SA gitna ng madilim na paligid, sa likod ng malalaking puno nakakubli ang mga matang mapangmatyag. Naghihintay sa pagdaan ng kanilang mga pakay. Dahan-dahan binunot ni Badong ang kanyang patalim nang mamataan ang apat na sundalong hapon na naglalakad. Agad siyang lumingon sa mga kasamahan at tinuro ang mga paparating. Gaya ng napagkasunduan, hangga’t maaari ay walang gagamit sa kanila ng baril. Nakatago at nakakalat iyon sa paligid ng buong barrio. Gagamitin kung kailan lang kailanganin. Ngunit hangga’t maaari ay aatake sila ng tahimik at hindi malalaman ng lahat. Sa ganoon paraan sila lalaban. Unti-unti nilang uubusin ang mga sundalong hapon hanggang sa wala ng matira sa mga ito. Nang bahagyang makalagpas ang apat na sundalong hapon ay saka nila ito inakate mula sa likod. Sila ni Abel

