Sia’s POV “Saan ba tayo pupunta?” tanong ko kay Rhie habang patuloy ako nitong hinihila. Kung hindi lamang dahil sa nakakailang na presensya ni Darius at ang matatalim na tingin ni Cruzette ay hinding-hindi ako sasama sa kan’ya. “Hays, hindi ka pa kasi natuturuan kung kaya’t hindi mo pa magamit ang mental telepathy.” Tiningnan ko lang ito na tila di makapaniwala sa kan’yang sinabi. “Mental telepathy? Like pag-uusap gamit ang isip? Legit ba ‘yon?” Tinaasan lang ako nito ng kilay at humalukipkip sa harapan ko. “Oo kaya sismars, duh.” Inirapan pa ako ng bruha pagkatapos sabihin iyon. Napairap na lang din ako habang pinipigilan ang sariling sabunutan ito. Minsan hindi ko siya maintindihan. Hindi… Lahat pala sila. “Nandito na tayo…” Pinagbuksan n’ya ako ng pintuan kung nasaan ang silid n

