Habang hindi pa sila nakakarating dito, makailang ulit akong huminga nang malalim upang makabalik sa katinuan. Wala akong dahilan upang masaktan. That was just nothing. Ano kung nakita kong nakakapit si Roma sa braso ni Carlo? Ano kung parehas silang nakangiti? Ano kung kanina pa sila magkasama? Like I said, pwede namang ipagsawalang bahala kung ano ang napag-usapan namin ni Carlo. Pwede niyang bawiin iyong sinabi niya ukol sa panliligaw sa akin kung `yon ang gusto niya. Walang pipigil sa kaniya. Wala rin akong pakialam. Total mukha naman siyang masaya kay Roma. Mula sa bintana, kabado akong humarap sa lamesa. Lumapit ako roon at mas inayos pa ang puwesto ng mga kubyertos. Hangga’t maaari, kailangan kong ipakita ang pagiging masinop ko sa kubong ito. Mahirap na at baka mahusgahan p

