Chapter 8: Daemon Academy

3187 Words
Cruzette's POV "Because she's one of us..." Napuno ng singhap ang lugar. Bago pa man kami makakontra ay nakapasok na ito sa portal at iniwanan kami. "N-Naguguluhan ako..." Napabaling ako kay Elle ng magsalita ito. Ipinilig niya ang ulo at tumango nang makitang nakatingin ako sa kaniya. Nagsimula na siyang umapak sa portal at iwanan kami. "Tara na, Sia," aya ni Rhie at hinila ito patungo sa portal. Hindi na s'ya kumontra pa at hinayaan ang sariling higupin noon. I don't understand... Hindi ba dapat ay nasa Licht na siya kung totoong isa s'ya sa amin? Napailing na lang ako at humakbang papasok ng portal. "Bahala na..." Pagkalapag ko pa lamang ay nagulat ako sa tumambad sa amin. Si Darius! Agad ko itong nilapitan at hinawakan. "Anong nangyari sa'yo?" Iginala ko ang tingin sa kaniya at napansin ang mga pasa at malalim na sugat mula sa kaniyang hubad na katawan. Sira-sira ang damit n'ya kaya lumilitaw dito ang mga sugat niya sa loob. Halata rin ang panghihina niya sa paraan ng pagkakahawak sa akin. "Dalhin niyo kami sa center," utos ko at sa isang iglap lamang ay nandito na kami. Sa tulong ng levitation ng isang staff ay maayos siyang naihiga sa puwesto. Wala akong inaksayang sandali at hinawakan ito sa noo habang bumibigkas ng mga spell. "Et potestas data est mihi homo tuam sana in conspectu oculorum meorum. statim purget corpus recuperatis uiribus." Isang nakakasilaw na liwanag ang bumulag sa mga narito, puwera sa akin. Pinagmasdan ko habang unti-unting sumasarado ang kaniyang mga sugat at nawawala ang mga pasa. Sa pagkawala ng liwanag ay saktong pagkabukas ng pintuan. "Is he okay?" Napatango lamang ako kay Gunther at nanghihinang napatingin kay Darius na dahan-dahang iminumulat ang mata. "Cruzette!" huling sigaw na narinig ko bago ako tuluyang mawalan ng malay. -- Dahan-dahan kong iminulat ang mata ng marinig ang bulong-bulungan sa paligid. Napansin nila agad ako kung kaya't natutok sa akin ang atensyon nila. "Okay ka na?" nag-aalalang tanong ni Rhie. Nginitian ko lamang ito at tumango. Inilibot ko ang tingin sa paligid ngunit hindi ko siya makita. "N-Nasaan si Darius?" Nanghihina ako ng sabihin iyon. Tiyak na madami akong nagamit na mana sa paggamot sa kan'ya kaya ganito ang nangyari sa 'kin. "Nandoon kasama yong bago." Umirap si Elle habang sinasabi iyon. Napataas ang aking kilay ngunit kalaunan ay nangunot ang noo ng maintindihan ang sinasabi n'ya. Kasama niya si Alessia na isa sa bagong salta rito sa Caelum. Una pa lang ay hindi ko na s'ya gusto. May kung ano sa kan'ya na nagpapawala sa normal kong sarili at lumalabas ang ugaling hindi ko alam kung bakit mayroon ako. "Bakit--" Naputol ang sasabihin ko ng pumasok ang dalawa. Nagkukulitan at tawanan ang mga ito habang papalapit sa aming puwesto. Mali, si Darius lang pala samantalang ang katabi n'ya ay busangot ang mukha. "Sabi ko naman sayo Sia, ibang klase ang-- hi prinsesa, mabuti naman at gising ka na.." Lumapit ito sa aking puwesto at hinagkan ang aking kamay. Ramdam ko ang pamumula ng mukha kung kaya't napaiwas ako ng tingin rito. Nabaling ang atensyon ko kay Elle na may naguguluhang ekspresyon. Pabalik-balik ang tingin nito kay Rhie at kay Darius, pagkatapos ay sa akin. Saka iiling na akala mo ay naguguluhan. "May problema ba?" Tanong ko ng mapansing nakatingin ito sa akin. Umiling lang s'ya at muling tumingin sa orasan. "Aalis na ako, may klase na pala tayo." Tumayo s'ya sa puwesto at bumeso. Kita ko ang pagbangga n'ya sa balikat ni Sia bago ito nagdire-diretso palabas. "Seryoso? Kakatapos lang ng misyon sa kabila then may klase pa rin?" Hindi makapaniwalang bulalas ni Rhie habang naiiling. Hinablot nito ang siko ni Sia palayo kay Darius. Sinamaan lang s'ya ng tingin ng huli na inirapan n'ya lang rin. "Tara na..." In just a snap ay wala na ang mga ito sa harapan ko. Tanging kami na lang ni Darius ang nasa kwarto. Ilang sandaling binalot ng katahimika ang lugar bago ito nagsalita. "Salamat, prinsesa..." Tinanguan ko lamang ito at nai-tap ang upuan sa tabi ng higaan. Mabagal s'yang naglakad patungo sa aking puwesto at hinawakan ang aking mga kamay. "Salamat sa pagpapagaling sa'kin. Nasobrahan mo yata ng gamit kaya ikaw naman ang nawalan ng malay..." Napapikit ako habang inaalala ang sugatan nitong katawan kanina. "Anong nangyari sa'yo? At bakit hindi ka nakasama patungo sa humanus welt?" Napalunok ito at napaiwas ng tingin dahilan para taasan ko ito ng kilay. "Kayong dalawa ni Sia ang nahuling pumasok, pero bakit siya lang ang nakapunta doon?" dagdag tanong ko pa. Umubo muna ito at huminga ng malalim bago ako sagutin. "Sa ibang lugar ako napunta..." mahinang bigkas n'ya. Dahil sa tahimik ng paligid ay narinig ko pa rin ito. Ibang lugar? Ang portal na ginawa ni Gunther ay lagusan patungo sa kabilang mundo. Konektado iyon sa kan'ya kaya't alam kong kontrolado n'ya kung saang eksaktong lugar mapupunta ang bawat papasok dito. So paanong sa iba s'ya napunta? Magiging posible lang naman iyon kung may magbabago ng ng direksyon nito. Isa pa, mararamdaman ng kung sino mang gumawa ng portal kung anong nangyari sa gawa n'ya. Malalaman n'ya kung sino ang pumasok, dahilan para kontrolin n'ya kung saan ito lalabas. Si Gunther ang isa sa pinaka-malakas na estudyante dito sa Licht. Katulong na rin s'ya ng mga propesor dito dahil sa angkin n'yang galing. Higit sa lahat, ang tanging makakakontrol lamang ng ginawa n'ya ay isang malakas na nilalang kagaya n'ya. O kaya naman ay mas malakas pa... Pero sino? Tinitigan ko ito ng direkta sa mata. Iiiwas n'ya sana ang tingin ngunit hinawakan ko ang pisngi n'ya para pigilin ito. "Saang lugar?" madiin na tanong ko. Napangiti ako ng makitang tila nahihipnotismo ito habang nakatingin sa mga mata ko. Hinaplos-haplos ko ang pisngi n'ya habang s'ya ay walang kibo na nakatitig sa akin. 'Ganyan nga. Ma-inlove ka sa'kin, Darius ko...' Napangiti ako dahil sa naisip ngunit agad rin itong nawala dahil sa mga salitang binitawan n'ya. "Sa Daemon Academy..." Darius’ POV "Magia portal ligno, ubi non opus est adducere tuum livor nos humanus," malakas na pag-chant ni Gunther. Paulit-ulit n'ya itong binabanggit sa seryosong tinig hanggang sa unti-unting nagkaroon ng liwanag mula sa gitna ng puno. Maliit ito hanggang sa lumaki at lumawak sa bawat pagbigkas ni Gunther dito. Nagporma na ito ng bilog na katulad ng napapanood ko sa pelikula ng tinigilan ni Gunther ang pagsasalita at nangungunang tinawid iyon. Nagsisunod na rin sila Princess Cruzette, Rhie, maging si Elle ay nanguna na patungo doon. Inilibot ko ang tingin at napansin si Alessia na tila nanigas sa kinatatayuan. Marahan ko itong hinawakan sa braso ngunit nagpumiglas lamang ito. "A-Ayaw ko," pigil n’ya ng maramdaman ang paghawak ko sa kan’ya. "Kailangan mong gawin ito, Alessia. Lalo pa at isa ka sa amin," mahinahong pahayag ko at pilit s’yang hinila patungo roon. "Ayoko!" malakas na sigaw n’ya. Hindi ko alam ang nangyari dahil kasabay ng pagsigaw n’ya ay ang paglakas ng hangin sa paligid at isang malakas na puwersa ang tumama sa akin dahilan para magdire-diretso ako patungo sa portal. Nanlaki ang aking mata ng marealize ang nangyayari. Ang huli ko na lamang nakita ay ang akmang pagtulong nito sa akin bago ako tuluyang higupin ng portal palayo sa kan’ya. Isang nakakahilong byahe ang inabot ko dahil na rin sa hindi maayos kong pagpasok dito. “Ugh…” Napahawak ako sa ulo habang lulugo-lugong tumayo mula sa puwesto. Pakiramdam ko ay may lalabas sa aking lalamunan kung kaya’t agad akong yumuko para isuka ito. “Blaah!” Amoy ko pa ang pinaghalong asim at ulam kanina na inilabas mula roon. Nakakadiri… Dahan-dahan kong itinaas ang ulo para lamang magulat sa aking nasaksihan. Isang tikbalang habang nakatapat sa akin ang dulo ng matalas na sibat na hawak n’ya. “May bago na naman tayong bihag.” Kumurba ang ngisi sa mga labi nito habang idinidiin ang patalim sa aking leeg. Ramdam ko ang tulis noon dahil sa bahagyang pagkasugat at paglabas ng dugo sa parteng iyon. “Tigilan mo ‘yan, Paulo. Ibibigay natin s’ya ng buhay kay Mistress Eun…” Napabaling ako ng tingin sa bagong dating. Hindi ko ito kilala pero base sa kan’yang itsura ay hindi s’ya kasali sa lipi ng mga kakaibang nilalang dahil isa s’yang tao. Isang mortal na tao… “Xyrza naman, nagbibiro lang ako.” Nakangiti ngunit may diin na sambit nito habang tinatalimn ako ng tingin. Ibinaba n’ya ang hawak na sibat at tinalikuran ako. “H’wag kang magkakamaling ulitin ang kasalanan mo. Tandaan mong pumalpak ka sa misyon na dalahin ang Elita rito,” sabi nito bago tuluyang lumayo. Napabuntong hininga lamang ang tinawag na Xyrza bago ito tumungo sa aking harapan. “S-Salam—“ Bago ko pa maituloy ang sasabihin ay sinuntok na ako nito ng malakas at diniinan ang parte sa aking leeg dahilan para tuluyan akong mawalan ng malay. -- “N-Nasaan ako?” tanong ko habang inililibot ang tingin sa lugar. Madilim… Sobrang dilim… “M-May ibang nilalang ba rito?” dugtong ko pa ngunit katahimikan lamang ang sumagot sa akin. Katahimikan na nasira dahil sa isang malakas at nakakainis na pagtawa mula sa hindi kalayuan. “Hahaha! Anong swerte nga naman at isang guardian pa ang napadpad dito sa lugar na ito?” Dahan-dahan itong lumapit at ang bawat dinadaanan n’ya ay nagkakaroon ng apoy para mailawan s’ya. “Darius Shaw… Ang isa sa chosen guardian upang sugpuin kami.” Matalim ang titig nito sa akin na halos humalukay sa kaloob-looban ko. Tumawa ito ng marahan bago muling magsalita. “Ang tanong ay…” Lumapit ito sa aking gilid at ibinulong ang mga katagang nagbigay kilabot sa aking pagkatao. “Kaya n’yo ba kami?” Napuno ng tawanan sa silid. Dumadagundong ang tawa nito na parang ilang tao ang nasa loob dahil sa paiba-iba nitong boses. Mas inilapit n’ya pa ang mukha dahilan para mapaatras ako at magulat dahil sa malamig at malapot kong naaapakan. Dahil sa munting ilaw ay unti-unti kong ibinaba ang tingin at halos manlamig sa kinatatayuan ng makitang isa itong lawa ng dugo. “Nasa inyo lang ang Elita ngayon, pero kami pa rin ang magtatagumpay sa labang ito…” bigkas nito bago tuluyang mawala sa aking paningin. Kasabay ng kan’yang pag-alis ay ang pagkawala rin ng ilaw na kanina lamang ay tumatanglaw sa madilim na lugar na ito. Napabuwal ako at tuluyang napaupo sa lawa ng dugo. Pilit akong tumatayo ngunit kahit anong gawin kong pag-ahon ay lalo lamang akong lumulubog na tila may humihila sa akin pababa. “Hindi! Tulong!” malakas na sigaw ko ngunit tanging tawa lamang ang naririnig ko. Tuluyan na sana akong lulubog sa lawa ng dugo ng may isang kamay ang humila sa akin papalayo doon. Hirap na hirap ito pag-angat sa akin ngunit kinalaunan ay matagumpay n’ya akong nainangat at patakbong nilisan ang lugar na iyon. Humihingal akong napatingin sa kan’ya para lang matulala dahil sa aking nakita. Isang nilalang na nakatahi ang bibig… “Aah! P-Paano?!” hindi ko alam ang sasabihin lalo na ng tinakpan n’ya ang aking bibig upang hindi makagawa ng ano mang ingay. “Mmmm!” Nanlalaki ang kan’yang mata habang pilit nagtatago sa isang masikip na poste dahil sa papadaang kawal sa aming harapan. Napasinghap ito ng makalayo sila sa banda naming. “S-Sino ka? Anong klaseng nilalang ka at bakit ganiyan ang bibig mo?” tanong ko rito. Malungkot itong napatungo at pilit iniwas ang tingin sa akin. “Iyon sila! Hulihin n’yo bago pa tayo malagot kay Mistress Eun!” Mabilis na tumakbo sa aming direksyon ang tropa ng mga tikbalang at ibang klaseng nilalang. Agad kong hinaltak ang babaeng katabi ko at patuloy na tumakbo sa pasikot-sikot na hallway ng lugar na ito. “Aah!” impit kong daing ng tamaan ako ng pana sa likod. Nilingon ko ang pinanggalingan nito ngunit isang nilalang na nababalutan ng itim na coat ang tumambad sa akin. Mabilis itong tumakbo palayo bago ko pa man makita ang kan’yang mukha. “Hmmp!” daing ng katabi ko ng may sumipang tikbalang sa kan’ya. Pinakatitigan ko ito at napakuyom ng kamao ng makilala kung sino s’ya. “Paulo!” galit na sigaw ko at sinugod ito. Bumalik s’ya sa pormang tao at nakipag-balibagan sa akin. Mahigpit kong hinawakan ang kan’yang braso at pinilipit ito patalikod. Napadaing ito ngunit sinipa ako mula sa likod dahilan para mabitawan ko s’ya. Sa kabilang banda, ang babaeng kasama ko ay may kaharap na isang mangkukulam. Ang itim nitong buhok at matalas na kuko ay nakikipagkalmutan sa balat ng babae. Tutulungan ko n asana s’ya nang daganan ni Paulo ang aking katawan. Ramdam ko ang pagtunog ng aking mga buto habang nagpapaikot-ikot kami sa damuhan. “Hindi kayo makakawala dito!” gigil na sigaw n’ya at sinuntok ako sa mukha. Hindi ko iyon nasalag kaya’t nagdire-diretso iyon sa aking panga. Hindi pa man ako nakakabawi ay pinaulanan akong muli nito ng suntok sa iba’t-ibang bahagi ng katawan. “Hindi ka na makakabalik sa Caelum dahil ililibing kita ng buhay dito!” galit na sigaw n’ya at iniangat ang kamao. “Ama, tulungan n’yo po akong makaalis sa lugar na ito…” mahinang usal ko. Ramdam ko ang mainit na bagay na lumulukob sa aking pagkatao. Binigyan ako nito ng panibagong lakas para makatakas dito. Bago pa man tumama ang kan’yang kamao ay nasalo ko na ito at mahigpit na hinawakan. Nanlalaki ang kan’yang mata habang pilit na inilalaba ang kan’yang kamay na hawak ko. Nginisian ko lamang s’ya at mabilihs na pinihit ang kamay nito. Kami naman ang nagkabaliktad ng puwesto. Wala akong inaksayang sandal at ibinalik sa kan’ya ang ginawa n’ya kanina. Suntok dito, suntok doon. Kita ko ang pag-agos ng dugo sa kan’ya at pilit na pagpalag ngunit wala itong laban sa panibago kong lakas ngayon. Susuntukin ko na itong muli ngunit agad akong napatigil dahil sa mahahabang kuko na bumaon sa aking likuran. “Aah!” hiyaw ko. Ang lakas na nararamdaman ko kanina lang ay nawala na parang bula. Mabilis na nakatayo si Paulo at pinaulanan akong muli ng suntok at sipa. Mas mabigat na ang pag-atake nito ngayon dahil sa galit at gigil na nararamdaman. Ramdam ko ang labis na pagkahina habang dumadausdos pababa ang aking katawan. Pinagsisipa ako nito hanggang sa mapunta ako sa puwesto ng babaeng tumulong sa akin kanina. Duguan na rin ito at maraming kalmot sa katawan. Tinitigan ako nito sa mata habang mahigpit na nakahawak sa aking kamay. Ramdam ko ang panginginig n’ya at mahihinang ungol dahil sa mga salitang hindi lumalabas sa bibig n’ya. Binalot kami ng isang matinding liwanag na ikinapikit ko rin. Ang huli ko na lang naramdaman ay ang paghalik nito sa aking noo at ang mga katagang narinig ko sa aking isipan bago ako tuluyang mapasok sa isang portal. Dahan-dahan kong iminulat ang mata at napansin ang mga pamilyar na mukha habang lumalapit sa aking direksyon. “Si Darius Shaw! Tawagin n’yo ang mga healer!” Nagkakagulo ang mga ito habang papalapit sa aking puwesto. Naaninag ko pa ang pagbukas ng isang portal hindi kalayuan rito at ang paglabas ng isang tao roon. Nag-lock ang paningin ko sa kan’ya habang mabilis s’yang nagtungo sa aking direksyon. Hinawakan n’ya ako sa noo at muli na namang binalot ng liwanag. Ramdam ko ang pagpasok ng enerhiya sa aking katawan, ngunit hindi ko ito nagugustuhan. May parte sa akin na nagta-traydor habang pinapaalala ang sinabi ng babae kanina. Ramdam ko ang pagbalik ng aking lakas at ang pagkahimatay ng tao sa aking harap. “Prinsesa!” sigaw ko at sinalo ito. Agad s’yang sinaklolohan ng mga healer at dinala sa gamutan. “Sumama ka sa akin…” seryosong sambit ni Alessia at hinila ako palayo sa lugar na iyon. Napadpad kami sa isang bahagi ng Caelum kung saan wala gaanong tao. Ilang minutong katahimikan ang nanaig bago ako nagsalita. “Paano mo nagawa iyon?” seryosong tanong ko sa kan’ya. Sa dami ng nangyayari ay isa pa ring palaisipan sa akin ang nagawa nito kanina. “Hindi ko alam.” Seryoso ito habang nakatingin sa malayo. Wala man akong mabasa na kahit anong ekspresyon sa kan’ya ay alam kong nagsasabi ito ng totoo. “Totoo bang isa ka lang na mortal na napabilang dito?” tanong ko sa kan’ya. Napangisi lamang ito ngunit hindi ako sinagot. Nakakapagtaka. Kung isa lang s’yang mortal, dapat ay hindi s’ya nakapasok dito. Hindi rin s’ya poprotektahan ni Lucas at lalong hindi kami magsasakripisyo ng kasamahan dahil lamang sa kan’ya. Bukod sa magaspang n’yang ugali noong una naming s’yang makasama, totoong nakakapagtaka kung paano ito napabilang sa amin. “Malalaman rin ng lahat ang totoo, Alessia,” seryosong sambit ko rito at nginisian s’ya habang papasok kami ng infirmirary. Napabalik ako sa realidad ng makita ang taong gulat na gulat sa aking sinabi. “D-Daemon?” nauutal nitong sambit. Nginitian ko lamang s’ya at hinawi ang buhok. Pinakatitigan ko ito sa mata. “Oo. Sa kulungan sa lugar na iyon. Alam kong isa itong akademya dahil may mga estudyante akong nakikita habang tumatakas roon.” Ikinuwento ko kung paanong nagising akong nasa lugar na iyon at nakikipaglaban sa tikbalang na nagngangalang Paulo. “At alam mo, tinulungan ako ng isang nilalang roon. Hindi ko lang nalaman ang pangalan n’ya dahil na rin sa nakatahi nitong bibig.” Napasinghap ito dahilan para mabalik ang atensyon ko sa kan’ya. “Bakit masyado kang gulat, prinsesa?” naninimbang na tanong ko sa kan’ya. Kita ko ang pagkawala ng kulay sa kan’yang mukha dahil sa sinabi ko. Napatawa ito ng pagak at saka ako sinuri mula ulo hanggang paa. “Napasama ka lang sa Alessia na iyon ay naging gan’yan ka na. Hindi ba ako puwedeng magulat dahil alam nating lahat kung gaano kadelikado ang mga tao doon?” Napatango na lamang ako at muling humalik sa kan'yang noo bago tumayo mula sa aking puwesto. “Aalis na ako para makapagpahinga ka, prinsesa Cruzette. Salamat sa pag-gamot sa akin,” huling sabi ko bago tuluyang lumabas ng silid. Ayaw ko mang aminin pero may impact ang mga binitawang salita ng babae kanina bago ako tuluyang dalahin papunta rito. “Kilalanin mo kung sinong pinagkakatiwalaan mo, Darius. Hindi lahat ay totoo… Iligtas n’yo ako rito.”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD