Suminghap ako nang matantong ilang oras na rin pala kaming magkasama. At sa tinagal-tagal ng pamamalagi namin dito, hindi ko maisip kung may balak pa ba siyang lumabas o wala na.
Lumala pa nga yata ang lakas ng ulan. Mas lumamig pa ang paligid at nang sumilip ako sa labas, napansin kong medyo binabaha na ang daan. Minsan ay pasipol-sipol ang hangin. Medyo natatakot na ako pero si Carlo ay nakapwesto lang sa bintana na para bang sanay na sanay na siyang nangyayari ito.
“Tingin mo, anong oras ka aalis?” basag ko sa katahimikan. Nakatuko ang magkabila niyang kamay sa hamba ng bintana at nakatalikod mula sa akin. Samantala, ako naman ay simpleng nakaupo lang dito sa katre. Parang sirena lang na hindi makalakad.
Sumagot siya nang hindi lumilingon sa akin.
“Gusto mo talaga akong umalis huh?”
“I m-mean, hindi naman…”
“Hmm, kung hindi, bakit mo tinatanong ‘yan?”
“Masama bang itanong?”
This time, mula sa bintana ay dahan-dahan niyang inilingat ang tingin sa akin. May kung anong lumukso sa dibdib ko nang magtama na naman ngayon ang aming mga mata.
“Hahayaan mo ba akong umalis nang ganito kalakas ang ulan?”
Napalunok-lunok ako habang pinagmamasdan siya. Napapraning na naman ako dahil nakahain na naman sa paningin ko iyang pangangatawan niya. Hindi ba siya naiilang na nakikita ko siyang topless? God.
“Ikaw, bahala ka,” mahinahon kong sagot sabay salikop sa magkabilang kamay. Gayunpaman, kahit na medyo kinakabahan, pinanatili ko lang ang tingin sa kaniya.
“Mananatili ako.”
Hindi na ako nagulat. Siguro ay hindi na rin ako dapat mawindang kung makikitulog na rin siya rito sakaling abutin man ng gabi ang sama ng panahon. After all, hindi rin naman magiging problema iyon. Pwede naman ako matulog sa bangko at dito naman siya sa katre.
Akala ko ay iiwas na siya ng tingin at babalik na muli sa tinitingnan niya sa bintana. Pero ilang segundo ang makalipas ay nakatuon pa rin siya sa akin na para bang may sasabihin pa siya o may hinihintay pa siya sa akin.
Ibinali ko ang kanan kong kilay. “May sasabihin ka pa?”
Inangat niya ang isa niyang kamay saka hinimas ang patubong balbas sa kaniyang baba. Dahil dito’y nadepina ang kaniyang biceps. Pinanatili ko na lang ang diretsong eye contact sa kaniya upang hindi niya iyon mapansin.
Normal lang naman ito ‘di ba? I mean, sa babaeng gaya ko na hindi naman palaging nakakakita ng ganito noon, natural lang na maging ganito ang reaksyon ko sa tuwing nakikita ko siyang walang pang-itaas. Minsan humahanga, minsan naiilang. O pwede na ring parehas dahil naghahalo? Kailan kaya darating iyong panahon na balewala na lang sa akin ang ganito?
Daddy is a model. I’ve seen his shots on magazines at masasabi kong ka-lebel ito ni Carlo. Pero hindi gaya ni Carlo, hanggang sa picture ko lang namang nakikita nang ganoon si Daddy. Kahit na magkasama kami noon sa iisang tahanan, hindi naman siya gaya ni Carlo na pa-topless-topless sa kahit na anong minuto.
Katunayan, marami ngang mga kaklase ko noon ang nakikipagkaibigan sa akin dahil kay Daddy. Natatandaan ko pa nga na halos hindi ako magkanda-ugaga ng dala tuwing valentine’s day dahil maraming nagpapaabot ng kung ano-ano para sa kaniya. Daddy is so famous. At hindi na lingid sa kaalaman ng mga tao o ng mga fans niya na may pamilya na siya.
I wonder kung ilang babae na ang kinatagpo niya habang naghihintay sa kaniya si Mommy. O baka kay Diana Laroque lang iyon lumalandi? My word might be harsh but it’s true. Ang lalakas lang ng loob nilang lumandi habang ang pamilya ng isa ay nangungulila sa presensya niya.
Hindi ko alam. Hindi ko na siguro mapagtatanto kung may natitira pa bang matinong lalaki sa mundong ito. Mismong tatay ko na ang sumira sa imahe nila kaya ang hirap-hirap na magbuo ng nasirang tiwala.
“May tanong ako,” aniya. Mula sa paghihimas ng kaniyang patubong balbas, ibinaba niya sa lebel ng dibdib ang kamay niya at inihalukipkip sa isa pa niyang braso. This time, kitang kita ang guhit ng kuryosidad at pagsusungit sa kaniyang mga mata.
“Itanong mo na.”
“Totoo bang may gusto ka sa lalaking iyon?”
“Kanino, kay Iso? Oo.”
He remained his straight face. Pero hindi gaya kanina, mas sumeryoso at mas lumalim.
“Okay.”
“Bakit? Bakit ayaw mo sa kaniya?” direkta ko nang tanong. “Look, mabait naman si Iso. Masipag. Friendly. Pero anong problema niyo? Anong pinag-aawayan niyo? Anong dahilan kung bakit ayaw niyong magkaayos?”
Umiling siya, dahilan kung bakit ako nairita.
“Hindi mo ba talaga sasabihin sa akin, Carlo?”
“Problema na namin ‘to. Anong mangyayari kung sasabihin ko sa’yo? Wala naman, ‘di ba?”
Ngumuso ako. Kung hindi lang talaga masama ang panahon ay sana nagkaroon na ako ng pagkakataon upang lumabas at pumunta ngayon kila Iso. Besides, nami-miss ko na rin si Igor. Kumusta na kaya sila sa kanila ngayon? Sana hindi sila abutan ng alon gaya ng sinabi ni Carlo kanina.
“Pero sana, kung kaya mo pang pigilan, huwag ka na magkagusto sa kaniya,” dagdag niya na medyo hindi ko na ikinagulat. “Anghel man siya sa paningin mo… Diyos pa rin ako.”
Mahina ang pagkaka-usal niya sa huling parte ng sinabi niya. Napakunot-noo na lang ako dahil hindi ko naman iyon masyadong narinig.
“Ano?”
He smirked. “Wala.”
Humakbang siya at naglakad patungo sa direksyon ng katre na kinauupuan ko. Kumislot ako upang sumubok umatras pero dingding na ang nasa likod ko. Magulat man o mataranta ay wala naman iyon magagawa. Prente ko na lang pinagmasdan kung paano siya humakbang, kung paano niya dinala nang walang kahirap-hirap ang upuan, at kung paano siya umupo roon nang hindi man lang inaalis sa akin ang tingin. Ngayon ay halos harap-harapan na kami. Ilang dipa lang ang layo dahil sa lapit.
“Tell me, anong nagustuhan mo sa kaniya?”
Nakapatong ang magkabila niyang braso sa kaniyang tuhod at nakasalikop ang kaniyang mga palad gaya ko. Sa sobrang seryoso ng ekspresyon niya, medyo natatakot akong magsalita ng basta-basta. Paano na lang kung hindi niya magustuhan ang sasabihin ko?
Ang totoo niyan, hindi ko naman talaga gusto si Iso. Sabihin na nating humahanga ako pero paghanga iyon sa personalidad niya. Hindi ito iyong paghanga sa puntong nais ko na siyang maging boyfriend. Magkaiba iyon.
Namutawi ang mahabang katahimikan. Litong lito ako sa kung ano ang maaari kong sabihin lalo’t sineseryoso niya talaga ang bagay na ito. Bakit ba kasi naisipan kong sabihin sa kaniya na may gusto ako kay Iso? Hay.
“Mabait siya. Masipag. At…”
“At?”
“Uh, gwapo?”
Umangat ang dulo ng kaniyang labi. Hindi ko alam kung sarkastiko ba ang ngiting iyon o talagang natatawa lang.
“Bakit ka nakangiti?” malamig kong tanong.
“Iyon ba ang taste mo, huh?”
“Anong mali sa taste ko?”
“Wala naman.”
“Wala naman pala eh.”
“So, crush mo siya dahil iyon pa lang ang nakikita mo sa kaniya.”
“At wala ka naman sana sigurong pakialam doon, ‘di ba?”
“Kung sasabihin kong meron?”
Nagkibit-balikat ako. “Problema mo na ‘yon.”
“Okay. Gusto mo ‘yan. Wala naman akong magagawa.”
Hinawi niya ang buhok niya kaya mas nagulo pa iyon. Kuminang iyon dahil basa pa kaya naisip ko na baka nilalamig na siya. Hindi ba talaga siya magdadamit? I can offer my towel if he asks.
“Update mo lang ako kung kayo na.”
Marahang namilog ang mga mata ko. Sabayan pa iyon ng pag-awang ng labi dahil hindi ko talaga napigilang magulat.
“Bakit, sa tingin mo may pag-asa kami, Carlo?”
“Kung gugustuhin ninyo, bakit hindi?”
Muntik na ako mapapalakpak pero naisip ko ring OA na iyon. Ngunit sa kabilang banda, batid ko namang hindi ko iyon dapat asahan. Iso would be a nice friend pero hindi sa puntong magkakaroon talaga kami ng relasyong mas lalalim pa roon. Men like him deserves great women. At sa pagkakaalam ko ay wala naman iyon sa karaker ko bilang babae.
I’m so weak, isang bagay na wala sa iba. Biruing handa kong tapusin ang buhay ko habang iyong iba ay lumalaban. Doon ko napatunayan kung gaano kahina ang puso ko, kung gaano ako kawalang kwenta, at kung gaano ako kababa. Paano na lang kung may malala pang mangyari sa hinaharap? Paano na lang?
I hate being in a relationship. I hate the way I hear “I love you” when in the end, you’ll find yourself alone and crying. Napakaraming beses ko nang nasaksihan ito lalo na sa school, mga kaklase kong babae na halos ma-depress na dahil sa iba’t ibang dahilan ng mga break-ups.
Saka naisip ko ring hindi pa akma ang edad ko para sa relasyon. Marami pa akong pangarap na nais matupad at wala pa isip ko ang maging parte sa buhay ng isang lalaki. Saka hindi pa ako handa sa commitment. Iisipin ko pa lang, ayaw ko ng nakasalalay iyong mga desisyon ko sa ibang tao.
“Kilalang kilala mo na siguro si Iso,” puna ko. Nagulat na lang ako sa mga sumunod niyang sinabi.
“He was my friend. O sabihin na rin nating bestfriend? Kaya huwag na magtaka kung bakit alam ko ang mga itinatago niya, Daffodil.”
Hindi ko ma-imagine na naging magkaibigan sila noon. Pero ano ba talaga ang nangyari at bakit nag-end-up sila sa ganito? Sino sa kanila ang nagloko? Sino ang may nagawang mali?
How I wish na sana ay tumila na ang ulan para naman may pagkakataon ako ngayong pumunta kila Igor. Baka nga hindi pa ako patutulugin nito kung wala man lang ako malalaman ni maliit na detalye sa kanila.
“Hindi ba pwedeng ikwento mo na lang kung bakit nasira ang pagkakaibigan niyo? Hindi naman ako manghuhusga.”
Umiling siya.
“Wala akong sasabihin.”
“Okay, kay Iso na lang ako magtatanong.”
He smirked. “Tingnan natin kung sasabihin niya.”
Nagtagal ang tingin ko sa kaniya nang wala ng sinasabi. Hindi ko alam kung nang-iinis ba siya o ano pero kung ginagawa nga niya ito para mainis ako, eh ‘di nagtagumpay siya!
Hindi naman na ako stranger sa kaniya. At lalong alam na niya ang background ko kaya maaari na rin akong pagkatiwalaan. Ngunit kung ayaw niya talaga, no choice na rin ako. Total, wala namang lihim na hindi nabubunyag.
Mula sa kaniya, iniwas ko na ang aking tingin. Tumalikod ako saka tumuwid ng upo upang tumulala sa bintana. Maghapon na ba talagang uulan? Nakakainip naman kung ganito lang ang mangyayari.
“Nilalamig na ako,” rinig ko sa kaniya. Hindi na ako tumingin pabalik, bagkus ay nagsalita nang sa bintana lang ang pansin.
“May twalya ako riyan, pwede mo namang gamitin iyon pambalot sa katawan mo.”
“Oh, sure?”
“Gamitin mo na bago pa magbago ang isip ko.”
“Okay.”
I heard him from behind. Naramdaman kong patungo siya sa maikling sampayan malapit sa kabinet at hindi na ako nag-abala pang masdan iyon. I just want to find peace from this view in front of me. Pero paano ako makakahagilap ng kapayapaan kung mismong isip ko ang binabagabag ng gulo?
Ulan, tumigil ka na, please. Galang gala na ako…
“Hey…”
Muntik na akong mapatalon. Sinong hindi magugulat gayong biglang nag-indiat seat sa gilid ko ang lalaking ito? Saglit kong pinagmasdan ang twalya kong nakabalot sa pang-itaas niya.
“Walang hiya ka…” Napadama ako sa dibdib ko. “Nakakagulat ka naman.”
“Sinong iniisip mo?”
“Napaka-random naman niyang tanong mo.”
“Just answer it.”
“Wala!”
“Ang tanga ko rin e. Alam ko naman kung sino pero tinatanong ko pa.”
He tilted his neck. This time, pilit ko ng hinahagilap ang eskpresyon niya dahil sa lalong pagdilim ng paligid. Walang mag-aakala na wala pa ang oras ng tanghali pero ganito na kadilim. Parang dapit-hapon na. Parang lumubog na talaga ang araw.
Siguro, hindi talaga siya okay sa thought na malapit ako kay Iso. Siguro, gaya niya ay nais kong layuan din ito. Pero hindi naman dapat iyong maging basehan upang gawin ko ang bagay na nais niyang mangyari. Iso seemed so nice and he did nothing wrong for me to hate him.
Wala akong dapat na-iinvalidate. Because as much as I respect Carlo’s intention, Iso’s side should be considered too. They’re both nice in their own ways. At wala naman sigurong perpekto upang masabi na walang itinatagong baho ang isang tao.
Kahit ako na mukhang anghel at inosente ay may itinago rin. Maraming nagsasabi na mukha raw akong mabait pero maraming punto sa buhay na walang nakasasaksi kung paano ako umaakto kapag hindi ko na gusto ang sitwasyong hinaharap ko. Gaya ng iba, makasalanan din ako.
“Matanong ko lang Carlo, may pag-asa pa ba kayong magkaayos ni Iso?”
Kaagad siyang umiling matapos kong itanong iyon. Doon pa lang ay natanto kong malalim nga talaga ang pinag-ugatan ng alitan nila.
“Wala talaga?” ulit ko.
I heard him sighed while staring in front of the window.
“Wala na.”