Lumipas ang isang oras ay hindi na bumalik si Iso. Abot-abot naman ang pag-aalala ni Igor dahil nararamdaman daw niyang galit sa kaniya ang kuya. Kung sa bagay, hindi ko rin naman masisisi si Iso dahil siguro’y nililihim lang niya iyon. Ngunit ngayong nalaman ko nang may gusot sa pagitan nila ni Carlo, hindi ko na rin mapigilan pa ang sarili ko na magtanong ukol roon.
Kay Carlo na lang siguro ako lalapit upang tanungin iyon. Besides, nakipag-deal naman akong mas kilalanin pa siya.
“Magandang hapon po…” bati ko nang dumating na ang mga magulang ni Igor. Tumayo pa ako at yumuko. Sabay silang huminto sa pinto at animo’y natigilan nang makita ako.
“Oh, iha…” wika ng Nanay. Iyong asawa naman niyang nasa tabi niya ay diretso lang na nakatingin sa akin at para bang pinag-aaralan ang mukha ko.
May katandaan na sila. Sa unang tingin ay hindi mo aakalaing nangingisda pa ang isa. Pero sa tingin ko’y mas bata naman sila kay Nay Klaring. Nangungulubot na rin kasi ang balat nila at ang buhok ay unti-unti ng namumuti.
“Ako po si Daffodil. Daff na lang po ang itawag niyo sa akin. Kaibigan po ako ni Igor,” pagpapakilala ko sabay yuko kay Igor na ngayon ay nakaupo sa bangko at pilit lang ang ngiti.
Sabay na ngumiti ang mag-asawa. Ibinaba nila ang kanilang dala saka umupo sa bangkong nasa tapat namin ni Igor.
“Ikaw pala iyong dalagang kinukwento ng bunso namin. Harusko! Hindi ko naman inakala na sobra mo palang ganda,” wika ng Nanay. Uminit naman ang pisngi ko sa papuring iyon.
“Naku, hindi naman po. Sakto lang.”
“Ang puti-puti mo. Para kang pinaglihi sa niyebe.”
Tumawa na lamang ako nang pilit bilang pagsira sa nag-aambang katahimikan.
“Siya nga pala, tawagin mo na lang akong Tiya Alba. Ito naman si Omeng, asawa ko. Bunso namin iyang si Igor at panganay namin si Iso. Teka.” Inilipat niya ang pansin kay Igor. “Nasaan pala ang kuya mo?”
Medyo matagal bago nakasagot si Igor. “Lumabas po. Hindi ko lang alam kung saan po pupunta.”
“Nakausap na ba niya ang Ate Daff mo?”
Ako na ang kusang sumagot sa tanong na iyon ni Tiya Alba. “Opo, nakausap ko na po siya kanina bago umalis.”
“Okay naman ba sa’yo si Iso, hija?” Si Mang Omeng naman ngayon ang nagtanong. Bigla akong nailang dahil may halo pang ngiti ang pagkakatanong nito.
Ngumiwi ako at napilitang tumango nang dahan-dahan. Baka kasi mapagalitan pa si Iso kung sasabihin kong hindi.
Though mabait ang unang impresyon ko sa kaniya. Pinatunayan naman niya ito noong nakipag-usap na siya sa akin. He seems appoachable. Hindi gaya ni Carlo na talagang nakaka-intimidate. Kaya lang, nagbago ang daloy ng interaksyon namin dahil sa na-open up na issue nila ni Carlo. Siguro, ganoon nga kalalim ang dahilan ng problema nilang dalawa.
Tumayo si Mang Delfin dahil kailangan na raw niyang asikasuhin iyong inaayos niyang lambat. Samantala, si Tiya Alba ay nanatili pa upang tanungin ako nang tanungin kung totoo ba ang mga nalaman niya sa akin. Sinabi niyang nagmula raw ako sa siyudad at muntik na raw ako magpakamatay. Hindi ko naman maitatangging tama iyon kaya sumang-ayon na lang ako.
Nararamdaman kong sensitive siya sa mga pananalita niya. Tipong puno ng pag-iingat dahil siguro nararamdaman niyang mabigat ang aking pinagdaanan. Dinagdag pa niya na hindi na raw nakakagulat iyong tulad ko na napapadpad dito dahil hindi lang naman ako ang nagtangkang tapusin ang buhay. Gayunpaman, natanto kong hanggang doon lang ang alam niya dahil hindi na niya nabanggit pa iyong tungkol sa pagligtas ni Carlo sa akin. Hindi niya alam ‘yong parteng muntik na akong magahasa ng taong nagdala rito sa akin.
“Sige po. Medyo dumidilim na rin po kasi kaya kailangan ko na umuwi. Balik na lang po ako ulit dito sa susunod.”
“Oh sige hija. Salamat sa oras ah? Sandali, tatawagin ko lang si Iso para ihatid ka pauwi.”
“Nay! Huwag na po, ako na ang maghahatid kay Ate—” Hindi na naituloy ni Igor ang sinasabi dahil pinutol kaagad ito ni Tiya Alba.
“Ay naku Igor. Mas mainam na kung kuya mo dahil dumidilim na.”
Mag-iinsist din sana ako na si Igor na lang kaso naisip ko na lubhang delikado lalo’t bata pa siya at dumidilim na sa daan. Hindi rin naman pwedeng mag-isa lang akong uuwi dahil mula dito, hindi ko pa gaanong kabisado ang daan pauwi.
Pasimple akong lumingon sa bintana nang lumabas na ng pinto si Tiya Alba. Nakita kong nilapitan niya si Iso na ngayon pala ay abala sa kaniyang halaman. Ano kaya ang nararamdaman niya ngayon? Posible kayang naiinis siya pati sa akin?
Habang kinakausap ni Tiya Alba ang panganay na anak, biglang napalingon sa banda ko Iso. Kahit nandito pa ako sa loob ng bahay nila kaya’t may kalayuan, dama ko ang hiya niya kaya mabilis siyang umiwas ng tingin. Ibinaling ko na rin kay Igor ang tingin ko na ngayon ay tulala at natatakot sa maaaring itrato sa kaniya ng kuya.
Kinalabit ko siya. “Uy, ayos ka lang?”
Umiling siya nang hindi tumitingin sa akin. “Kinakabahan ako, Ate Daff.”
“Huwag kang kabahan,” tugon ko. “Ikaw rin naman ang nagsabing mabait ang kuya mo ‘di ba? Wala kang dapat ipag-aalala.”
“Pero ano kasi ate… opo mabait siya pero minsan lang po iyon magalit. Tapos malala pa.”
Ginulo ko ang buhok niya. “Huwag kang mag-alala. Akong bahala.”
Magsasalita sana si Igor ngunit bigla namang pumasok si Tiya Alba.
“Nasabihan ko na si Iso, Daff,” aniya. Tumayo ako at nginitian na lamang si Igor.
“Okay po. Maraming salamat.”
“Mag-ingat kayo ha?”
Kinawayan ko muna si Igor bago ako humakbang palabas. Namataan ko kaagad si Iso na ngayon ay prenteng nakatayo sa harap ng tarangkahan at nakayuko sa kaniyang paanan.
Nag-aagawan ang bughaw at lila sa kalangitan dahil sa unti-unting pagsakop ng dilim sa liwanag. Litaw na litaw na rin ang buwan at ilang mga bituin na ang kumukutitap. Tuluyan na rin lumubog ang araw ngunit bahagya pa rin namang maliwanag. Gayunpaman, kahit medyo maliwanag pa kaming aalis dito, nasisiguro ko na talagang madilim na ang daanan sa oras na babalik na siya rito.
Saka ako huminto nang marating ko na ang kinatatayuan ni Iso. Marahan niyang inangat ang tingin sa akin ngunit sa tangkad niya ay ako pa rin itong napatingala. Bakit ganoon? Ang tatangkad naman ng mga lalaki rito.
“Uh, okay lang ba kung ihahatid mo ako?” tanong ko. Medyo magaan at maaliwalas ang ekspresyong ipinapakita niya ngunit mahahalata roon na para bang pilit niyang pinanatili ang composure niya. Ramdam ko ang pagtitimpi niya, ang pagpipigil.
Tumango siya. “Tara.”
Siniguro niyang nakapuwesto ako sa gilid niya bago kami magsimula sa paglalakad. Nararamdaman kong may gusto siyang sabihin ngunit tila ba pinangungunahan siya ng hiya.
Well, kahit ako. Inaamin ko ring nahihiya ako dahil unang pagkikita pa lang namin ito. Siguro hindi naman siya magbabago kagaya ng ibang tao na nakikilala ko. Sana hindi siya gaya ng iba na sa una lang mabait.
Tahimik lang kami at walang sinasabi habang humahakbang sa maaliwalas na daan, iyong tunog na lang ng mga tsinelas namin ang tanging maririnig. Kanya-kanya na rin sa loob ng tahanan ang mga tao kaya wala na akong nakikita sa labas. Isang tipikal na larawan ng nayon sa islang isla; payapa, dalisay, at masarap sa pakiramdam.
“Pasensya na sa asal ko kanina,” pagsira ni Iso sa katahimikan. This time, mas bumagal ang aming mga hakbang.
“Asal?” Kunwari ay hindi ko alam ang tinutukoy niya, basta’t may masabi lang.
“Napagtanto ko kasing bastos ang desisyong umalis sa harap mo gayong unang usap pa lang natin iyon, pasensya na…” Dama ko ang pagiging sinsero niya roon kaya bigla-bigla’y nahabag ako.
Hindi ko naiwasang mapamura sa isip ko. Bakit ang bait-bait niya? Totoong totoo siya.
“Okay lang ‘yon. Huwag mo na isipin.”
“Salamat.” Tila ba nabunutan siya ng malalim na tinik sa lalamunan.
“Pwedeng humingi ng pabor sa’yo?”
“Ano ‘yon?”
“Ayos lang kung huwag mong pagalitan nang malala si Igor? Kung pagsasabihan mo man siya ay sana mahinahon lang… kagaya ng boses mong naririnig ko ngayon.”
Matagal bago siya sumagot dahil parang pinag-iisipan pa niya kung anong isasagot niya.
“Ako nang bahala roon. Hindi naman ako brutal kung magalit. Umiiyak ba siya?”
Umiling ako. “Hindi naman. Kinakabahan lang daw, natatakot.”
He just nodded and never said a word. Iyon na rin ang huling tugon niya bago namin narating ang kubo.
I want to ask about him and Carlo; kung anong rason at kung ano ang pinag-ugatan. But seeing how the sky turned into black, wala akong choice kundi kay Carlo na lang itanong mamaya.
“Maraming salamat, Iso…” mahina kong sabi nang huminto na kami. Ilang hakbang na lang ang aming layo sa mismong kubo at napansin kong nakasindi na ang gasera sa loob nito.
“Salamat din, Daff.”
“Huwag kang masyadong magalit kay Igor ha?”
Ngumiti siya. “Oo.”
Isang tango pa muna ang ginawa niya bago siya tumalikod at tinahak pabalik sa kanila ang daan. Hinintay ko muna siyang mawala sa paningin ko bago ako bumuntong-hininga at magpasyang tumungo na sa kubo.
This time, bigla akong kinabahan sa hindi mawaring dahilan. Batid ko kasi na nasa loob na si Carlo dahil sa gaserang nakasindi. Hindi naman pwedeng sabihin na si Nay Klaring o si Roma ang nagsindi nito. Matagal-tagal pa ang aabutin bago sila bumalik dito sa Isla.
Pagtulak ko ng pinto, napukaw kaagad ni Carlo ang atensyon ko. Nakaupo siya ngayon sa katre at kapwa nakatuko ang kamay sa magkabilang gilid. Nakayuko rin siya at animo’y malalim ang iniiisip. Bakit mas lalo pa akong kinabahan kahit na wala pa naman siyang sinasabi sa akin? Hindi man niya ako tinitingnan nang mata sa mata, dama ko na agad ang takot.
Hindi pa man ako nakakahakbang, bigla na lang ako nagimbal dahil sa kaniyang tanong.
“Saan kayo galing?”
Hindi agad ako nakasagot. Hindi ko man kasi alamin ay batid kong iritado na siya. Knowing na hindi naman ganoon kaayos ang sitwasyon nila ni Iso, ang makita niyang kasama ko iyon ay nagpakulo na siguro sa dugo niya.
Pero bakit nga naman siya magagalit nang dahil lang doon? Anong big deal doon? Bakit kailangan pang palalain ang problema kung wala naman kaming ginawang masama?
“Sa kanila. Kila Iso…”
This time, dahan-dahan niyang inangat ang tingin sa akin. Para akong tanga dahil sa pagtagpo ng aming paningin, kusang nanginig ang aking tuhod. He looks so different right now. Na para bang natanto kong walang wala pa pala iyong nakita kong galit sa kaniya noon.
“Anong pinag-usapan niyo? Anong mga sinabi niya sa’yo?”
“K-kailangan bang sagutin ko ang tanong na ‘yan—”
“Bakit hindi, Daffodil?”
The way mentioned my name sends shivers down my spine. God. How can I escape this one? Kung alam ko lang na ganito lang pala ang mangyayari, sana mas pinili ko na lang tumulala at mainip dito.
Pinili kong hindi sumagot doon. Tuloy-tuloy akong pumasok at tumungo sa lababo. May mga hugasin pa kasi roon na hindi ko matapos. At kaysa palalain pa ang nag-aambang pagtatalo, mas nanainisin ko munang hindi mamansin at wala ni kahit na anong sasabihin.
“Tinatanong kita,” aniya sa likuran ko habang nagsisimula na akong magsabon ng plato. Hindi nga lang ako sigurado kung nakaupo pa rin ba siya ngayon o nakaupo.
“Hindi kita sasagutin hangga’t mainit ang ulo mo,” tugon ko.
“Hindi mainit ang ulo ko. Gusto ko lang naman malaman kung anong napag-usapan niyo. Mahirap ba ‘yon?”
Tikom na ang bibig ko sa mga sumunod na tagpo. Ewan ko ba. Wala kasi ako sa mood makipagtalo ngayon. Wala akong sumpong o kahit na ano man para ganahan sa argumento niya. Gusto ko lang magpahinga pagkatapos nito. Iyon lang.
Maya-maya pa ay nagulat ako sa kaniyang ginawa. Dahil akma ko na sanang babanlawan ang mga plato ngunit hindi ko nagawa dahil talagang pinatay niya ang gasera!
Paasik akong nagbanlaw ng kamay at tumalikod. Wala akong makita dahil sa sobrang dilim. Ni anino niya ay hindi ko na magawang mahagilap!
“Carlo!”
“I told you, sagutin mo muna ang tanong ko,” he answered from nowhere. Sa sobra kasing dilim ay hindi ko matantya kung malayo pa rin ba siya sa akin o malapit na.
“Ayaw ko nga sabi! Palalamigin ko muna ‘yang ulo mo bago kita sabihan ng kung ano-ano! Kaya pwede ba? Sindihan mo na ang gasera—”
Hindi ko na naituloy pa ang aking sinasabi dahil sa kaniyang ginawa. Dahil sa puntong ito, naramdaman ko na lang na hinapit niya ang bewang ko at nadama ko rin bigla ang init ng hininga niya sa likod ng aking tenga.
Suminghap ako.
“Mainit man o malamig, wala akong pakialam,” baritono niyang bulong mula sa aking likod. “Ikwento mo na sa’kin, ngayon na...”