bc

The Billionaire's Escort

book_age18+
8
FOLLOW
1K
READ
forbidden
escape while being pregnant
mafia
drama
like
intro-logo
Blurb

Tatlong taong gulang pa lamang si Gabriella nang iniwan na siya ng kaniyang mga magulang. Tanging ang lola niya na lamang ang tumayong magulang niya hanggang sa siya ay magdalaga. Lahat ng gusto niya ay binigay sa kaniya ng kaniyang lola kahit hirap din ang lola nya dahil sa katandaan sinikap niya na ibigay ang lahat ng pangagailangan ni Gabriella.

Maayos ang lahat, ang buhay niya kasama ang kaniyang lola dahil wala siyang naramdamang kakulangan sa buhay niya kahit pa iniwan siya ng kaniyang mga magulang dahil lahat ay pinunan ng kaniyang lola hanggang sa isang araw pati ang kaisa-isang tao sa buhay niya at nag-iisang karamay niya ay nawala. Ngayon, hindi alam ni Gabriella kung paano sisimulan ang panibagong umaga na siya na lamang mag-isa sa buhay. Sa panahong ito niya kailangan ang kaniyang mga magulang ngunit wala ang mga ito upang damayan at samahan sya sa pagluluksa.

Sinikap niyang magpatuloy sa buhay at tuparin ang mga pangarap nila ng kaniyang lola ng mag-isa at ito ay ang makatapos sya ng pag-aaral sa isang maayos at pribadong paaralan at magkaroon ng magandang buhay at makabuo ng pamilya kasama ang lalaking magmamahal sa kaniya ng buong-buo. Sa bagong pagsubok na kinakaharap ni Gabriella, hahamakin niya ang lahat makamit lamang ang pangarap na makatapos ng pag-aaral, gagawin niya lahat ng paraan.

"Thirthy thousand din yun beshy, sayang naman tsaka ang ganda mo at ang kinis madali ka lang kikita, kahit panga siguro holding hands lang gawin mo bayaran ka na nila ng malaki" pangungumbinsya ng kanyang kaibigan.

"Pero besh, ayaw ko. Tsaka estudyante tao, paano kung may makakita sa atin at isumbong tao sa paaralan, nakakahiya at baka patalsikin din tayo" tugon ni Gabriella.

"Bayaran na ng tuition bukas, sa tingin mo saan ka makakakuha ng pambayad? besh, wala ka ng trabaho. Diba? Tinanggal ka na don sa pinagtratrabahuan mo dahil palagi ka na lang late kundi ka absent dahil sa hectate ng schedule, subukan mo lang, hawak mo pa oras mo dito at sigurado akong hindi ka na mahihirapan sa pag-aaral mo." patuloy na pangungulit ng kaibigan nyang si Gean.

Naisip ni Gabriella ang mga litana ng kaniyang kaibigan at tama ito bayaran na ng tuition nila bukas at wala siyang ipon dahil pinambayad niya ang huling sahod niya sa trabaho doon sa inuupahan niyang maliit na kwarto .

"Baka ito na nga ang tanging paraan para makapagtapos ako sa paaralang iyon, at para matupad ko ang isa sa pangarap namin ni lola" sa isip ni Gabriella.

"Segi besh, gagawin ko na. Bahala na anong mangyari. Ang gusto ko lang makapagtapos ng pag-aaral" turan niya sa kaniyang kaibigan.

"Papayag ka rin pala kailangan mo pa ng mahabang pangungunsinti, halika na't mag-aayos tayo, aayusan kita at isasama kita sa lakad ko para makilala ka ng mga kakilala kong mayayaman na lalaki" excited na sabi ni Gean.

Pinasok nga ni Gabriella ang pagiging escort, kung kani-kanino siya sumasama. Pinapasaya niya ang ibang tao gamit ang kaniyang sarili, sa bawat kasiyahan ng mga lalaki ay ang kalungkutan ni Gabriella, iniisip niya na kung kasama kaya niya ang kaniyang mga magulang. Mangyayari kaya lahat ng ito sa kaniya. Ngunit sadya nga talagang iba maglaro ang tadhana dahil susubukin ang tatag mo para sa katuparan ng mga pangarap mo.

Kumikita si Gabriella ng malaking halaga sa loob lamang ng isang gabing pagpapaligiya sa mga mayayamang lalaki. Hindi na siya nahihirapan sa pagbabayad sa paaralan at hindi na niya nauutang ang bayarin niya sa kaniyang inuupahan. Nag-iisip na rin siya na maghanap ng mas malaki at komportableng matutuluyan.

Total at nasimulan na ni Gabriella, lulubusin niya na lamang ang benefits ng trabahong pinasok niya. Sayang din ang malaking kinikita niya kung magtitiis pa siya sa masikip at mainit na tinitirhan niya. Gusto niya ulit maranasan ang kaginhawaan na naranasan niya lamang noong nabubuhay pa ang kaniyang lola, naibenta niya ang bahay ng lola niya mula ng mamatay ito para sa gastusin sa burol nito dahil wala siyang naging katulong sa pag aasikaso sa libing ng kaniyang lola. Mula noon naghanap siya ng mauupahan at yung maliit, masikip at mainit na kwarto ang kaya lamang ng kaniyang budget.

Saan kaya dadalhin ng desisyon nya si Gabriella, makakatulong nga ba ang desisyon niyang ito sa pagbabago ng kaniyang buhay? Magiging maganda kaya ang buhay niya sa pamamagitan ng pagiging escort girl?

Sa buhay, hindi lahat puro saya lamang, ito ang realidad. Maraming pagsubok ang kailangan natin pagdaanan para mas maging malakas at matatag tao bilang tao. Hindi lamang umiikot sa iisang bagay ang mundo. Maraming bagay ang kailangan mong pag-aralan at matutunan na siyang gagamitin mo sa bawat araw na hamon ng buhay.

Sa bawat sakit at luha mas lalo tayong lumalakas. Ito ang pundasyon ng buhay. Ang karanasan na siyang nagbibigay lakas upang patuloy tayo na lumaban. Lalo na sa mga taong may pangarap sa buhay hindi sila matitinag ng mga sinasabi ng ibang tao, kasi hindi ang opinion ng ibang ang magdedekta ng magiging buhay natin kundi tayo.

chap-preview
Free preview
Kabanata l
"Lola, asan po sina mama?", tanong ni Ella sa kanyang lola. Simula ng mamulat sa mundo at nagkaisip si Ella ay hindi nya man lang nakita ang kaniyang mga magulang, tanging ang larawan na lamang ng mga ito noong kasal nila ang nakita niya, yun lamang ang pagkakakilanlan niya sa kaniyang mga magulang. "Ah, eh apo bakit mo sila biglang natanong? diba sabi ko sayo wala na sila at hindi na sila babalik. Ba't bigla mo ata silang hinahanap?", balik tanong sa kanya ng kanyang lola Talia. "Birthday ko na po bukas at pitong taon na po ang lumipas nung iniwan nila ako, at hanggang ngayon hindi panrin pon sila bumabalik. Siguro po hindi na talaga nila ako naaalala, Sorry lola, hayaan niyo po. Simula ngayon ay hindi ko na po sila kailanman hahanapin. Masaya na po ako na kasama ko kayo at kuntento na po ako" sambit ni Ella at sabay halik sa pisngi ng matanda. Sumapit na nga ang kaarawan ni Ella, sobrang saya niya at kasama na naman niya ang kaniyang lola at ang matalik na kaibigan na si Gean, isa na ring ulila si Gean at siya ay naninirahan sa tiyahin niyang ubod ng sama ng ugali. Masayang sinalubong ni Ella ang kaniyang ikasampung kaarawan kasama ang dalawang espesyal na tao sa buhay niya. Walong taon ang lumipas at sa loob ng panahong iyon ay hindi naramdaman ni Ella ang kakulangan sa buhay nya dahil sa pag-aaruga at pagmamahal ng kaniyang lola. Nag-aaral siya sa isang pribadong paaralan at mayroon siyang maayos na buhay. Ngunit salungat sa mga kaarawan niya sa lumipas na mga taon, sa ikawalong kaarawan ni Ella ay tila gumuho ang kaniyang mundo. Dahil sa pagsalubong niya ng kaniyang kaarawan ay ang paglisan ng kaniyang pinakamamahal na lola sa mundo. Hindi alam ni Ella ang gagawin, para siyang napilayan. Wala siyang matatakbuhan kasi maski ang kaniyang kaibigan ay wala sa tabi niya ng panahong iyon. Wala siyang kamag-anak na malalapitan, siya lamang mag-isa ang umasikaso sa burol ng kaniyang lola maging ang bahay na tanging ala-ala ng kaniyang lola ay kailangan niyang isangla para may panggastos siya. Nawala ang lahat kay Ella, pati ang natatanging nagsilbing magulang sa kaniya ay nawala na rin. Matapos ang burol ng kaniyang lola, naghanap si Ella ng matutuluyan gamit ang natirang pera sa pinagsanglaan niya ng kanilang bahay. Umalis si Ella sa kanilang lugar at pumunta sa lugar kung saan walang nakakakilala sa kaniya. Sa Matalam naisipan ni Ella na maghanap ng trabaho at magsimula ng panibagong buhay na mag-isa. Mahirap man ay pilit niyang kinakaya para sa kaniyang lola, ayaw niya itong mabigo kaya handa siyang gawin lahat para sa kanilang pangarap, kasalukuyan ding bakasyon at sa susunod na pasukan ay kolehiyo na si Ella. Balak niyang maghanap ng pribadong eskwelahan na pwede niyang mapasukan. At sa natitirang buwan ay gagamitin niya upang makapaghanap ng trabaho para sa kaniyang enrollment. Kung ano-anong trabaho ang pinasukan ni Ella, naglalabada, naghuhugas ng mga plato sa karendirya at kung ano-ano pa na pwede niyang pagkakitaan. Sumasama rin siya paminsan doon sa baklang kasama niya sa trabaho sa may karinderya upang sumideline sa pag-aayos sa mga babaeng sumasali sa mga beauty contest. Kahit papaano ay nakakadagdag ito sa pag iipon niya. "Oh Ella, gabi ka na naman naka uwi, inaabuso mo naman ata yang katawan mo. Pahinga ka rin minsan, alam kong mahirap ang buhay lalo't ikaw lang mag isa at nagbabalak ka rin mag-aral. Baka bumigay yang katawan mo sige ka ikaw rin ang kawawa", nag-aalalang sabi ng isa sa mga kasama niyang nangungupahan. "Opo ate, kaya ko pa naman po, tsaka kailangan kong mag-ipon, malapit na rin ang enrollment", sagot niya. Ate ang tawag niya sa mga kasama niyang boarder dahil halos lahat ay matanda sa kaniya at lahat nagtratrabaho na. Siya lamang itong nag-aaral or Working student sa lahat ng nangungupahan. "Oh Ella, ba't 'di mo kaya subukang sumali sa mga beauty contest total ang ganda mo naman tsaka tignan mo yang katawan ko parang hindi katawan ng isang eighteen years old ang ganda ganda pwede ng gawing model." sabi ni Sham na kaibigan niyang bakla pagdating na pagdating niya sa kaniyang inuupahang bahay. Malaking bahay ang kanilang tinitirhan dahil isa itong lumang bahay ng isang kilalang pamilya sa Matalam, marami rin itong kwarto nagkataon lamang na maid's quarter ang nakayanan ni Ella. "Hoi Sammy, manahimik ka nga dyan, alam mo naman na halos wala ng pahinga to si Ella sa dami ng raket niya tapos dadagdagan mo pa." kontra naman ni Ate Des. Sya ang pinaka ate nila nangungupahan ito kasama ang kaniyang kambal na anak, lalaki at babae. "Bakit ka nga ba halos magpakamatay na sa pagtratrabaho Ella, eh wala ka namang binubuhay?" tanong naman ni Sham sa kaniya. "Eh kasi, gusto kong mag enroll ngayong pasukan sa Matalam State Academy, pangarap kasi ni lola yun, ang makapagtapos ako sa isang pribadong paaralan. Kahit sa ganong paraan lang mapasaya at masuklian ko lahat ng sakripisyo niya sa akin." mahabang paliwanag ni Ella sa mga kasama. "Hay nako Ella, kung bakit kasi nakayanan kang iwan ng mga magulang mo sa murang edad, pero siguro may dahilan sila kung bakit nila yun ginawa yun nga lang sila lang ang makapagsasabi kung sakaling magtagpo ulit kayo", sabi ng kanilang ate Des. Naikwento ni Ella ang buhay nya sa mga kasamahan dahil na rin sa kalasingan nito, hindi niya ugaling maglasing pero ang kukulit ng mga kasama niya at nasa tamang edad na naman daw siya kaya pwede ng uminom. Kaya ayon nagkwentuhan sila at biglang napunta sa buhay niya ang usapan. Doon nagkwento siya, kung paanong wala siyang mga magulang na kinalakihan at kung bakit mag-isa na lamang siya sa buhay. "Oh! sya, pumasok na kayo sa sari sarili ninyong kwarto at magpahinga na tayo, panibagong hamon na naman ang haharapin natin bukas, lalo ka na Ella, magpahinga ka na alam kong madaling araw pa lang umaalis ka na para simulan ang panibagong umaga mo bilang isang strong independent women", mahabang sabi ni Sham o Sammy na siyang dahilan ng kanilang tawanan. Tapos na sa night routine niya si Ella at kasalukuyan na siyang nakahiga sa kanyang maliit na kama. Hindi siya makatulog dahil namimiss niya ang kaniyang lola. "La, kung sana andito ka hindi sana ako nahihirapan ng ganito. Miss na miss na kita lola, pangako gagawin ko lahat matupad lang ang pangarap mo sa akin." kausap niya sa litrato ng kaniyang lola. "Laban lang Gabriella Ellize Imperial, walang pagsubok na hindi mo kayang harapin. Laban para sa pangarap! Fighting!" pagpapalakas niya sa kaniyang loob at tuluyan na siyang hinila ng antok.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

The Luna He Rejected (Extended version)

read
614.5K
bc

His Unavailable Wife: Sir, You've Lost Me

read
10.6K
bc

Claimed by my Brother’s Best Friends

read
820.5K
bc

Secretly Rejected My Alpha Mate

read
35.9K
bc

The Lone Alpha

read
125.6K
bc

Bad Boy Biker

read
8.7K
bc

The CEO'S Plaything

read
19.4K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook