NAROON si Soledad sa bahay ng mga biyenan ng umaga na iyon. Abala sila sa ginagawang kakanin na ibibigay sa mga mangagawa doon sa bodega kung saan naroon din si Badong. “Inay, ganito ho ba?” tanong pa niya. “Oo, ganyan nga, isalin mo lang pagkatapos haluin mo ng bahagya. Pagkatapos ay hayaan mo na itong si Isagani ang magtuloy ng paghahalo at baka mangalay ka,” sabi pa nito. “Opo,” sagot niya saka ginawa ang inutos ng biyenan. “Ate Dadang, ako na riyan, magpahinga ka na.” “Sige, salamat.” “Soledad, tawagin mo na si Badong at sabihin mo na magpahinga na muna,” utos ni Aling Selya. “Opo.” Agad siyang lumabas sa pinto doon sa kusina at dumiretso sa bodega na nasa likod-bahay. “Mahal!” Mabilis itong lumingon nang marinig siya. Agad sumenyas si Soledad na lumapit ito at agad

