Kabanata 55

2075 Words

“BAKIT mo kailangan magpaiwan dito?” tanong ni Abel sa kanya. Pinunasan niya ang luha at pilit na kinalma ang sarili. Marahas siyang bumuntong-hininga. “Kung sasama ako at prente akong uupo doon habang kayo ay narito, nakikipaglaban at nilalagay sa bingit ng kamatayan ang buhay. Sa tingin mo ba makakatulog ako ng mapayapa?” “Badong, may asawa ka. May naghihintay at nag-aalala sa’yo. Samantalang ako ay walang asawa. Kahit mamatay ako, walang iiyak para sa akin.” Tumingin siya ng deretso sa kaibigan. “Mali ka roon, Abel. Hindi dahilan na wala kang asawa para ibuwis mo ang buhay mo. Nariyan ang mga magulang at kapatid mo na naghihintay sa’yo. Paano kung may isang dalagang lihim kang iniibig at nagdarasal para sa kaligtasan mo? Lahat ng Pilipino ay may karapatan mabuhay.” Ngumiti sa

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD