SA pagkamatay ng sanggol sa sinapupunan ni Soledad, labis na pighati at pagdadalamhati ang hatid niyon sa kanilang mag-asawa. Matapos siyang magising sa pagamutan, nagkapira-piraso ang kanyang mundo nang malaman ang masamang balita. Mula noon ay wala siyang ginawa kung hindi ang umiyak at magluksa sa pagkawala ng anak. Ngunit kung gaano kasakit para kay Soledad ang nangyari, dobleng sakit ang naging hatid niyon kay Badong. Hindi pa nagtatagal mula nang mamatay sa isang iglap ang buong pamilya nito. Ngayon naman ay ang binawi sa kanila ay ang walang muwang na sanggol sa kanyang sinapupunan. Bartolome Mondejar Jr. Iyon sana ang ipapangalan nila sa bata sapagkat lalaki ito. Ang una nilang anak na magpapalawig sana ng apelyidong Mondejar. Ngunit maaga itong binawi sa kanilang mag-asawa. Mat

