HINDI maintindihan ni Soledad ang una niyang mararamdaman sa mga sandaling iyon. Magkahalong saya at lungkot ang naghahari sa kanyang damdamin. Dumating na sa wakas ang pinakahihintay nilang araw ni Badong. Ang araw ng kanilang pag-iisang dibdib. Maraming salamat kay Ricardo at sa asawa nitong si Amor na tumulong sa kanila na mapadali ang proseso ng lahat. Ngunit sa kabila ng masayang araw na iyon, kalakip niyon ay bigat ng damdamin at kalungkutan dahil wala ang kanilang pamilya para masaksihan ang espesyal na sandali sa buhay nilang dalawa ni Badong. Ang tanging saksi sa kanilang pag-iisang dibdib ay si Ricardo at ang asawa nito, kasama pa ang dalawa pang kapitbahay nila doon. Ang suot ni Soledad sa araw na iyon ay ang bestidang binigay sa kanya ni Badong pagkatapos ay pinahiram siya

