihirapan akong manlaban dahil sa bigat niya na hindi halata sa kaniyang maliit na katawan.
“Layuan mo ‘ko, tiyanak!” sigaw ko rito. Malakas koi tong itinulak dahilan para mawala siya sa ibabaw ko at mauntog sa puno.
Agad akong tumayo ay tumakbo palayo sa lugar. Hindi ko alam kung saan na ako napunta dahil sa dami ng pasikot-sikot nito. Ang mahalaga ay makaalis ako at mawala sa nakakatakot na nilalang na iyon.
Ang nilalang na palagi kong nakikita sa bangungot ko…
“Hindi ka makakawala sa akin! Maglalaro tayo habang buhay!” sigaw niya hindi kalayuan sa akin. Hindi ako lumingon at nagpatuloy lang sa pagtakbo.
“Sht ka, Sia. Bakit kasi hindi mo dinala ang armas mo?” Sisi ko sa sarili.
“Matapos lang ako rito ay ikaw naman ang babanatan ko,” bulalas ko habang tumatakbo. Nakikita ko na ang liwanag kaya’t mas binilisan ko ang pagpunta doon.
“Uwaaaah!” Napatigil ako dahil sa iyak ng sanggol. Dahan-dahan akong lumingon sa likod at nakita ang isang sanggol na nakabalot sa tela. Nakalabas pa ang pusod nito habang patuloy sa pag-atungal ng iyak.
Hindi ko alam kung bakit ngunit nawala ang inis ko at mabagal na lumapit sa kaniya.
“Napakaganda mo…” Napangiti ako ng masilayan ang bata. Nadadala ako sa kulay tsokolate niyang mata na hirap imulat dahil sa liwanag na tumatama sa kaniya.
Tuluyan ko ng nakalimutan ang iniisip kanina at masuyong binuhat ang sanggol. Tumahan ito ng maramdaman ang init ng aking katawan.
Nakaramdam ako ng kakaibang tuwa habang buhat-buhat siya.
“Bakit ka mag-isa? Ang mga kagaya mo ay hindi dapat inaabandona,” pagkausap ko rito at mas hinigpitan ang yakap sa kaniya.
Ipinikit ko ang mata habang dinadama ang pakiramdam habang hawak ko siya.
Ganito pala…
“Kung hindi mo ako pinalaglag ay magkalaro na sana tayo ngayon.” Agad akong napamulat ng mata at nagulat sa pagbabagong anyo nito.
Tumambad ang nanlilisik niyang pulang mata sa akin. Bago ko pa man ito maihagis ay bumaon na ang matatalas nitong kuko sa aking balikat. Ramdam ko ang panunuot ng kakaibang sakit habang patuloy ang paglabas ng masaganang dugo mula roon.
Tila ako hihimatayin dahil sa paulit-ulit niyang kagat sa iba’t-ibang bahagi ng aking katawan.
“Sabi ko naman sa iyo at maglalaro tayo habang buhay…”
Ang huli ko na lang nakita ay ang pula nitong mata at nakangising mukha bago ako tuluyang mawalan ng malay.
Rhie’s POV
“Now go and say sorry to her. Hindi magpapatuloy ang klase hangga’t hindi kayo kumpleto.” Pinal na sabi ni Dean. Napatango kami ni Darius bilang pagsang-ayon dito.
“Mawalang galang na po Dean pero…” Huminga muna ng malalim si Elle bago magsalita. “Ano bang mayroon kay Sia at napipilitan kaming makisama? Totoo bang isa siya sa chosen guardian dahil lang sa espadang iyon?”
Nangunot ang noo ko sa narinig at akmang magrereklamo ng hilahin ako ni Darius sa braso at panlakihan ng mata.
Ang kaninang seryosong mukha ni Dean ay mas naging seryoso lalo na ng kumurba ang ngisi sa labi nito.
“Malalaman niyo rin.” Huling sabi niya at saka isinarado ang pinto.
“Hay nako naman, abala.” Pagpaparinig ni Elle. Nagpantig ang tainga ko at inis na hinarap siya.
“Aba! Hindi ba at –“
“Puwede bang tumigil na kayo? Sundin na lang natin si Dean para matapos na ang lahat!” Lukot na ang mukha ni Darius habang nakapagitna sa amin.
“He’s right…” Nabaling ang atensyon k okay Gunther na seryosong nakatingin sa amin. Walang ekspresyon ang kaniyang mukha habang sinasabi iyon.
“Let’s go find her and apologize. Gusto ko na lang matapos ito.” Pahayag niya at tinalikuran kami.
--
Ilang minuto na rin kaming naglalakad ngunit walang Sia na sumasalubong sa amin. Tiningnan na rin naming sa classroom, sa garden o kahit sa cafeteria ngunit wala pa rin siya.
“Nasaan na ba ‘yon? Tsk.”
Pinanlisikan ko ito ng mata ngunit irap lang ang ibinalik niya sa'kin.
“Rhie…” Napalingon ako sa tumawag sa akin at nakita ang seryosong mukha ni Gunther.
“Go, use your ability to locate her. Aabutin tayo ng isang araw kung lilibutin natin ang buong lugar.” Tinanguan ko ito at agad na umakyat sa malaking puno. Ipinikit ko ang mata upang mag-concentrate.
“Nasaan ka, Alessia?” Pilit kong inilibot ang tingin ngunit hindi ko siya makita. Dismayado akong tumalon mula sa puno at hinarap sila.
“Hindi ko siya makita. Either nahaharangan siya ng mga building o ano man…”
Nasa ganoon kaming sitwasyon ng may isang babae ang kumudlit sa aking likuran.
“A-Ate, may hinahanap po ba kayo?” Nauutal na tanong nito. Natuon ang atensyon ng lahat sa kaniya dahilan para siya ay mamula at mapayuko sa hiya.
“Oo meron. Baka nakita mo iyong babae na mahaba ang buhok tapos kasama ko noong isang araw?” Napaangat ito ng tingin at napairap bago nagsalita.
“Iyon bang babae na nakaaway sa cafeteria? Iyong may heavenly card din katulad ng kaniya?” Itinuro nito si Gunther ng sabihin iyon.
“Oo siya nga! Nasaan siya?” Bahagya itong napaatras dahil sa biglaang paglapit ko sa kaniya.
“Uhh, ayon mag-isang kinakausap ang sarili habang sinisipa ang mga bato. Sinamaan pa nga ako ng tingin bago nagpunta sa gubat e.”
Napamaang ako at hinarap si Darius na nanlalaki ang mata.
“Hindi….”
Hindi na kami nakapagpaalam at mabilis na umalis sa harapan niya.
“Damn. Anong gagawin niya sa gubat?” bulalas ko. Mas binilisan ko pa ang takbo at pinalinaw ang mata ng matanaw naming ang bungad.
Nanlaki ang aking mata sa nasaksihan.
Si Sia habang walang malay na kinakaladkad ng isang maliit na nilalang!
“Sht! Ayon siya!” Turo ko at inilabas ang mga pakpak. Mabilis akong lumipad patungo sa direksyon nila at iniharang ang sarili sa daan ng nilalang na iyon.
“Sino ka?! Bitawan mo siya!” sigaw ko rito.
Tumawa ito ng matinis na nag-echo sa buong lugar.
“Bakit ko siya ibibigay sa’yo? Amin siya!” sigaw niya. Iniharang niya ang maliit na katawan upang hindi ko malapitan si Sia.
“Ikaw na tiyanak ka, layuan mo ang kaibigan ko kung ayaw mong todasin kita!” gigil na sigaw ko. Inilabas ko ang pana at itinutok sa direksyon niya.
“Hihi hindi niyo siya makukuha!” Sa isang iglap ay nawala sila sa paningin ko. Nilibot ko pa ang lugar ngunit wala sila doon!
“Nasaan na si Alessia?!” Hinihingal na sambit ni Darius habang inililinga ang paningin.
“Kinuha siya ng tiyanak at bigla na lang nawala! Tiyak kong may iba pang nilalang rito na tumulong sa kaniya!” sumbong ko sa mga ito.
Napapikit si Gunther na tila may kinakausap sa isip. Maya-maya lang ay nag-teleport sa kanilang harapan si Tobby. Isang estudyante na nagmula sa malakas na angkan ng mga shaman.
“Tobby…” Napatango ito kay Gunther at lumapit sa lugar kung saan may naiwang dugo ni Alessia.
Bumigkas ito ng mga salitang hindi ko maintindihan habang nakapikit at nakakapit ang isang daliri sa basang dugo.
Ilang sandali lamang ay may kulay puting liwanag ang nabuo sa lupa. Nakaporma itong star at bawat dulo ay may mga linyahang lumalabas. Ang mga linya na iyon ay kumalat sa iba’t-ibang direskyon.
“A-Anong…”
Ang kaninang makalat na linya ay nagsama-sama patungo sa iisang direksyon. Sa isang malaking puno hindi kalayuan sa amin.
“Nandoon sila!” sigaw ni Tobby ng makitang pumulupot ang mga linya sa isang hindi makitang nilalang. Inihanda ko ang palaso at mabilis na pinatama sa kaniya.
“Uurgh!” Mabilis na nawala ang liwanag kasabay ng paglantad ng isang duwende sa aming harapan.
“Nasaan sila?!” sigaw ko. Sinubukan pa nitong tumakbo palayo ngunit inasinta kong muli ito.
“Tatanggalin mo ang mahika mo o ikaw ang matatanggalan ng buhay rito?” Nakaapak ako sa kaniya para hindi na makatakas pa. Nanghihina itong tumingin sa akin bago bumigkas ng mga salitang hindi ko maintindihan.
Kasabay ng pagkawala niya ay ang paglitaw ng tiyanak habang sakal-sakal ni Alessia. Matalim ang tingin nito at mas hinigpitan ang pagkakabaon ng kuko sa leeg niya.
“Hindi ako makikipaglaro sa’yo kaya bumalik ka na lang sa impyernong pinanggalingan mo!” Nanlaki ang aking mata ng saksakin niya ito ng palasong ibinato ko kanina.
“DIE!” Umuusok ang katawan nito habang patuloy na nakabaon ang palaso sa kaniya.
“P-Paano niya nagagawa ‘yon?” bulalas ko habang pinapanood na maglaho sa hangin ang tiyanak na kanina ay hawak niya.
“Sia!” sigaw ko. Nawalan itong muli ng malay at bumagsak. Mabuti na lang at maagap si Gunther sa pagsalo rito kung hindi ay baka kung ano pa ang mangyari sa kaniya.
“She’s badly bitten by a dark creature. Kailangan n’yang magamot agad.”
--
Mabilis kaming nakarating sa infirmirary ngunit hindi ko inaasahan ang inabutan namin.
Pabalik-balik ang mga healer habang hindi magkandaugaga sa pagsaklolo sa bawat estudyanteng nasa bed.
Hinarang ko ang isang estudyanteng may healing ability upang tanungin ito. Halata ang pagod at stress sa mga mata niya. Iritado itong humarap sa akin ngunit agad nagbawi ng tingin ng makilala kung sino ako.
“Anong nangyari at naging ganito karami ang tao dito?”
“M-Mahirap i-explain Ayon sa kuwento ay may nakapasok raw na itim na usok sa bandang gate ng academy. Ang mga estudyanteng naroon kasama ang mga kawal ay bigla na lang bumagsak sa sahig matapos maamoy iyon.” Hindi na ako nakapagtanong pa ng sinaklolohan niya ang isang bata na nahihirapang huminga.
Binalingan ko ng tingin si Alessia ng marinig ang mahinang ungol nito. Hindi maampat ang pagdudugo ng kaniyang mga sugat kaya’t nababasa rin si Gunther na may buhat sa kaniya.
“S-Sia…” Tinapik ko ito at mabilis itong dumilat. Ang kaniyang mata ay nanghihinang nakatingin sa akin habang pilit pinagmamasdan ang paligid.
“H-Hindi ma…” Hindi ko na narinig ang sunod niyang sinabi dahil nawalan siyang muli ng malay.
“Hindi na maganda ito. Kailangan niya ng magamot bago pa lumala ang kaniyang lagay.”
Sandali akong nag-isip bago nanlalaki ang matang tumingin sa kanila.
“Si Cruzette!” Napatango sila at mabilis na tinungo ang espesyal na kuwarto kung saan siya nakalagi.
“Prinsesa Cruzette!” Bungad ni Darius pagkabukas pa lang ng pinto. Natigil ito sa pagbabasa at nanlalaki ang matang tumingin sa amin. Mabilis nitong itinago ang hawak niya at lumapit sa aming direksyon.
“Anong nangyari?” Seryosong tanong niya. Nabaling ang atensyon niya kay Sia na walang malay habang buhat ni Gunther.
“Nakagat siya ng isang tiyanak at posibleng napaglaruan ng duwende. Kailangan niya ng tulong mo.” Seryosong sabi ni Gunther. Marahan niyang ibinaba si Sia sa higaan at pinagpagan ang sarili.
“P-Pero…” Bakas ang alinlangan sa kaniyang mga mata habang nakatingin sa walang malay na si Sia.
“Pero ano, Cruzette?”
“H-Hindi puwede…” Mahinang sagot niya.
“Ano?!” bulyaw ko. “Paanong hindi puwede?! Kasama siya sa atin at ikaw ang healer ng grupo kaya paano mo nasabing hindi puwede?!” Inis kong sigaw rito. Ramdam ko ang pag-awat ni Darius sa akin at pag-abante niya sa harap.
“Bakit prinsesa? May problema ba?” Napaiwas ng tingin si Cruzette. Bumuntong-hininga siya bago magsalita.
“Nagamit ko lahat ng lakas ko kay Darius kanina. Hindi ko alam kung kakayanin kong gamutin siya.” Pirming sabi nito.
“Nakakapagtaka ka naman, Cruzette. Nagawa mo noong gamutin ng sabay-sabay ang isang pulutong ng mga lamang-lupa. Paanong kay Darius pa lang ay naubusan ka na ng lakas?” Bakas ang pagkagulat at pamumutla sa mukha niya ng marinig ang sinabi ni Elle. Seryoso itong nakatingin sa kaniya habang sinusuri ang buong katawan.
“N-Nabigla lang ako kanina. Alam niyo namang kakagaling lang natin sa isang misyon…”
Hindi na ito nagsalita pa at idiniin ang hintuturo kay Alessia. Nabalot muli ng puting liwanag ang silid.
Dahan-dahang nagmulat ng mata si Alessia at sinalubong ang mga titig ni Cruzette sa kaniya.
“Chosen guardians, kailangan ko ng tulong niyo.” Natigil ang tinginan nila ng sumulpot si Dean Peter habang madilim ang mukha.
“Kailangan n’yong magtungo sa timog upang hanapin si Alice at kumbinsihin na sumama sa inyo.”
Lahat ng atensyon ay napunta kay Elle na nakakuyom ang kamao habang matalim na nakatitig sa harap. Ngumisi ang Dean sa kaniya at saka binigkas ang mga salitang nagpagulat sa aming lahat.
“Oo, Jarielle. Kailangan niyong puntahan ang iyong ina at tumungo sa lugar niya… sa Tarnen divisio.”