MAY kaba na naupo si Soledad sa isang mahabang kahoy na upuan sa ilalim ng mataas na puno habang mahigpit ang hawak sa isang sobre. Mula iyon kay Ising at natatakot siya sa maaaring mabasa. Bago buksan ay huminga muna siya ng malalim pagkatapos ay hinanda ang sarili saka sinimulan basahin iyon. Hindi niya napigilan ang sarili na lumuha habang binabasa ang nilalaman ng liham. Sinundot ang kanyang konsensya sa mga nalaman, sa isang iglap ay pakiramdam niya’y isa siyang makasarili. Ngunit kung hindi sila nagtanan ni Badong, baka sa mga sandaling iyon ay kinasal na sila ni Arnulfo at miserable ang kanyang buhay. Nasa ganoon sitwasyon siya nang biglang dumating si Badong. Mabilis niyang pinahid ang mga luha at nagpaskil ng ngiti nang salubungin ang asawa. “Mahal,” salubong nito sa kanya pag

