“MAHAL, nakahanda ka na ba?” tanong ni Badong sa kanya matapos itong kumatok sa pinto ng kanilang silid. “Oo, nariyan na!” Mabilis na lumabas si Soledad at ngumiti sa asawa. Bahagya siyang natigilan nang makitang nakatitig sa kanya si Badong pagkatapos ay napailing. “Simple lamang ang iyong kasuotan ngunit bakit kasing tingkad ng araw ang kagandahan mo?” pabirong tanong nito. Natawa siya at tinulak ito. “Hayan ka na naman sa mga pambobola mo, Badong.” “Tignan mo ito, bakit palagi kang hindi naniniwala sa sinasabi ko?” Muli na naman natawa si Soledad at kinintalan ito ng halik sa labi. “Biro lang, naniniwala naman ako.” Matapos makipagbiruan sa asawa ay agad siyang nagpaalam sa ina. “Mama, aalis na ho muna ako.” “Mag-iingat ka, anak ha? Iyang tiyan mo.” “Oho.” Inalalayan

