SA MGA sumunod na araw ay nagbago ang takbo ng buhay ng mga taga-San Fabian. Malaya pa rin nakakalabas ang mga tao at tila normal pa rin dumadaan ang kanilang bawat araw. Ngunit nabalot na iyon ng takot. Kahit saan pumunta ay nagkalat ang mga sundalong hapon lalo na sa bayan nakabantay sa bawat kilos ng mga tao. Ang mga Pilipino ay inutusan na palaging magbigay pugay o galang sa mga hapon sa pamamagitan ng pagyuko. Mahigpit na pinagbawal ang pagrerebelde o paglaban sa mga sundalong hapon. Samakatuwid, tinanggalan ang mga Pilipino ng karapatan na ipagtanggol ang sariling bayan. Nang umagang iyon ay abala sa pagtulong si Badong sa talyer ni Mang Narding doon sa San Fabian. Pansamantala muna siyang doon magtatrabaho habang naroon sa probinsya habang nagtatrabaho pa rin sa kanilang bukid. Si

