Masaya akong tinutulungan ni River sa pagbalik ng palasyo at sa dati kong buhay. Pero hindi ko mapigilang isipin– pinapaalis ba niya ako? Gusto niya ba akong umuwi? Masyado na ba akong nagiging makulit o hindi na niya ako kaya? Isa iyon sa mga bumabagabag sakin habang tinutulungan niya ako. "Dito ang palasyo niyo noon," aniya. Hindi ako makapaniwala na ang palasyo namin ngayon ay isang daan ng mga sasakyan– maraming nakatayo sa mga matatayog at modernong haligi. Malayong-malayo at hindi bakas ang kahit anong meron sa palasyo. "Paano ko naman mahahahanap ang daan pauwi dito?" Hindi ko mapigilang itanong sakanya dahil wala talagang kahit anong bakas ng nakaraan. "This is a highway, cross road. Masyadong malaki ang palasyo niyo and base sa map, dalawang city ang sakop ng palasyo niyo.

