NAGISING si Soledad mula sa siesta nang hapon na iyon bandang pasado alas-kuwatro. Paglabas ng silid ay agad hinanap ng kanyang mata ang asawa. Sa kanyang pagkakatanda ay katabi niya ito kanina at sabay silang natulog. “Badong?” tawag niya ngunit walang sumasagot sa kanya. Sa pag-iikot sa bahay ay kanya rin napansin na tila wala roon ang karamihan maliban sa ilang kasambahay. Pabalik na sana siya sa silid nang biglang lumabas ng kanyang silid si Ising. “Oh, Soledad. Mabuti at gising ka na, hala’t bilisan mo at ikaw ay magbihis,” sabi nito. “Bakit? Saan ang tungo natin?” tanong pa niya. “Sa ilog.” “Anong gagawin natin doon?” “Mamamasyal.” Huminga siya ng malalim nang maalala ang kanilang tagpuan ni Badong. Kaytagal na niyang nais na bumalik doon at muling masilayan ang lugar n

