Chapter 17

2210 Words
Para akong inubusan ng supply ng hangin dahil sa ginawa niya. Damang dama ko pa rin ang palad niyang nakalapat sa aking bewang, na para bang sinisiguro niyang hindi niya ako pakakawalan sa dilim na inihasik niya.   His husky whisper made its way to grasp into my bones. Like that of sharp arrows taunting me at my worst. Ni hindi na yata ako nakagalaw. Nawala na lang ako bigla sa sarili ko kahit na hindi naman ako nasaktan o ano sa ginawa niya.   But damn it. Bakit kailangan pang patayin ang gasera kung pwede naman itong idaan sa matinong usapan? He could’ve let that lamp flaunt its light and talk to me without doing this desperate move!   “Carlo…”   “Hmm?”   “Please. Sindihan mo ang gasera. Kung gusto mong pag-usapan natin ito, huwag sa ganitong madilim.”   “Okay then.”   Saka pa lang ako nakahinga nang maluwag nang maramdaman kong lumayo na sa bewang ko ang kaniyang kamay at umalis na siya sa aking tabi. Pilit ko pang hinahagilap ang sarili ko hanggang sa lumiwanag na ang paligid. Bumungad siya sa akin na ngayo’y nakatayo sa gilid ng hapag kung nasaan ang gasera. Namataan ko ang repleksyon ng ilaw nito sa kaniyang mga mata. Seryoso iyon at animo’y nangungusap.   Ipinunas ko sa magkabilang gilid ng damit ang medyo basa kong mga kamay. Muli akong huminga nang malalim upang mapakalma pa ang sarili. That was really unexpected. Paano niya nagawang lumapit kanina rito na para bang walang kahirap-hirap? Touching my waste seemed so easy for him. Whispers in my ears, baritone voice… s-hit.   Nanatili siyang nakatayo roon habang nakatingin sa akin. Nag-aabang lang sa sasabihin ko tungkol sa nais niyang marinig at malaman.   “Una sa lahat, bakit mo ginawa ‘yon?” paasik kong tanong. Wala siyang naging reaksyon doon na para bang wala lang sa kaniya ang ginawa.   “Ang alin?”   “You touched me as if…” Mariin akong pumikit at muli rin namang dumilat upang labanan pa ang tingin niya. “… as if I’m yours!”   “Anong mali ro’n?” tanong niya. “I just protected you from leaving.”   “Sino ba naman kasing hindi matatakot sa ginawa mo? Binigla mo na nga ako nang patayin mo na ang ilaw, ginulat mo pa ako sa bulong mo!”   “Kalma. Para ka namang kinidlatan. Just tell me everything to turn this over.”   Isa pang singhap ang ginawa ko bago ako nagsalita.   “Okay. Ganito ‘yan. Sinong hindi maiinip sa kubong ito? Sa mahigit apat na oras na wala akong kausap, panay lang ako tulala at wala ni kahit na ano mang ginawa. Siyempre. Literal na gagawa ako ng paraan para mapatay ang inip kong ‘yon. Hanggang sa dumating nga rito si Igor at kinuwentuhan ako. Nalaman ko pa nga na rito lang sa Isla ang girlfriend mo.”   Mula sa malamig at walang ka-emoemosyon niyang mukha, kapansin-pansin ang pagkunot niya bigla ng noo. Na para bang nagtaka siya’t nagulat sa narinig.   “Girlfriend?” ulit niya. Mapait akong ngumisi.   “Tapos ano, itatanggi mo na naman?”   Humalukipkip siya at bahagyang pinilig ang ulo. Ginamit pa niya ang hintuturo niya’t hinlalaki upang paglaruan ang kaniyang labi.   “Si Igor na mismo ang nagsabi sa akin, Carlo. Nakikipagtawanan ka raw kanina sa babae mo.”   Hindi siya umimik. Nanatili pa rin siya sa disposisyon niya kaya lalo ko siyang hindi maunawaan.   “I’ll ask that kid about this.”   “Para saan pa? Hindi naman mahilig magsinungaling ang bata. Sinabi niya lang kung ano ang nakita niya—”   “Binibilog mo ako, Daffodil. Puwede bang sagutin mo na ang kanina ko pa tinatanong?”   Napatikhim ako. Bakit ganoon? Bakit napakailap ng lalaking ito kapag girlfriend na niya ang usapan? Naiinis ako.   “Kung tungkol sa usapan namin ni Iso ang gusto mong malaman, wala akong sasabihin,” deklara ko. “Wala naman siyang sinabi na may kinalaman sa’yo kaya anong pinuputok ng butchi mo? Ang alam ko lang mula sa sinabi ni Igor, magkagalit daw kayo ng kuya niya. Bakit kaya? Dahil kaya sa babae?”   Umawang ang labi niya. Kapwa na rin niya ibinalik ang mga daliri sa pagkakahalukipkip saka tumugon.   “Bakit ganyan lagi ang bukambibig mo? Babaero ba’ng tingin mo sa’kin?”   “Hindi na ako magugulat kung babaero ka nga, Carlo.”   Suminghal siya. “Wala akong patutunayan sa’yo.”   “At wala ka ring karapatan na manghimasok sa buhay ko.”   “Okay.”   Humarap siya sa gilid upang kunin iyong gamit niyang nakasabit sa pinto. At sa muli niyang pagharap sa akin, nakita ko kung paano sumalamin ang inis sa kaniyang mga mata.   “Bukas na tayo mag-usap. Kung may balak ka pang maghapunan, may iniwan ako diyan.” Sabay turo niya sa mesa. Hindi na niya ako hinintay pang sumagot dahil kaagad na siyang lumakad at lumabas.   Bahala na kung may ikinainis man siya sa sinabi ko. After all, kinailangan ko naman sabihin ang mga ‘to para mapagaan ko ang loob ko. Eh ano kung lalo siyang nairita? Kasalanan na niya ‘yon.   Labag man sa kalooban ko ay napilitan akong kumain ng iniwan niyang hapunan. Pinaksiw iyon at halata pang bagong luto. Pagkatapos nito ay saglit akong tumulala sa bintana nang nag-ooverthink sa maaaring mangyari bukas. Mayamaya’y dinalaw din ako ng antok kaya wala pa sigurong alas otso ng gabi ay nakatulog na ako.     **   Naglalaban ang ingay ng mga manok nang magising ako. At saktong sa pagbangon ko, naamoy ko agad ang bango ng pagkaing niluluto mula sa kusina. Hindi na ako lumingon pa upang tingnan kung sino ang nagluluto roon dahil kilala ko na, kahit hindi pa nakikita.   Humikab ako at bumangon. Itinali ko rin ang aking buhok saka niligpit ang higaan. Pagtungo ko sa banyo, hindi ko alam kung matutuwa ba ako o hindi dahil sa nakita kong mga timba na puno ng tubig. Para bang nagawa na niya lahat ng posibleng gawin dito sa bahay habang natutulog ako.   “Tubig mo ‘to?” malakas kong tanong nang naharap pa rin sa banyo. Nasisiguro ko naman kasing naririnig niya ako kahit na hindi na ako pumunta sa kusina.   “Sa’yo ‘yan,” aniya. Nagkibit-balikat na lang ako at mahinang umusal ng pasasalamat.   Sa lahat ng pagtatalong pinagdaanan namin, aaminin kong mahirap na magpakatotoo sa kaniya. Pakiramdam ko, sa tuwing haharap ako sa kaniya ay kailangan ko na magsungit at magmukhang matapang. Para akong hinahamon ng pride ko. Sa kaniya lang yata ako nagkaganito.   Totoong mabait ako, nakikisama, at hangga’t maaari’y maayos kung makipagkapwa-tao. Pero kahit na ganoon, kahit sarili ko ay hindi ko maturuan sa tuwing nakakaharap na siya. Nagiging palaban ako nang wala sa oras. At mahirap para sa akin na kontrolin ang ganitong ugali lalo’t sa iisang tao ko lang ipinapakita ito.   Matagal-tagal din bago ako nakatapos sa paliligo. Pinili kong suotin iyong daster na pinaglumaan daw ng apo ni Nay Klaring at dahil sa luwag nito, nagmukha akong nanay o buntis.   Gayunpaman, mas mainam na sa akin ang ganitong klase ng damit. Maaliwalas kasi sa katawan at mas kumportable.   Paglabas ko ng banyo, kaagad na bumungad ang mabangong aroma ng piniritong isda. Nakahain na rin doon ang sawsawang gawa sa toyo at calamansi, umuusok pa iyong bagong lutong kanin sa kalderong nakapatong pa sa dahon ng saging.   Bigla akong nagutom. Bigla akong nanakam. Bigla akong nanabik kahit pa nakaupo na sa isang upuan si Carlo at nakatingin lamang sa akin. Sa puntong ito ay humanga ako nang bahagya sa pagkaka-compliment sa kaniya ng suot niyang black collared shirt at maong shorts. Ang ayos niyang tingnan.   “Kain na,” maikli niyang sabi sabay yuko sa pagkaing nakahain sa harap niya. Nagsimula na siya kaya dahan-dahan akong humakbang at umupo sa tapat niya. Saglit ko siyang tinitigan upang tantyahin kung naroon pa ang inis niya dahil sa mga nasabi ko kagabi. Kung sa bagay, kahit ako naman ay naiinis pa rin sa kaniya. The feeling is just mutual, kung nagkataon man.   Wala akong sabi-sabing nagsalok ng kanin sa platong nakahanda na rin sa aking tapat. Pagkatapos ay isang isda iyong kinuha ko nang hindi ko man lang sinusubukang i-angat ang tingin sa kaniya. Kahit paano, nakakaramdam din naman ako ng hiya. Talagang mahihiya ako sa parte ko dahil ako itong babae pero nadadaig pa niya sa gawaing bahay.   Noong nasa Manila pa ako’t nasa puder nina Mommy at Daddy, hindi ako madalas kung kumilos dahil mayroon namang kasambahay. Lumaki akong laki sa layaw at si Mommy halos ang nagbibigay nito sa akin. Ni ayaw niya rin akong pagawain ng kung ano-ano kaya wala yata akong natutunan kundi ang kumain, matulog, at mag-aral. Ngunit saka lang nagbago ang lahat nang napadalas na ang away nila ni Daddy. Nahiya na rin kasi noon si Mommy sa mga kasambahay kaya mas pinili niyang paalisin ang mga ito. Napagdesisyunan niyang siya na lang ang gagawa sa bahay at paminsan-minsan, hinihingi niya rin ang tulong ko.   Ngayong wala na akong Mommy sa tabi ko, doon ko natanto kung gaano kahalaga ‘yong mga bagay na sana’y natutunan ko noon pa. Na-realize ko na dapat noon pa lang ay nag-insist na akong gumawa ng gawaing bagay kahit na labag sa kalooban nila. I really need that skill for survival. Lalong lalo na sa pagkakataon kung saan sarili ko ang higit kong aasahan— hindi si Nay Klaring, si Carlo, si Roma, at kung sino pang narito sa isla.   Saktong sa pagsubo ko ng pagkain, biglang may sinabi si Carlo na aking ikinagulat.   “Gagala tayo. Ililibot kita sa islang ito para naman hindi ka mainip.”   Para akong tanga dahil bigla ang pamimilog ng aking mga mata. Marahan kong nginuya ang kinakain ko habang diretso lang ang tingin sa kaniya.   Mayamaya, nang maubos na ang nasa bibig ko ay saka ako nagsalita. “Sigurado ka?”   “Ayaw mo?”   Umiling ako. “Hindi sa ayaw ko, tinatanong ko lang naman kung sigurado kang isasama mo ako—”   “Isasama kita kaya ‘wag ng maraming tanong.”   Ngumuso ako. Sungit talaga.   Sa ilang saglit pa ay natapos na rin kaming kumain nang hindi nag-uusap. Ako na ang kusang nagligpit ng pinagkainan at naghugas nito nang wala ng sabi-sabi.   Oo, aaminin kong nananabik ako dahil sa sinabi niya. Sino ba namang hindi? Ito na rin ang pagkakataon kong gumala. Mas maganda sana kung kasama si Igor kaya lang, baka maglalakad lang kami at medyo malayo-layo ang mararating.   Habang naghuhugas ng pinagkainan, nagtanong siya mula sa aking likod. “Hindi ka na magbibihis? ‘Yan na ba ang isususot mo?”   Sumimangot ako at marahang lumingon sa kaniya.   “Nang ganito ang suot ko? Seryoso ka?”   “Kaya nga tinatanong kita. Nagagalit ka naman agad.”   “Magpapalit ako siyempre. Ang pangit naman tingnan kung pagala-gala ako nang ganito ang suot.”   “Wala namang mali sa pagsuot ng daster ah?”   “Wala nga,” tugon ko sabay balik ng atensyon sa ginagawa. “Pero hindi rin naman mali maging presentable sa labas ‘di ba?”   “Hindi rin, baka naman may pinapagandahan ka?”   Hindi ko na iyon pinatulan pa. Bahala na siya sa kung ano man ang iisipin niya basta ako, magpapalit ako.   Pagkatapos ko maghugas ng plato ay saka siya lumabas ng kubo. Nagpalit naman ako ng jeans at red floral shirt, iyong sakto lang sa pagiging balingkinitan ng katawan ko. Hinayaan ko lang ang bagsak ng aking buhok at hindi na ito pinusod pa. Ilang suklay lamang ang ginawa ko rito dahil naging satisfied din naman nang mapansin kong wala ng parteng mabuhaghag.   Pagkalabas ko, saktong bumulaga si Carlo na ngayon ay hinahawi pagilid ang buhok. Pagkabukas na pagkabukas ko kasi ng pinto, hindi ko inakala na sa tapat lang pala siya nag-aabang. Nag-aayos ba siya o nagpapagwapo?   Kahit naman ano pang gawin niya, gwapo pa rin naman siya. Iyon ang hindi ko na kayang kalabanin dahil kahit na sinong babae ang tatanungin, sasabihin talagang gwapo siya.   “Nagpaalam ka ba sa girlfriend mo tungkol dito?”   Saglit siyang yumuko sa akin at nakipaglaban muli ng titigan. Subalit makalipas ang ilang segundong paghihintay ko sa sagot niya, tumalikod lang siya at tuloy-tuloy na naglakad palayo.   Nataranta naman ako. Isinara ko muna ang pinto saka sumunod sa kaniya.   “Hoy sandali! Tinatanong pa kita! Sagutin mo muna ako bago tayo umalis!”   Sa sobrang ganda ng panahon, maganda ang pagkakasikat ng araw sa walang kaulap-ulap na kalangitan. Ngunit kahit na natutukso ako sa kapaligiran, mas pinili kong ituon ang pansin sa kaniya hanggang sa nagawa ko na siyang maabutan.   “Teka,” pagpipigil ko sabay huli sa kaniyang palapulsuhan. Naramdaman ko pa ang mumunting balahibo niya roon kasabay ng pagharang ko sa kaniyang dinaraanan. “Mag-usap muna tayo—”   “Wala akong girlfriend,” deklara niya at pagputol sa linya ko na siya kong ikinagulat. “Kaya wala kang dapat alalahanin. At hindi ko na kailangang magpaalam.”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD