Kabanata 31

2331 Words

HINDI mapigilan ni Badong ang mapaluha. Ilang oras na ang nakakalipas mula nang matapos ang gulo sa bahay ng mga Mariano dahil sa ginawa nilang pagtatapat ni Soledad. Ngunit hanggang sa mga sandaling iyon ay sariwa pa rin sa alaala ni Badong ang mga masasakit na salitang natanggap mula sa ama ng kasintahan. Natakpan niya ang mga mata at napahagulgol ng iyak. Nakagisnan ni Badong na tinuruan at pinalaki siya ng mga magulang na magkaroon ng tiwala sa sarili, na kahit anong estado sa buhay ng isang tao, lahat ay pantay-pantay. Sa unang pagkakataon ay bumaba ang kompiyansa niya sa sarili. Ngayon lang sa tanan ng kanyang buhay na naging maliit ang tingin ni Badong sa sarili. Sa isang iglap ay naramdaman at nakita niya ang laki ng agwat ng kanilang estado sa buhay. At hindi niya napigilan ang s

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD