Chapter 22

2211 Words
Kinabukasan, hindi ko inaasahang masama ang salubong ng panahon. Hindi gaya ng nakasanayan ko sa bawat umaga, hindi mga tilaok ng tandang ang umiiral sa paligid kundi ang mga patak ng ulan.   Bumangon ako saka inayos ang pagkakahawi ng tabing sa bintana. Sumilip ako sa labas at nakitang hindi naman kalakasan ang ulan. Sakto lang ang bagsak nito at hindi naman sinasabayan ng hangin. Nakakapanibago lang dahil noong huling umulan dito ay noong isang linggo pa at hindi naman sa umaga.   Ibinaling ko ang tingin sa kusina at nakitang wala namang katao-tao roon. Anong oras kaya pupunta rito si Carlo? Pero may balak nga ba talaga siya pumunta ngayong umuulan?   Pagkababa ko ng katre ay saka ako tumungo sa lamesa upang magtimpla ng kape. Matapos nito ay hinawi ko rin ang buhok ko at umupo. Pagkasimsim nito ay tumulala ako sa bintana, partikular na sa harapan kung saan madalas dumadaan ang sinumang tutungo rito.   Napakagat-labi ako.   Oo, sinungaling ako kung sasabihin kong okay lang ako. Sinungaling ako kung sasabihin kong hindi na mabigat ang loob ko. Kagabi nga lang ay hirap talaga akong matulog. Masyado ko pang dinamdam ang lahat. Masyado akong nanghina dahilan kung bakit naging ganoon na lang kadali sa akin ang maalala si Mommy. Iniisip ko pa lang na balisa na siya kahahanap sa akin ay parang hindi ko na kaya. Dahil higit sa lahat, nanay ko pa rin siya. At wala naman sigurong ina na nais mapahamak ang anak.   Malaki ang posibilidad na taliwas sa kaniyang loob nang sabihin niyang nais na niya akong mamatay. She was drunk. Umalis pa si Daddy. Sa tinagal-tagal ng pagdurusa niya sa pamilyang hindi na namin mabubuo, batid kong mas deserve na niyang maging masaya ngayon. Paulit-ulit man ako ngunit iyon ang totoo. Isa lang akong malaking sagabal sa tuwa na kay tagal na niyang hindi nararamdaman.   Unti-unting lumalakas ang ulan kaya mas lumalabo pa ang nakikita ko sa bintana. Mas dumilim pa ang paligid kahit na umaga pa lang at hindi talaga ito usual na nangyayari sa isla. Sa kabilang banda, kahit paano’y nare-relax naman ako. At least, nakikisama din ang langit sa lungkot na nararamdaman ko.   Kalahati pa lang ng tasa ang nasisimsim ko ngunit habang nakatitig ako sa bintana, unti-unti’y para bang may naglalakad patungo rito. Kumunot ang noo ko at pinakatitigan pa iyon nang matagal. Sa labo nito dahil sa lakas ng ulan, hindi ko pa ito masyadong makita. Ngunit nang lumalapit na ito ay saka nag-sink-in sa akin kung sino ang taong iyon.   In his white shirt and tucked up pants, my eyes won’t fail to recognize him. Nakapailalim siya sa kulay pulang payong habang yakap-yakap ang sando bag. Sa taranta ko ay napilitan akong mapatayo at iwan sa mesa ang hindi pa nauubos na kape. Dali-dali akong tumungo sa pinto dahil napansin ko na ring nagmamadali siya.   Sumalubong sa akin ang medyo malakas na anggi ng ulan nang mahila ko na ang pinto. Pagkaraa’y napasinghap ako dahil bumulaga na kaagad sa harapan ko si Carlo. Kahit na hawak pa rin niya ang payong at silong siya nito, hindi pa rin siya nakatakas sa lakas ng ulan. Basang basa ang katawan niya mula ulo hanggang paa.   Walang sabi-sabi akong umatras at gumilid upang bigyan siya ng daan. Mukha rin namang kinuha na niya iyon bilang go signal upang pumasok na rin dito sa kubo. Nang makapasok siya ay ako na ang nagkusang magsara ng pinto. Napalunok-lunok pa ako bago humarap sa kaniya dahil sa hindi malamang dahilan ay unti-unti na naman akong dinadalaw ng kaba.   Saktong sa paglapat ng paningin ko sa kaniya, hindi ko napigilang mapasinghap nang palihim. Nakatalikod kasi siya sa akin ngayon at mukhang nagtitiklop ng payong. Alam kong dapat ko nang asahan na nakahubad na siya ngayon ng pang-itaas pero bakit ganoon? Bakit para akong bata na ngayon lang nakakita nito? Sa dinadami-rami ng pagkakataong nangyari ito, bakit pakiramdam ko’y lagi na lang bago?   “Ang aga mo naman pumunta rito,” puna ko nang walang kaemo-emosyon. Humakbang ako at nilagpasan siya sa kinatatayuan niya. Nagdalawang-isip man ay wala akong nagawa kundi umupo muli sa harap ng aking kape. Sinong hindi maiilang kung naka-topless siya at saktong nakaharap pa talaga rito?   Sinasadya ba niyang makita ko nang paulit-ulit ang katawan niya?   “Sinabi ko naman sa’yo ‘to kahapon, ‘di ba?” aniya. Kahit tuwid lang ang yuko ko sa kape ay nababanaag ko pa rin siya sa gilid ng aking mata. Napansin kong pinulot niya ang basa niyang damit sa bangko matapos ilapag sa gilid ang naituping payong.   “Hindi ko naalala, pasensya na.”   “Tss. Ayaw mo ba akong makita?”  May bahid ng inis sa pagkakatanong niya nito. Saglit ko siyang tinapunan ng tingin saka sumimsim ng kape.   Kailangan ko pa bang sagutin iyon gayong alam naman niya ang sagot? Ngayong inamin talaga niya na wala siyang girlfriend, oo, aaminin kong hindi na ako ganoong worried. But who knows, paano kung may fling pala siya? O paano kung nililigawan pa lang niya?   Sa panahon ngayon, sobrang hirap na maniwala kahit sabihin pang nakikita sa mata ng isang tao na hindi siya nagsisinungaling. Iilan lang sa mga tao ngayon ay mahirap maging biktima ng kasinungalingan. At sa aminin man o sa hindi, mangilan-ngilan na lang totoo ngayon.   Sa kabila nito, umaasa ako na sana nagsasabi talaga si Carlo nang totoo dahil ayaw ko talaga makatapak ng ibang tao. Sapat na ang pagdurusang nakita ko kay Mommy. Ayaw ko na ulit makaranas ng isa at ako na naman ang magiging dahilan.   He headed to the bathroom. Hindi ko lang alam kung magbabanlaw o ano pero bigla ay naisip ko kung ano ang isususot niya. He’s so freaking topless. At base sa pagkakaalam ko, walang damit na kakasya sa kaniya rito sa kabinet!   “Carlo?” tawag ko sa kaniya habang nakatitig nang nakayuko sa tasa ng kape.   “Hmm?” he responded loudly while still inside the bathroom.   “Anong ginagawa mo?”   “Naghihilamos.”   “Uh… paano na ‘yan? Wala kang pamalit. Maliliit lahat ng—”   “I can manage myself,” pagputol niya sa sinasabi ko. “Sanay ako.”   “Oh, okay…”   My bad. Ano ba naman kasing alam ko sa kung ano na ang mga nakasanayan niya o hindi? Kinakailangan ko na nga talagang masanay pa sa islang ito. Napakarami ko pang kailangang matutunan lalo’t nasa adjustment period pa lang ako.   Mayamaya’y lumabas na siya sa banyo. Sa halip na sumulyap ako, mas pinili kong kontrolin ang sarili ko’t pinanatili ang yuko sa kape. Wala na akong balak itong ubusin dahil malamig na. Sayang dahil medyo marami pa naman.   Tumungo siya rito at kumuha ng mangkok. Pagkatapos ay ipinatong niya sa mesa saka binuhos ang laman ng plastic na dala niya. Before I could knew it, naamoy ko na agad ang nakagugutom na halimuyak nito. Naroon ang pagnanais ko na tikman na kaagad ito pero nilalamon talaga ako ng hiya ko.   “Kumakain ka nito?” he asked. Pagkalipat ko ng tingin sa mismong pagkain na inihain niya ay napatulala ako. Dalawang mangkok kasi iyon at hindi naman ako tanga upang hindi matanto na para sa akin iyong isa.   “Hindi ako pamilyar sa ganiyang pagkain pero gusto ko ang bango,” pag-amin ko nang nakayuko lang sa mangkok. Nang sinubukan kong i-angat ang tingin sa kaniya dahil nakatayo siya, nagtama ang tila nananantya niyang mga mata. This is not new so I should not feel this. Goodness.   Bigla siyang ngumisi na ikinagulat ko.   “Oh bakit?” pagtataka ko.   “Really? Hindi ka pamilyar sa Mami?”   “Mami?”   Napailing-iling siya at naglakad patungo sa mismong tapat ng kinauupuan ko. Umupo rin siya doon kaya ngayo’y magkatapat na kami.   “Sa pagkakaalam ko, naghahain naman ng Mami ang mga mayayaman. O baka ganoon lang talaga kayo kayaman kaya hindi mo pa ito nasusubukan?”   Umawang nang bahagya ang bibig ko.   “Hindi kami mayaman.”   “Come on. Stop with that petty little lie,” aniya sabay hila ng isang mangkok para sa kaniya. Iyong isa naman ay itinulak niya para sa akin.   “Por que hindi ko lang alam ang Mami ay mayaman na? Hindi ba pwedeng hindi lang nakasanayan?”   “You’re the only daughter of Arlet Gumabon. At hindi ako bulag para hindi makita kung gaano katayog ang yaman niyo.”   Sure. Sige. Sabihin na nating may angkin kaming yaman dahil kay Daddy at kaya hindi ganoong naging problema ang finance ng pamilya nang dahil sa kaniya. Pero walang wala lahat ng iyon gayong mas naghahari ang pagiging iresponsable niya— hindi lang bilang asawa kundi bilang isang ama.   I wish I could tell him this. O kung hindi man siya, sana’y may nasasabihan ako ng problema tungkol dito. I had Kiana back then but she decided to cut her life first. Maliban sa kaniya, wala na akong ibang masabihan pa dahil mahirap nang maniwala.   “Paano mo nalamang anak ako ni… Arlet?”   “You look like him,” he said. Kinutsara na niya ang Mami sabay subo nito. Samantala, pinakatitigan ko naman ang akin at inisip kung pipilitin ko pa bang kainin iyon o hindi. Nawalan na lang kasi ako bigla ng gana. Literal na nawala dahil lang narinig ko ang pangalan ni Daddy.   “Sana nga hindi na lang niya ako kamukha…” bulong ko.   “What?”   “W-wala.”   I sighed.   Malakas pa rin ang ulan. Kung kanina ay walang hangin, ngayon ay sinasabayan na ito nang bahagya. Nag-alala pa nga ako dahil baka masira ang kubong ito. In-assure naman sa akin ni Carlo na matibay ito kaya wala akong dapat na ipag-alala.   Naging tahimik kami sa mga sumunod na tagpo. Tanging ingay lang ng mga patak ng ulan ang namumutawi at sinasaliwan ng bulong ng hangin.   Hanggang sa maubos na niya ang mami niya habang ako ay nakakailang kutsara pa lang.   “May bagyo ba?”   Mula sa labas ay inilipat niya ang mga mata sa akin. Seryoso iyon at blangko.   Umiling siya. “Normal na ‘to.”   “Ah, so kahit walang bagyo o ano, ganito talaga kalakas? Paano ang mga nasa tabing dagat? Hindi ba malaki ang alon?”   Kumunot bigla ang noo niya kaya napatanong kaagad ako.   “Oh bakit?”   “Nag-aalala ka sa crush mo.”   Umawang ang labi ko, tila hindi makapaniwala. What’s with that sudden question?   “Crush? Hello, hindi naman malapit sa dalampasigan sina Iso—”   “Kayang abutin ng dagat ang bahay nila kung ganito kalakas ang ulan.”   Sa puntong ito ay nabalisa na ako.   What the heck?   “See, nag-aalala ka.”   Ibinaba ko ang hawak kong kutsara.   “Sinong hindi mag-aalala roon Carlo? Kasama pa niya ang kapatid niya.”   “Okay…”   “Para kang bata…” Umiling-uling ako. “Saka ano naman kung crush ko siya? Hindi lang naman kagwapuhan ang mayroon siya para masabing mababaw ako.”   He hissed.   “Ako rin naman…”   Hindi ko iyon narinig nang malinaw dahil sa sobrang hina.   “Ano?”   “Wala.”   Tumayo siya habang dala ang mangkok. Saka niya ito inilagay sa lababo at tumungo sa harap ng bintana nang nakatalikod sa akin.   Hindi ko alam kung bakit pero ang weird lang. Ano ba talaga ang problema nila ni Iso sa isa’t isa at bakit ganiyan na lang ang hindi nila pagkakaunawaan?   Gusto kong itanong ito sa kaniya. Gustong gusto ko malaman. Kaya lang, sa takot ko ay hindi ko rin naman maiwasang mag-overthink dahil baka magalit siya at hindi iyon magustuhan. Si Iso kaya, sasabihin kaya niya sa akin iyon?   Ipinagpatuloy ko ang pagkain ng mami. Total ay nagugutom na rin ako, mas minabuti ko nang ubusin ito. Sa pagkakataong ito’y ‘di ko alam kung paano tatakbo ang araw namin kung maghapon lang uulan. Ano ‘yon, maghapon lang kaming mananatili dito at magmumukmok? Besides, mukhang wala naman kaming dapat na pag-usapan.   Pagkatapos kumain at maghugas ng plato, dumiretso ako sa katre at dito nagpahinga. Minabuti kong nakaharap sa kaniya habang siya’y nakaharap pa rin sa bintana at tila ba nagmamatyag lang.   “Carlo, maghapon ka rito? Kung hindi, ano oras ka aalis?”   Sumagot siya nang hindi humaharap sa akin. At kahit may kalakasan ang ingay sa labas ay nagawa ko pa rin naman itong marinig.   “Gusto mo na ba akong umalis, huh?”   Hindi ako nakasagot, dahilan kung bakit dahan-dahan siyang umikot upang harapin ako.   Nagtitigan kami na para bang nanghahamunan. Naroon ang pagnanais kong umiwas ngunit may kung anong pumipigil sa akin. May kung ano sa sistema kong nagsusumigaw na manatili muna siya at huwag umalis. Iyon ay kahit pa magsayang kami ng oras sa isa’t isa.   Ang weird lang. Weird dahil habang tumatagal ay mas hindi ko nauunawaan ang sarili ko.   “What do you want?” tanong pa niya. Napaiwas na lamang ako ng tingin at yumuko na para bang pinag-aaralan ko ang sahig.   Hindi ko alam dahil naguguluhan ako. Hindi ko alam.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD