NAPAISIP ng malalim si Badong matapos matanggap ang telegrama mula kay Ricardo. Laman niyon ang sagot sa kanyang tanong tungkol sa kalagayan ng Maynila sa mga sandaling iyon. Naguguluhan ang kanyang isipan at hindi makapag-desisyon kung iuuwi ba niya ng Maynila ang kanyang mag-ina o mananatili pansamantala doon sa San Fabian. “Oh, Badong, bakit tila yata kay lalim ng iniisip mo?” puna sa kanya ni Donya Juana. “Mama, nariyan pala kayo.” “Anong gumugulo sa isipan mo?” tanong nito. Bumuntong-hininga si Badong. “Dumating na ho kasi ang sagot ng kaibigan ko. Kinumusta ko ang lagay ng Maynila ngayon at sinabi niya na sa ngayon ay ligtas ang Maynila mula sa hapon. Iniisip ko ho kung iuuwi ko doon si Soledad,” sagot niya. “Ngunit ang inaalala ko naman kapag naroon kami, hanggang kailan ligt

