Dahil sa usapin naming iyon ni River ay nagkaintindihan kaming dalawa– na pareho kami ng mundo sa magkaibang panahon. Nandito ulit ako sa sariling silid. Nakahiga ako sa kama at nakatingala lang habang pinipigilan ang ngiti sa labi. Binabalikan ko ang usapan namin kagabi kaya naman lalo akong nakakakaramdam ng kung ano! Napasinghap ako at inayos na ang sarili dahil bukas ay mukhang mahaba ang araw naming dalawa ni River. Inanyayahan ako nito na lumabas! Napatigil ako saglit noong maalala ang aking ama. Pero tama ba na makaramdam ako ng ganito? Nagsasaya ako dito pero alam kong nag-aalala na ang aking ama. Nawala ang saya na nararamdaman ko. Ano bang klaseng anak ako at hindi ko iniisip ang aking ama? Nawala na si ina sa'ming dalawa. Hindi nito kakayanin pag ako rin ay nawala saka

