Tinignan ko lang siya. Maraming bumabagabag sa isip ko pero mas nangingibabaw ang pagbalik ko kay River. "Huwag mong isipin si Klare. Ako na ang bahala sakanya. Wala kang dapat isipin sa mga ganyan." "Ngunit nag-aalala ako sayo." Ngumiti ito sakin na tila sigurado siya na walang mangyayaring masama. At iyon ang dahilan kung bakit ako bumalik kay River. Kung paano niya ako ngitian ng may kasiguraduhan. Sapat na iyon. "Where are you two going?" Napahinto kaming dalawa ni River sa paglalakad noong nagsalita si Tracy. "Really, Adelaide? You're going to leave me just because he say so?" "Yes, and you cannot do anything about that." Si River. Ito na naman sila sa kakaiba nilang lenggwahe. "Why are you so possessive towards her? You're making me wanting more her," si Tracy. Humigpit

