"Bakit ba kasi kailangan mo makipaglaban sa kapatid mo? Ang kayamanan at pera ay isa dapat sa mga bagay na hindi mo dapat hinahayaan magbunga sa away!" Suway ko sakanya.
Ilang araw na kasi ang parinigan at away ng dalawa sa loob ng bahay nila. Ako naman ay naiipit dahil sa pangyayari! Nagugulat na lang ako bigla na lang silang nag-aaway!
"Saan pala tayo pupunta?" Takang tanong ko dahil nasa kotse kami ngayon. Ako nga ay excited dahil may pupuntahan na naman kami!
Ilang araw pa naman ako nakakulong sa mansyon nila. Iba talaga mag-away ang pamilya nila. Pati ang ina nito ay nakakagulat at kulang na lang hintayin ang dalawa na magpatayan na lang.
"May party sa palasyo. Kailangan mo ng susuotin," maikling aniya.
"Susuotin? Kasuotan ba? Pero ang dami mo ng damit na ibinigay!"
"Pang bahay lang 'yon."
"Ano ba ang party?"
Sinimangutan niya ako. "Kainan. Nagsasama-sama lahat ng tao sa iisang lugar."
Agad kong nakuha ang sinabi nito. "Ah, oo! Parang isang piging!" Hinawakan ko pa ang kamay nito at tumango sakanya.
Napahinto ang sasakyan kaya naman kung wala lang harang ang inuupuan ko ay malamang, tumalsik na ako!
"River!" Gulat na sita ko sakanya. "Mag-ingat ka naman!?" Sigaw ko sakanya.
"Bakit ka kasi nanghahawak bigla?!" Aniya na akala mo isa siyang babae mula sa sinauna.
Natawa ako sa inakto nito na akala mo kung sino siyang nahihiya. Mabilis akong umiling sakanya.
"Bakit tila magkabaliktad tayo at ikaw ang nanggaling bigla sa sinaunang panahon?" Asar ko pa dito.
Hindi ito sumagot at sinamaan na lang ako ng tingin. Sinubukan ko pang bumungisngis ngunit walang apekto iyon sa lalaki kaya naman ako ay natawa na lang ulit.
"Pinasarado ko ang mall. I hate a lot of people roaming around," aniya.
Napangiwi ako sa sinabi nito. "Kung ayaw mo ng tao ay masama iyon. Kailangan mo ng ibang tao upang mabuhay." Sabi ko sakanya.
Hindi ito nagsalita at sinamaan na lang ako ng tingin.
"Dito–hanggang dito. Kukunin ko," aniya sa sumusunod saming mga babae. "Lahat ng ito ay susuotin mo. Susukatin mo. Maliwanag?" Aniya na ikinangiwi ko.
"Maliwanag..." Sabi ko sakanya.
Tumango sakin si River at ang mga babae ay dinala ako sa isang silid.
"Ang guwapo naman talaga ni sir!"
"Kaya nga noong nagpa-book iyan dito ay parang kumpleto ang staff ngayon dahil lahat ay nais siyang masilayan!" Aniya at natawa pa.
Parang wala ako dito.
Napanguso ako. Kung alam lang nila kung gaano kasungit ang lalaking iyon. Paiba-iba pa ng ugali!
"Kumusta naman kayo ma'am? Kumusta ang pagiging girlfriend ng anak ng presidente?"
Bakit ganon? Akala ata ng lahat ay tila titulo ang pagiging girlfriend ni River.
Ngumiti lang ako sakanila bilang sagot.
"Wala namang kakaiba." at wala akong pwedeng sabihin. Nagpapanggap lang naman kami kaya siyang tunay na wala akong masabi sa relasyon na meron kami. Baka kung ano pa ang masabi ko dito!
"Walang kakaiba?"
Nagkatinginan ang mga ito at nagtawanan. "Ang humble mo naman Ma'am! Parang hindi sinarado ang mall para lang po makapamili ka!"
Nakakapagod kausap ang mga babaeng ito. Gustong-gusto nilang nagtatanong tungkol kay River Serrano at ako naman ay napapangiwi dahil mali-mali ang nalalaman nila!
Isa lang ata ang pwedw akong sumang-ayon– ayon ang may maayos at maipagmamalaki siyang itsura.
"Ang ganda mo rin ma'am ano? Iba talaga ang kutis pag galing sa korea!"
"Oo nga Ma'am! Anong skincare niyo po?"
"Baka naliligo sa gatas 'yan!"
Tinignan ko ang sarili sa salamin. Nakasuot ako ng puting bestida na may kumikinang na detalye sa bandang dibdib. Simple ngunit elagante.
Gusto ko ang isang ito. At kakaiba rin sa pakiramdam dahil bukas siya! Nararamdaman ng balat ko ang hangin!
Ito ba ang tinatawag nilang liberated?
"Naliligo nga ako sa gatas," sagot ko. "Ipakita na natin ito sakanya."
Pero si River ay si River.
Hindi siya madaling kausap at maraming komento tungkol sa bagay.
Kumunot ang noo kito at tinignan ako mula ulo hanggang paa. "Hindi bagay. Alisin mo."
Ang dami niyang komento! Lahat ng sinuot ko ay wala siyang nagustuhan!
"Maganda naman si Ma'am. Bakit kaya?" Sabi pa ng isang babae at natawa.
Pakiramdam ko ay ako na ang pinagtatawanan ng mga ito!
"Wala na?" Tanong ni River noong makalabas ako ng isang silid at suot ang normal na damit.
Sa huli, ang pinili namin ay iyong naunang damit dahil sabi niya, ako na lang daw ang bahala! Hindi ba! Pinaglalaruan lang ako ng lalaking ito!
"Sana ay sinabi mo noong una pa lang na iyon ang gusto mo at hindi iyong pinahirapan mo ako suotin ang lahat!" Inis na sabi ko dito. "Kung sinabi mo pa lang noong una na iyon ang gusto mo–"
"Lahat ay pinapasukat ko sayo dahil lahat gusto ko. Lahat bagay sayo." Aniya. "Maganda ka."
Natigilan ako sa sinabi nito at siya na ang naunang naglakad. Hindi ko alam ang mararamdaman sa sinabi niya pero tila may tumusok sa dibdib ko at nag-init pa ang aking pisngi.
"Huwag kang papadala, Adelaide. Mali iyan! Hindi tama iyan!" suway ko pang muli.
Sumunod noon ay mga alahas. Madali lang naman napakamili dahil nga itinuro niya lang iyon ng basta at umalis din.
Habang ako naman ay hinihintay ang pinamili.
"Grabe si sir River sayo ano maam? Mahal na mahal ka ata," aniya at natawa.
"Paano niyo naman nasabi iyon?"
"Ano ka ba Ma'am! Halata naman sa titig ni sir Serrano na gustong-gusto ka niya!Kung ano nga ang titigan ng ganon, malamang ay natunaw na ako!"
Kumunot ang noo ko sa sinabi nito. Paraan ng pagtitig? Eh noong kailan nga lang ay grabe ito kung iturin ako.
Mukhang malabo lang ang mata nila. Sana ay magpasalamin sila.
"River, gusto ko ng kumain," reklamo ko dito dahil kanina pa kami naglalakad at napagod ako sa pakikipag-usap sa mga tao.
Grabe, lahat ata talaga ay interesado sa isang Rivee Serrano. At tila nakakataas ng pagkatao dahil ako ang nasa tabi nito.
Kung tutuusin nga ay isa lang akong wala lang sa tabi niya. Siyq ngayon iyong tila isang prinsipe at ako ang tila wala lang na tao.
"Anong gusto mo kainin?"
"Gusto ko ng masarap."
"Ako iyon," sagot niya at tumawa.
Kumunot ang noo ko sa sinabi nito. "Anong ibig sabihin mo doon?" Takang tanong ko sakanya. "Ikaw? Masarap? Sa paanong paraan?"
Sinubukan na ba niyang pakuluan ang sarili?
Sumimangot ang lalaki. "Hindi nga pala dapat magbiro sayo dahil isa kang babae na galing sa sinaunang panahon..." Aniya sabay iling.
"Hoy!" Tawag ko sakanya dahil tila isang insulto iyon sakin. "Bakit hindi mo sakin sabihin ng maintindihan ko ang iyong sinasabi? Hindi iyong nang-iinsulto ka diyan!"
Pumasok kaming dalawa sa isang kainan at naamoy ko agad ang pagkain. Nakita kong maraming nakahanda doon.
"Satin ito?" Tanong ko sakanya ng may ngiti sa labi.
Tumango siya sakin. Napapalakpak naman ako. Hindi ko alam kung bakit ang bait niya ngayong araw– pero sa tingin ko ay nararapat naman ito dahil tiniis ko ang pangit niyang ugali!
"Salamat naman!"
Mabilis akong umupo at tinikman ang mga nakahanda doon.
"Ito talaga ang babalikan ko sa mundo niyo. Ang kakaibang paggawa ng pagkain at mga putahe! Isang karangalan na makakain ng ganito!"
Tinawanan ako ni River at umupo ito sa tabi ko. "Get yourself full."