HUMINGA ng malalim si Badong matapos niyang gawin unan ang isang braso. Nang kumilos ang himbing nang natutulog na asawa ay saka siya napalingon dito. Tumagilid siya ng higa at maingat na hinawi ang buhok nitong tumabing sa mukha. Wala sa loob na napangiti siya nang titigan ang maamong mukha nito habang tulog. Inalis niya ang isang braso sa pagkakaunan at hinila si Soledad saka doon pinaunan ito at niyakap ito. Agad naman yumapos sa kanyang beywang ito at sumiksik sa kanyang dibdib. “Hanggang sa pagtulog ay hindi pa rin nagbabago ang iyong kagandahan, mahal ko,” mahinang sabi niya. Mahina itong umungol at lalo siyang niyakap ng mahigpit. “Huwag mo ‘kong iiwan,” tila nanananiginip na sabi nito. Marahan siyang natawa at hinalikan ito sa noo. “Narito lamang ako,” sagot niya na par

