LINGGO. Ganap na alas-siyete ng umaga nang gumayak sila papunta sa simbahan. Kasama ang buong pamilya ni Badong at Soledad ay gumayak silang lahat at nagtungo sa simbahan. Ang mga matatandang kababaihan ay nakasuot ng tradisyunal na baro’t saya. Habang silang mga nasa kabataan ay mga pormal na bestida at may nakapatong na belo sa ulo. Ang mga matatandang kalalakihan ay nakasuot ng barong. Pagdating sa bayan ay nagkalat ang mga sundalong hapon. Agad namataan ni Soledad si Hiroshi kasama ang Pilipinong babae na tagapagsalin nito ng salita at iba pang sundalo na mataas ang posisyon. Bago makalapit ay nilipat siya ni Badong sa kabila nito at hinawakan ang kamay. Pilit na sinusubukan harangan siya mula sa paningin ng hapon na iyon. Pagdaan nila sa tapat ng mga ito’y yumuko sila bilang pagbati

