WALANG pagsidlan ng saya si Soledad nang sa wakas ay matapos niya ang pagbuburda sa lampin na gagamitin ng kanilang anak. Sabik na siyang bumili ng mga damit na pangbata. Sabik na siyang makita kung sino ang kamukha ng kanilang anak. Para malibang ay binigyan siya ng gawain ng ina upang huminto siya sa paghabol sa asawa. Nanahi ito ng mga lampin at mga damit para sa kanyang anak pagkatapos siya binurdahan niya iyon. Dahil doon ay nawala ang kanyang pagkabagot at tuluyan hindi namalayan ang paglipas ng oras. “Ang gaganda nito, mama. Natitiyak ko na matutuwa si Badong kapag nakita ang mga ito,” masayang wika ni Soledad. “Sadyang mahal na mahal mo siya,” sa halip ay sagot nito. Napalingon si Soledad sa ina at ngumiti. “Sa amin dalawa ay mas nauna siyang nagmahal, ngunit pakiramdam ko

