MADILIM pa nang makarating sila sa bahay ni Ricardo. Mula sa San Fabian ay doon sila nagtungo sa kabisera ng probinsya ng Rizal, ang Pasig, kung saan ayon sa dalawa ay mas ligtas at tiyak na hindi sila masusundan ng kahit sino. Pagbaba ng sasakyan ay bumungad sa kanila ang madilim na kapaligiran. Naririnig niya ang tunog ng mga dahon at halaman mula sa paligid dahil sa ihip ng malamig na hangin. Samantala hindi pa rin mawala ang bigat sa dibdib ni Soledad. Ang kanyang kalooban ay hindi pa rin mapanatag. Tila ba naiwan ang isip sa San Fabian at inaalala ang magiging reaksyon ng mga magulang sa ginawa nilang pagtatanan. “Halina’t pumasok kayo,” sabi ni Ricardo. Sumunod sila ni Badong at bumungad sa kanila ang isang malawak na bakuran ngunit may ilan mga bahay sa loob na katamtaman ang

